Chapter 6 P.E.

814 13 0
                                    


ERZA'S POV...

'Almira! san kayo pupunta? hintayin nyo ko!

Bakit di nila ako pinapansin? may nagawa ba akong kasalanan?

Sandali! may paparating!

Hinarang ako ng mga naka-itim na lalaki at may hawak silang iba't ibang weapons. Kinapa ko sa likod ko ang pamaypay ko at wala ito.

sasaksakin ako ng isa sa kanila kaya wala na akong nagawa kundi ang tumakbo pero kahit anong bilis ko ay alam kong nahahabol parin nila ako.

Napahinto ako ng maramdaman kong movements sa bandang gilid ko pero wala akong makitang tao. Nagkakaproblema na ba yung Sixth Sense? bakit may nararamdaman ako pero wala naman?

Magpapatuloy na sana ako ng pagtakbo dahil lumalapit na yung mga humahabol sa akin nang biglang may lumitaw sa gilid ko at nadaganan nya ako.

Nakasuot sya ng black cloak at may hawak syang patalim at isasaksak nya sa akin yun kaya wala na akong nagawa kundi...

"Haaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!"

"Erza! gising! Erza!"- iminulat ko ang aking mata na hinihingal at hulas na hulas." Ayos ka lang ba?"- pag-aalalang tanong ni Almira.

"Eto tubig oh!"- abot sa akin ni Kendra ng isang basong tubig at agad ko iyong ininum. " Kanina ka pa namin ginigising dahil umu-ungol ka!"- wika pa nito.

"Ano ba kasing napaniginipan mo?"- tanong ni Almira na halata ang pag-aalala sa boses nya.

" Isang masamang panaginip na ayaw ko nang maalala kaya pwede bang wag nyo nang itanong sa akin!"- wika ko na nasa boses ang pakikiusap.

"Ok! fine!"- wika ni Almira. Simula nun ay hindi na nila ako kinulit pa. Kumain kami ng sabay sabay but this time ay nanditi na si Miyaka at Sakura.

Pagkatapos kumain ay agad kaming nagsipag-ayos para pumasok at sabi ni Kendra ay yung PE uniform daw ang suotin ko dahil PE namin ngayon at iyon lang daw ang subject namin ngayon.

Naglalakad kami ngayon at hindi parin maalis sa isip ko yung napanaginipan ko.

Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na iyon?

Sana naman walang mangyaring masama!

Biglang lumapit sa akin si Almira habang tinatahak namin ang building sa tapat ng Midori.

TANTEI HIGH  (War of Erityians)  FanFictionWhere stories live. Discover now