Erza's Pov…Anong oras na pero hirap parin kami na malutas yung kaso kasi wala naman kaming posible suspect or suspects.
Tinignan ko yung relo ko at nakita kong 12:30 na ng bigla akong nakaramdam ng pagkawala ng buhay. Napahawak ako sa dibdib ko at parang may nang yaring masama.
"Nee-chan, ok ka lang ba?"- diko na nasagot yung tanong ni Kendra at bigla nalang akong tumakbo palabas kay Miyu. Sigurado ako na may nangyaring masama sa kanya. Naramdaman kong nakasunod sa akin yung mga kasama ko.
Pumasok kami sa building na pinasukan ko kanina at humarap sa Elevator. Kaso ang tagal magbukas ng Elevator kaya napilitan kaming gumamit ng hagdan. Tinungo namin ang fifth floor ng building at nagpunta ako sa room 228 at kinatok pero walang nagbubukas.
" Ako na!"- wika ni Zendo at kinuha yung maliit na susi na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam yung tawag. Biglang lumaki yung susi na kasya sa doorknob tsaka binuksan iyun ni Zendo at pagbukas nya ay napatakip ako sa mukha dahil nakita ko yung babae na nakatayo habang nakasandal sa dingding at may naka-tusok na kutsilyo sa kamay nya at sa ulo.
Napa-upo na lang ako sa gilid ng pinto at pinagtulungan naman nila Renji na tanggalin yung babae mula sa pagkakatusok. Para syang si kristo na ipinako sa krus.
Nagiguilty tuloy ako kasi kung hindi ko sya iniwan kanina edi sana buhay pa sya,edi sana hini ito nangyari sa kanya.
"Wag mong sisihin ang sarili mo, Erza. Wala kang kasalanan!"- wila ni Almira habang hinahagod yung likod ko.
" Pero kung hindi ko sya iniwan nung sinabi nya sa akin na sya na ang isusunod, sana hindi pa sya patay ngayon!"- wika ko kasi totoo naman eh! kung hindi ko sya iniwan, sana pinakinggan ko yung kutob ko na maaaring sya nga yung susunod.
Pumatak na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan kasi lagi kong inaalala yung palaging sinasabi ni mama sa akin kaya tumayo ako tsaka pinunasan ang mga luha ko.
Nakita kong wala na yung babae sa dingding at nakahiga na sya sa lapag.
"Time of death, 12:30 pm!"- wika ni Ranjickou.
" Cause of death, Major blow to the head and the skull and cerebrum was damaged and the knife in his hand is a props only!"- wika ni Sakura.
"Paano mo nasabing props?"- tanong ni Naraku.
" Dahil mas unang isinaksak yung nasa ulo bago yung nasa kamay!"- sagot ni Ranjickou pero ang pinagtataka ko bakit kailangan pang itusok yung kamay nya?
"Name of victim, Emma Mercado!"- wika naman ni Akiro habang hawak yung pouch nung babae.
Nilapitan ko si Akiro para tingnan yung hawak nya at nakita ko ang pangalan ng isang restaurant na 'Mercadish Restaurant'. Ibig sabihin sya ay isang chef ng sarili nyang Restaurant.
Maya maya pa ay dumating na si sir Ichiro kasama ang iba pang Tantei Police. Nilabas na nila yung bankay at agad kaming sumunod sa kanya. Pumasok kaming onse sa loob ni Miyu para Pag-usapan yung case.
Mas lalo kaming nahirapan dahil nalaman namin na konektado sya kay Anthony na naabutan naming bangkay at ayon sa nasagap ni Miyu ay magpinsan daw si Anthony at Emma. Magkaklase rin daw sila sa Highschool at pareho ng pinasukan ng college school.
Bigla ko tuloy naalala yung apat na tao na nakita ko kanina. Yung dalawang lalaki at yung dalawang babae na nakita ko kanina sa Elevator. May masama akong naramdaman ng makasama ko sila sa Elevator. Dumagdag pa yung babae na kumausap sa akin sa isip mula sa dilim.
Napasok na naman sa isip ko yung babaeng yun. Sino kaya iyun? sigurado ako na hindi sya Huntres kasi kulay green yung mata nya tsaka iba yung presence nya. Parang ang hirap huminga ng maka-usap ko sya. Hindi nga ako nakagalaw ng marinig ko yung boses nya.
YOU ARE READING
TANTEI HIGH (War of Erityians) FanFiction
FanfictionThis is like a tantei high of Purpley Han or easy to say, my own continuation.