Chapter 16 Alliance

502 9 0
                                    

Someone's  Pov...

"Ang lalaki nyong tanga! natalo kayo ng dalawang bata!"- sigaw ko sa kanila.

" Patawad, Panginoon! may tumulong po kasi sa kanilang batang babae!"- wika ng isa kong alagad na si Guchi.

"Iyan pa! isang bata ang tumalo sa inyo!"- galit kong sigaw.

" Nalalaman po lasi nung bata kung saan kami lalabas!"- wika ni Kyuhae.

"Anong ibig mong sasabihin?"- tanong ng isa kong anak na si Rainu.

" Parang alam po nya kung saan bubukas yung Black Dimension!"- wika pa ulit ni Kyuhae.

"Kaya hindi lang po sa itinakda tayo mabahala kundi doon din po sa batang babae!"- wika naman ng isa ko pang alagad na si Yue.

" Magpakalat kayo ng bantay sa labas ng Tantei High ngayon din!"- wika ko at agad silang tumakbo.

"Ama, huminahon muna kayo. Ang dapat nating isipin kung paano natin mapapasok ang Tantei High ng walang nakakaalam para madukot natin ang itinakda!"- wika ng isa ko pang anak na si Inoue.

" Pero ate, tanging si Kiya lang ay may kakayahan na makapasok sa Tantei high ng walang nakakaalam dahil ang sixth sense nya ay pigilan ang paglabas ng sensation ng Black Dimension!"- wika naman ni Rainu.

"Speaking of Kiya, nasaan sya?"- tanong ko.

" Tinatawag nyo po ako?"- wika ng babaeng biglang lumitaw sa gilid ko.

"Saan ka galing?"- usisa ni Inoue.

" Sa Tantei High at makukuha ko na sana ang itinakda kaso dumating si Michiko!"- wika ni Kiya.

"Ibig sabihin nakapasok ka ng Tantei High ng walang nakakaalam?"- wika ni Rainu.

" Bukod kay Michiko!"- wika ni Kiya.

"Ang dami nating problema ngayon! Ang Itinakda, yung batang nalalaman kung saan bubukas ang Black Dimension tapos si Michiko na nararamdaman ang pagdating natin"- wika ko.

" Yung batang nalalaman kung saan bubukas ang Black Dimension! may alam ako tungkol sa kanya!"- wika ni Kiya.

"Ano?"- wika ni Rainu.

" Sya daw ay anak ng isang Shinigami na kabilang sa Shinigami Rebels at ang kanyang ina naman ay isang Senshin. Ang sixth sense daw nung batang iyon ay nalalaman ang mangyayari sa hinaharap in 15 minutes depende sa kulay ng mata nya!"- wika ni Kiya. Kaya pala nalalaman nya kung saan bubukas yung Black Dimension.

"Kung ganon, dapat pala natin talagang problemahin ang batang iyun at ikaw lang ang makakalutas nun, Kiya!"- wika ko at yumuko lang si Kiya bilang paggalang. Umalis na si Kiya sa harap ko kasama si Rainu. Si Kiya ay anak ng isa sa mga malalakas na Reaper noon bago mamatay ang asawa ko. si Yuzuki ay matalik na kaibigan ng kapatid ng yumao kong asawa. Si Rin at Rielle ay magkapatid at si Sarah o si Yuzuki ay parang kapatid ni Rielle.

Nagbunga ang pag-iibigan namin ni Rin ng dalawang anak. Iyon ay si Rainu at Inoue. Tanging si Inoue lang ang nakakita kay Rin dahil isang taon palang si Rainu ng mamatay si Rin. Nang malaman ni Rainu na namatay si Rin ng dahil sa mga Senshins na naging dahilan para magtanim ng galit si Rainu sa mga Senshins.

Sa sobrang daldal ko, nakalimutan ko ng magpakilala. Ako nga pala si Raigiya, ang kasalukuyang pinuno ng mga Shinigamis.

————————————————

Rainu's  Pov...

Gusto ni ama na matalo at malupon ang mga Senshins dahil sa pagpatay nila kay mama. Oo, nasaktan ako ng malaman ko na pinatay nila si mama pero alam kong hindi masama ang mga Senshins dahil iyon ang sinasabi ni Kiya sa akin.

Si Kiya lang ang pinapayagan kong pumasok ng kwarto ko. Sabi ni Kiya na sinabi daw sa kanya ng mama nya ang totoong dahilan kung bakit nagkaroon ng alitan sa pagitan ng Shinigami at Senshins.

Naging sakim daw sa kapangyarihan ang dating pinuno ng mga Shinigami na si Subaro. Si Subaro daw ay ama ng aking ina. Dinudukot daw nila ang mga Hunters, Custos at Senshins para makuha ang mga mata ng mga ito dahil nasa mata daw ang kapangyarihan ng isang Erityian. Ngunit naging alerto ang mga Senshins kaya bumuo ang mga Senshins ng isang samahan na magta-track ng mga Shinigami na tinawag nilang Shinigami Trackers.

Para makapag-spiya sa Senshins ay ginamit nila si Rielle na kapatid ng aking ina upang magmatyag sa Tantei high. Ginawa ni Rielle ang lahat para magawa ang layunin nya doon ngunit nabigo sya. Hindi nya nagawa ang layunin nya dahil napamahal na sa kanya ang mga kasama nya at na-inlove din sya sa isang Senshins na si Hideo dahil doon ay nagkaroon silang anak na naging dahilan upang magalit si Subaro sa kanya. Ipinagtanggol nya ang mga Senshins dahil ang mga Senshins ay may mabubuting puso. Ibinuwis nya ang sarili nyang buhay para sa isang lahing hindi sya nabibilang.

Nabuo rin ang Alliance ng mga Custos, Huntres at Senshins. Pero hindi parin nawawala ang mga traydor sa isang lahi. Nagkaroon ng mga traydor sa lahi ng mga Custos at Huntres na syang naging ka-Alyansa ng mga Shinigamis.

Ang namumuno sa Huntres na ka-alyansa namin ay si Emily at Pyra. Sa Custos naman ay si Zander. May dalawang grupo ang Custos. Red at Black. Black ang nasa panig namin.

Kahit na anak ako ng pinuno ng Shinigami ay hindi ako pabor sa mga gawain at layunin ng lahing ito dahil hindi ako kasing sama ng magulang at kapatid ko. Ipinapakita ko lang kay ama at ate na gusto ko yung ginagawa nila pero ang totoo...hindi. Alam kong naging katulad na ako ni Rielle na nagtaksil sa sariling lahi pero kung ito ang nararapat ay gagawin ko dahil ito lang ang maaari kong gawin.

Hindi pa ito ang tamang oras para ilantad na ako ay isang traydor dahil kailangan ko pa sila ama para sa layunin ko at ni ate Kiya. Minsan nagdududa rin ako kay ate Kiya na baka hindi totoo ang mga sinasabi nya kaya gusto kong makaharap kahit isa sa mga Senshins para malaman kong totoo ba na may mabuti silang puso tulad ng sinasabi nya.

"Rainu, pinapatawag ka ng iyong ama!"- wika ng isa sa mga Reapers na si Yukira mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

" Sige, susunod na ako!"- wika ko. Nagpalit na ako ng damit ko at isinuot ang black cape na ibinigay ni ama sa akin.

Lumabas ako ng kwarto ko at dumeretso na sa main chamber. Inihanda ko na yung sarili ko dahil sigurado ako na may mission akong pupuntahan. Pagdating ko sa chamber ay nandoon lahat ng mga Reapers at ibang mga Custos at Huntres.

"Ngayong narito na si Rainu, hayaan nating sya ang pumili ng isasama nya!"- wika ni ama pagkarating ko.

" Bago ako mamili, Ama. Ano ba ang mission ko?"- tanong ko kay ama.

"Nabalitaan namin na may case na iso-solve ang mga Senshins kasama ang Itinakda at yung batang anak ng Shinigami at ang mission mo ay dukutin ang dalawang iyon!"- wika ni ama at tumango na lang ako.

" Kung ganon, si Kiya, Seira,Von at si Anne na lang ang isasama ko"- sila ang pinili ko dahil pare-pareho kami ng mga layunin.

"Kung ganon, Umalis na kayo at gawin ang inyon mission!"- wika ni Ama at yumuko kami bago umalis ng tuluyan. Ngayon ko malalaman kung totoo ang mga sinabi ni Kiya.

Ito na ang tamang oras para ipakita sa mga Senshins na hindi lahat ng Shinigami ay masasama at patutunayan ko yun.





$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$############################¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&££££££££££££££££££££££££££££



Avoid to be a Stereo typer, Please! be Compasionated


Sorry! short UD! bawi na lang ako sa next Chapter.


~Kash-mirLoveIchiro


TANTEI HIGH  (War of Erityians)  FanFictionWhere stories live. Discover now