Erza's Pov...
Hindi ako mapakali sa mga nararamdaman ko. Hindi parin maalis sa isip ko yung nangyare kanina.
Coincidence nga lang ba talaga yung pagiging makakilala ni Athena at Loreen na kapatid ni Koreen na kaibigan namin.
Parang may isang bagay na humahatak sa amin sa isa't isa. Tapos nararamdaman ko na isa sa kanila ang hinahanap namin na Shinigami.
Maaaring iba sa kanila ay taga-sundo at yung iba naman ay sinusundo. May parte sa puso ko na may masamang mangyayare at gumagawa na ng plano ang mga kalaban kung papaano makukuha ang mga kasamahan nilang Shinigami.
Kung ganon nga ginagawa nila, dapat ay gumawa na rin kami ng hakbang kung papaano mapipigilan ang mga mapagbalatkayong mga Shinigami. Sabi nga ng mga nakakatanda, kahit anong uri ng pagpapanggap ay matutuklasan parin dahil walang lihim na hindi nabubunyag.
"Erza! kanina ka pa tulala!"- wika ni Michi.
" May iniisip ka ba?"- tanong naman ni Sakura.
"Ang totoo nyan, may kutob ako na isa sa mga kasama natin kanina ay Shinigami!"- wika ko." Actually, i think hindi lang isa dahil may nararamdaman akong kakaiba sa mga kasama natin kanina!"-
"So! what's the plan?"- wika naman ni Almira.
" Miyaka! tawagin mo ang mga boys!"- utos ko kay Miyaka at sinunod nya naman ako.
Kung gumagawa sila ng hakbang pwes! ganon din kami at dapat ay magtagumpay kami dito para sa ikabubuti ng lahat. Maya-maya pa ay dumating na nga sila.
"Bakit nya kami pinatawag?"- bungad na tanong ni Naraku.
" May kutob ako na isa sa mga kasama natin kanina ay Shinigami, baka nga hindi lang isa!"- wika ko.
"Anong plano?"- wika ni Renji.
" Bantayan nyo yung mga kaklase nyo na kasama nyo kanina ng sa ganon ay malaman natin kung sino ang Shinigami at kung sino ang hindi!"- wika ko at tumango lang sila.
"At mas maganda kung mapapalapit kayo sa kanila!"- wika ni Almira.
" Tama si Almira! baka sakaling makakuha tayo ng impormasyon pag napalapit tayo sa kanila!"- pagsang-ayon ni Sakura kay Almira.
"Pero dapat parin tayong mag-ingat sa mga ikikilos natin para hindi tayo mapahamak!"- wika naman ni Akiro.
" Sige na! gawin nyo yung mga gagawin nyo at para makapaghanda na rin kayo para bukas!"- wika ko.
Lumabas na sila maliban kay Miyaka at Kendra. Nautusan kasi si Michi at Almira ni Mrs. Misaki na bumili sa palengke para sa lulutuin ngayong gabi habang si Sakura naman ay katulong ni ate Hilari sa paglilinis ng bodega katulong si Renji at Naraku.
Si Zendo naman at si Daiki ay sumama kila michi at Almira tapos si Shinichi, Akiro at Ranjickou ay nasa labas katulong si Sir Takeshi sa pagkumpuni ng sasakyan. May sarili kasing talyer si sir Takeshi at iyun ang pinagkakaabalahan nya dito lugar ng mga humdrums.
"Sigurado ka ba na meron talagang Shinigami sa mga kasama natin kanina?"- tanong ni Miyaka.
" Hinde!"- tanging sagot ko.
"Hindi ka pala sigurado eh! bakit kailangan natin silang bantayan!?"- wika ni Kendra.
" Mas maganda na yung nag iingat tayo kendra!"- wika ko."Nung magsama-sama sila kanina doon sa canteen, mayroon akong naramdaman na isang presence na nagsasabing may panganib na paparating kaya kahit na hindi ako sigurado na may Shinigami sa kanila ay kailangan parin nating mag-iingat para sa kaligtasan ng lahat!"- wika ko at tumango lang sila.
YOU ARE READING
TANTEI HIGH (War of Erityians) FanFiction
FanfictionThis is like a tantei high of Purpley Han or easy to say, my own continuation.