Chapter 12 Second case 3

518 10 0
                                    

Erza's Pov

Naglalakad kami ngayon sa hallway ng girl's dormitory para pumunta sa Agency. Hanggang ngayon hindi parin maalis sa akin yung mga nangyari kahapon. Ngayon lang ako naka-encounter ng isang serial murder at ang masaklap ay mahirap malaman ang identity ng murderer.

Isama mo pa yung laging nakikipag-usap sa akin sa isip na laging nasa dilim at iyaw ipakita ang sarili. Tapos yung isa sa mga posible suspects na si Emily, pamilyar sa akin yung pangalan na yun pero bakit ayaw sumagi sa isip ko kung saan ko narinig yun? hay! ano ba yan?

Pumasok na kami sa creepy hallway at pagkatapos ng labing limang minuto ay nakarating na kami sa Agency at agad na dumeretso kay Miyu. Binati kami isa-isa ni Miyu at binati rin namin sya.

Wala pa yung mga boys siguro napagod kagabi. Maya-maya ay nakaramdam ako ng motion sa labas, siguro nandyan na yung boys pero na bumukas ang pinto ay ang pagpasok ni ms. Kash-mir.

"Where's the others?"- bungad nyang tanong.

" I think, they on the way!"- i said at biglang bumukas yung pinto at iniluwa noon yung apat na boys.

"Hello Girls!"- bati ni Renji sa amin.

" Nasaan si Renjickou at Akiro?"- tanong ko ng silang apat lang ang dumating.

"Ah! pinatawag sila ni sir Hideo, may sasabihin daw yata!"- sagot ni shinichi.

" Sabi nga pala nila ay mauna na tayo!"- wika pa ni Naraku kaya pina andar na ni Zendo si Miyu.

Yung Hideo, sya yung former president ng Senshins tribe. Sya rin siguro yung lalaking kinausap ni sir Ichiro kahapon.

Pagdating namin sa sa crime scene ay agad kaming bumaba at nagplano ng mga gagawin.

"Almira at Erza, pumunta kayo sa Hotel kung saan namatay si Emma Mercado at magtanong kayo ng oras ng check in at check out ng mga suspect!"- utos ni ms. Kash-mir." Tapos Zendo, Miyaka at Sakura, kayo naman ang pumunta sa Condominium at kumuha ng iba pang details mula kay Ivy Garcia!"- wika panya habang nakatingin doon sa tatlo at tumango lang sila."At the rest, sumama kayo sa akin!"- wika nya at naghiwahiwalay na kami.

Tinakbo namin yung building kung saan namin natagpuang walang buhay si Emma Mercado. Nagtanong kami sa lobby kung anong oras at araw nag-check-in at nag-check-out yung mga suspects pati na rin si Emma.

Doon din namin nalaman na isa nga talagang negosyante si Emma Mercado at sya daw ang may ari ng isa sa mga sikat na Restaurant dito na 'Mercadish Restaurant'. Napag-alaman din namin na nag-check-in si Emma para lang makipagkita sa isang kaibigan pero hindi naman daw sinabi yung pangalan ng kaibigan.

Naglakad na kami pabalik kay Miyu at pagdating namin dun ay kompleto na sila. As in kompleto kasama si Ranjickou at Akiro.

Magsisimula na sana kami ng Investigation ng makaramdam ako ng hindi maganda katulad ng naramdaman ko bago mamatay si Emma at si Ivy. Hindi ko hinawakan yung dibdib ko para di nila mapansin pero di ko inaasahan yung mga sinabi ni Kash-mir.

"Erza! your heart beat is so fast! 280 per minutes!"- wika nya na nag-aalala kaya di ko na napigilang hawakan yung dibdib.

" Shit! may mamamatay na naman!"- wika ni Miyaka.

"What do you mean?"- takhang tanong ni Kash-mir.

" Because everytime she hold her chest, it means that the next victim is dead!"- rinig kong sabi ni Miyaka. Bigla na lang akong tumakbo at parang di ko kontrolado yung mga paa kong tumatakbo at huminto lang ito sa harap ng isang bahay na may number na 228 at katabi nun ang isang number pa na 015 and i think that 015 is a business permit base doon sa nakasulat.

TANTEI HIGH  (War of Erityians)  FanFictionWhere stories live. Discover now