Chapter 27 Violet

1.1K 23 3
                                    


Erza's  Pov...

Tatlong araw pa
ang lumipas na puro ganon lang ang pinapagawa nila sa amin pero sa pamamagitan noon ay nasasanay na akong suot yung mga bracelet at anklet. Feeoing ko, parang walang nakakabit sa aking mabibigat na accessories.

Kumakain kami ng suot iyun at habang tumatagal ay nasasanay na ako. Minsan pa nga ay pinagjo-jogging kami sa paligid ng bahay habang suot iyun.

Umaga na at paglimang araw na namin dito sa Ice Goddess headquarters even though tumira na ako dito. Biglang lumakas ang hangin dito sa kwarto namin at hindi iyun galing sa yelong ginagawa nila tita tuwing umaga kasi madaling araw palang at hindi pa sya magpapayelo.

Naalala ko tuloy sila tita Rae. Sya ang nag-iisang babae sa grupo ng Phantom breeze. Madalas ko rin syang kakwentuhan at madalas din silang mag-ayaw ni tita Miles at tita Kelsey kasi sila lang magkakaidad.

Naglakad naman ako papunta sa aparador ko na may salamin at nananatiling nakakabit sa akin ang bracelet at anklet pero medyo magaan na sya sa pakiramdam. Pagtapat ko sa salamin ay napatakip na lang ako sa bibig ko dahil sa nakikita ko ngayon. Violet.

Violet na ang kanan kong mata at yung kaliwa naman ay malapit ng mag-green dahil yellow na sya. Pinilit kong wag gumawa ng ingay at agad na ibinalik sa dati ang kulay ng mga mata ko.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig pero ng makita ko ay hindi malamig.

Tinignan ko ang mga palad ko. "Magagawa ko rin kaya ang ginagawa ni tita Krystal?"- wika ko at tinapat ang palad ko sa pitsel na may lamang tubig at nagulat ako ng bigla itong nagyelo.

" Lumalakas na ang Huntres blood mo, Trinity!"- napatingin ako sa doorway ng kusina at nakita ko doon si tita Ashley na nakatayo.

"Tita! wag po kayong maingay baka po marinig kayo ni Kendra!"- wika ko at nginitian nya lang ako.

" Trinity! siguro oras na para gumawa ka ng paraan para sabihin sa mga kaibigan mo ang iyong tunay na pagkatao!"- wika ni tita at alam ko ang ibig nyang sabihin.

"pero paano? gusto ko mang sabihin pero natatakot ako na magalit sila sa akin na nagtago ako sa kanila ng sikreto!"- wika ko at sabay inom ng tubig.

" Kung talagang kaibigan ka nila ay magagawa ka nilang maintindihan!"- wika pa nya at napaisip ako sa sinabi nya.

Tama si tita, kung talagang tiwala sila sa akin at kaibigan ang turing nila sa akin ay magagawa nila akong maintindihan pero hindi ko hawak ang puso nila at isip nila para intindihin ako kaya hindi ko alam kung kaya ko na bang ipagtapat sa kanila ang lahat.

Matapos ang tatlong oras ay nagising na rin sila tita Krystal at ginising na nya sila Almira gamit ang kanyang kakayahan. Matapos ang isang minuto ay nagbabaan na yung mga girls hanbang yakap-yakap ang sarili at kaya narin nilang buhatin ng normal yung mga bracelet.

Nagluto na si tita Kelsey at agad din kaming nagsikain. Matapos kumain ay nagpahinga lang saglit at agad kaming pinababa sa basement.

"Ngayon na ang oras para tanggalin ang mga bracelet at anklet sa inyong mga braso at binti!"- wika ni tita Kryatal at tinangal na nga ni tita Gemma at tita Ashley ang mga bracelet and anklet sa braso at binti namin.

" At ngayon din ang oras para sanayin namin ang inyong fighting skill!"- wika ni tita Miles na nagpapintig ng tenga ko.

"Si Kendra at Michi na ang sa akin tapos si Sakura na ang sa iyo Miles!"- wika ni tita Kelsey at tumango lang si tita Miles.

" Okey! si Miyaka na lang ang akin!"- wika ni tita Ashley.

"So, yung apo ng pinuno ng mga Senshins ang akin!"- wika ni tita Gemma at ang tinutukoy nya ay si Almira and it means, ako ay kay tita Krystal.

TANTEI HIGH  (War of Erityians)  FanFictionWhere stories live. Discover now