Ranjickou's Pov...
Nalaman na daw ni Erza ang tunay na pangyayari. Excited na ako malaman ang lahat. Paano nya nalaman?
"Ang dying message na ARD ay pangalan ng killer at si ms. Cath mismo ang sumulat nyan!"- wika nya Ibig sabihin si Ardelle nga ang pumatay. " Pero kung papansinin nyo yung pagkakasulat ay all capital letters kung pwede naman nyang isulat sa maliliit na letra!"- wika nya pa.
"Anong ibig mong sabihin!"- takang tanong ni sir Hayate.
" Dahil ang ARD ay initials ng pangalan nya, di ba Ariella R. Devera!"- sabay tingin kay Ariella na nanlaki ang mata.
"A-ako? h-hindi ko magagawa yun kay aya nate Cath!"- depensa nya pero ngisi lang iginanti sa kanya ni Erza.
" Oo! alam ko na hindi mo sya nais patayin at gusto mo lang syang saktan pero dahil nakita nya ang mukha mo ay muling mo syang sinaksak sa pangalawang pagkakataon!"- wika pa ni Erza. Kaya pala dalawang saksak natamo ni ms. Cath.
"M-may ibidensya ka ba!"- depensa pa nito.
" Oo nga! Erza, eh! galing sya labas ng mangyari ang krimen!"- wika naman ni Almira. Lumapit sa kurtina si Erza at hinawi nya ito. Usang pinto ang bumulaga sa amin. Binuksan na ito at sinenyasan si Renji na pasukin ito. Si Renji ang pinapasok nya para mabilis tumakbo.
Maya-maya pa ay bumalik si Renji."Ang labas nito ay ang labas ng bahay at katabi ng bakery!"- wika ni Renji.
Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Ginawang alliby ni Ariella ang pagbili ng tinapay sa bakery para pagtakan ang kanyang ginawa.
"Ngayon Ariella, ano ang palusot na sasabihin mo?"- tanong ni Erza. Lumuhod si Ariella at umiyak.
" Inagaw nya sa akin ang boyfriend ko kaya ginawa ko yun!"- wika nya. Nilapitan nya si Ariella at lumuhod din sya para pantay na sila.
"Alam mo ba na mahal na mahal ka ni ate Cath?"- nakita ko na ang mga luha sa mga mata ni Erza.
"Paano mo naman nasabi!?"- tanong ni Ariella. Dumukot si Erza sa bulsa ng jacket at inilabas nya ang isang napakagandang bracelet.
" Ibinilin sa amin ni ate Cath bago sya mamatay ang bagay na ito at sabi nya ibigay daw namin sayo kapag may nangyaring masama sa kanya!"- sabay abot ng bracelet kay Ariella. Lalo pang umiyak si Ariella. Bigla namang lumuhod si Almira katabi ni Erza.
"At sinabi rin nya sa amin na sabihin namin sayo na ituloy mo ang pangarap mong maging model"- nakangiting wika ni Almira pero namumula na rin yung mata nya.
Kinuha na ng mga police si Ariella pero bago ito tuluyang lumayo ay huminto ito at lumapit kay Erza.
" Erza, gusto kong pangalagaan mo ang bracelet na ito kahit para na lang kay ate Cath!"- paki-usap nito kay Erza at tumango lang si Erza. Tuluyan ng umalis yung mga police kasama si Ariella.
"Good job! Erza!"- bati sa kanya ni sir Hayate. Ngumiti lang sya pero bakas sa ngiting iyon ang lungkot na nararamdaman ng puso nya dahil sa nangyari kanina.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay kay Miyu. Binati kami ni Miyu at bumati rin kami sa kanya. Pagpasok namin sa loob ay tulala pa rin si Erza.
" Ayos ka na ba,Erza?"- nakangiting tanong ni Almira kay Erza.
"Ah! oo naman, may dahilan ba para malungkot ako?"- nakangiti nyang sagot pero alam naming lahat na malungkot pa rin sya dahil sinabi sa amin ni Almira na naaalala daw ni Erza yung mga tita nya sa katauhan ni ate Cath at Ariella.
YOU ARE READING
TANTEI HIGH (War of Erityians) FanFiction
FanfictionThis is like a tantei high of Purpley Han or easy to say, my own continuation.