Erza's Pov...
Naglalakad kami ngayon nila Kash-mir at Almira ng dahan dahan dahil kasulukuyan naming sinusundan si Emily. Hind parin mawala sa akin yung kaba kasi may masama akong kutob sa babaeng sinusundan namin.
Bukod sa pamilyar sa akin yung mukha eh! pamilyar din sa akn yung pangalan nya. Di ko alam pero parang narinig ko na somewhere yung name na yun at parang nagkita na rin kami dati pero hindi ko maalala. Parang may humaharang sa isip para hindi ko maalala yung pangalan at mukha nya.
Bigla naman akong nabunggo sa isang likod...likod pala ni Almira. Huminto kasi sila kaya iyun, dahil sa lutang ang isip bumunggo ako sa likoran ng taong nasa harap ko.
Tinignan ko yung tinitignan nila at nakahinto yung babae. May naramdaman naman akong motion sa bandang likoran namin kaya napatingin ako doon at laking gulat ko ng makita ko ang dalawang lalaking naka black cape.
Magkaiba sila ng kulay ng mata.Yung isa ay intense green at isa ay Bloody Red kaya kinalabit ko si Almira.
"Erza! wag ka ngang kalabit ng kalabit, may tinitignan kami!"- wika nya kaya tinignan ko sya at nakatingin parin pala sila kay Emily.
" Kaysa nakatingin kayo pareho dyan, tignan nyo rin yong paparating sa likuran!"- at sa sinabi kong iyun ay nakuha ko ang atensyon nila kaya napatingin sila sa likuran namin. Nanlaki ang mga mata nila sa nakita. Tinignan ko yunv kinaroroonan ni Emily at laking gulat ko ng nakaharap na sya sa amin habang ang mata nya ay clearly blue.
"Kash-mir! si Emily!"- sabi ko at napatingin sya doon.
" Mukhang mapapalaban tayo!"- saad ni Kash-mir kaya agad syang nagsummong ng dalawang weapon. Isang Sword at isang wooden staff."Naku dalawa lang pala ang weapon ko!"- wika pa nya.
"Wag po kayong mag-alala, ipahiram nyo na lang po iyan kay Almira!"- wika ko.
" P-pero paano ka?"- pag-aalalang tanong ni Almira.
"I have my own weapon!"- i said with smirk tsako ko hinugot yung pair fan ko sa likod ko.
" Hanep! pamaypay!"- manghang wika ni Kash-mir.
Nakita kong maglabas ng double sword yung Shinigami at isang double sided axe yung Red ang mata at sa pagkakatanda ko, ang mga Custos ang Red ang mata.
"Ako na po ang bahala kay Emily at kayo na po doon sa dalawa!"- sabi ko at tumakbo silang dalawa sa direksyon nung dalawang lalaki.
Naglaban si Almira tsaka yung shinigami at kay Kash-mir naman yung Custos. Namangha ako sa galaw ni Kash-mir dahil nagagawa nyang sanggahin ng sword nya yung double sided axe pero mamaya na ang observation, doon muna tayo sa kalaban. Tumingin ako kay Emily at nakita ko yung kamay nya na meron ng metal claw na umuusok pa yung tipo na pagnasugatan ay lapnos agad.
Nagulat ako ng bigla syang nawala sa paningin ko pero wrong move sya dahil ramdam ko ang bawat galaw nya kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hinayaang kontrolin ng pangdama ko hung katawan ko na gumalaw.
Sa bawat pag-atake nya ay nasasalag ko ng pamaypay ko kaya medyo pagod na ako kasi hindi pa sya tumutigil kaya iminulat ko na ang mga mata ko para seryosohin yung laban ng bigla nya akong kakalmutin buti na lang ay naiharang ko yung pamaypay ko pero napa atras ako sa ginawa nya dahil ang lakas ng atake nyang yun.
" Zander! Shiro! Halika na, umalis na tayo!"- tawag nya doon sa dalawang lalaki."We will meet again, soon!"- dagdag pa nya. Naging aware naman ako dahil baka sugudin ako nung dalawang lalaki ng hindi ko namamalayan.
Nang maka-alis na yung mga kalaban ay agad kong tinignan yung dalawa kong kasama at pareho silang nakahawak sa kani-kanilang braso dahil sa sugat na kanilang natamo pero nakita kong may sugat din yung Custos kanina.
YOU ARE READING
TANTEI HIGH (War of Erityians) FanFiction
FanfictionThis is like a tantei high of Purpley Han or easy to say, my own continuation.