Chapter 10 Second case

663 13 6
                                    


Erza's  Pov

Hanggang ngayon hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari kahapon. Nakita ko sa mga mata ni Ariella ang pagsisi dahil alam kong mahal nya si ate Cath.

Napatingin ako sa kamay ko at naalala ko yung bracelet ni Ariella na ibinigay sa akin at wala iyon sa wrist ko. Tumakbo ako sa drower at hinanap ko yun ngunit wala iyon doon.

Hinanap ko kung saan saan, sa ilalim ng kama, sa C.R pati sa kusina pero wala doon. Bigla kong naalala ng baka nalaglag sa Agency o sa loob ni Miyu.

Agad akong tumakbo palabas at tinungo ang Midori Building. Nang malapit na ako, natanaw ko sila na nakatayo sa tapat ng pinto. Balak pa nga sanang bumalik ni Miyaka sa Dorm pero ng makita nya ako ay bigla syang napahinto.

"Ito na pala sya eh?"- wika ni Miyaka sabay pamaywang.

" Sama ka ba sa amin?"- tanong ni Shinichi. Sama? saan?

"Where?"- tanong ko kasi di ko naman alam kung saan sila pumupunta pag weekend. Yup! weekend na.

" Sa Agency"- nakangiting wika ni Renji at tumango na lang ako kasi doon naman talaga ang punta ko. "Yun! tara na!"- wika ulit nya.

" Ah! Erza! eto nga pala yung bracelet mo!"- wika ni Almira sabay abot sa akin ng bracelet. "Nakuha ko yan  sa banyo kagabi, siguro na iwan mo!"- wika pa nya kaya tumango na lang ako.

Pumasok na kami ng Hallway, kahit pangalawang beses na akong dumadaan dito, ay! pangatlo na pala eh! hindi parin ako sanay. Ang creepy parin kasi sa pakiramdam. Matapos ang 15 minutes ay naakarating na kami sa Agency.

Dumeretso kami sa labas ng police station at agad na sumakay kay Miyu. Binati kami ni Miyu isa-isa at binati rin namin sya.

" Anong ginagawa natin dito?"- tanong ko sa kanila.

"Ito ang lagi naming ginagawa tuwing weekend!"- sago ni Ranjickou.

" Nag-aabang kami ng case na iso-solve!"- wika naman ni Miyaka.

"Killing intent, detecting!"- agad na tinungo nila ang monitor ni Miyu at nakita namin na isang tao na naka-hood at sinusundan nya ang isang lalaki na naglalakad sa isang subdivision. Silang dalawa lang ang naglalakad doon.

Maya-maya pa ay biglang tumakbo yung lalaki na naka-hoo at sinugod yung lalaki na sinusundan nya. Nagulat na lang ako ng naka-bulagta na yung lalaki at naglakad na yung naka-hood palayo hanggang sa mawala na sya sa monitor ni Miyu.

Agad na inutusan ni Ranjickou si Miyu na puntahan ang lugar na iyon. Nang huminto si Miyu ay agad kaming lumabas pero bago ako lumabas ay may nahagip yung mata ko sa tabi ng isang base. Nilapitan ko ito at doon ko lang nakita na ito pala yung ipinakita sa amin sir Hayate nung sya ang pumasok sa Technology namin, hindi ko na nga lang matandaan yung tawag dito kaya ibinulsa ko na lang dahil baka makatulong ito sa case.Pagdating namin doon ay nagkukumpulan na yung mga tao na nakiki-usyoso.

Nakita ko ang isang lalaki na nakabulagta sa kalsada habang may nakatarak na isang dagger sa dibdib nya.

" Time of death, 7:26 am!"- wika ni Ranjickou.

"Name of Victim, Anthony Rosales!"- wika naman ni Almira habang hawak ang wallet nito.

" Cause of death, Fatal blow to the heart!"- wika naman ni Sakura habang hawak ang parte ng bangkay na may sugat. Nakaka-amaze yung sixth sense nila ni Ranjickou. Mabilis pa sila sa mga doktor ng mga humdrums, di na kailangan ng autopsy.

"The Police cars are coming!"- wika ni Kendra na syang nagpakaba sa amin dahil baka malaman nila ang existence ng mga Senshins. Maya maya lang ay dumating ang mga police at agad na lumapit ang isang pulis sa amin.

TANTEI HIGH  (War of Erityians)  FanFictionWhere stories live. Discover now