Erza's Pov...
Pauwi na kami ngayon sa Tantei high at ganon parin ang pwesto namin sa sasakyan. Malayo pa kasi ang lalakbayin namin para makarating sa Tantei high kaya natulog muna ang iba.
Masakit sa damdamin na FAILED ang resulta ng aming first mission at nagkataon pa na kasama ako. Anong klase akong itinakda kung hindi ko magagawang pigilan ang pag-usbong ng panibagong digmaan.
Siguro nga hanggang dito labg kaya ko na hindi ako karapatdapat na maging itinakda dahil wala akong magawa, wala akong maisip gawin para tugunan ang aking layunin na iniatang sa akin ng mga First leaders of Erityians.
Bakit po ba kasi sa dami-dami ng Erityians ay ako pa ang binigyan nyo ng ganitong tungkulin na hindi ko naman magawang gampanan.
"Umiiyak ka ba!?"- tanong sa akin ni Daiki. Hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako kaya agad ko itong pinunasan." Kung iniisip mo yung nangyari kanina eh wala namang may gusto nun!"- wika pa ulit nya.
"Mali ka!"- sabi ko.
" Huh!"- taka nyang sabi.
"Kasalanan ko ang lahat kasi kung nagampanan ko lang ang tungkulin ko bilang isang itinakda ay hindi sana mangyayari ito!"- wika ko." This stupid mistakes is probably cause of Erityian war between good ang bad!"- hindi ko na napigilang umiyak pero hindi ko nilalakasan dahil baka marinig ng mga kasama namin eh mag-alala pa sila sa akin.
Makalipas ang kalahating oras ay narating na namin ang Tantei Agency na daan patungong tantei high. Bumaba na kami ng sasakyan at agad na tinungo ang hallway.
Sinalubong kami ni ma'am Kiera at ng isang babae naka-pusod at nasa ka-idad sya ni ma'am Akane.
"Mama!"- wika ni Akiro at Almira sabay yakap sa babaeng kasama ni ma'am Kiera.
" Alam na namin ang lahat ng nangyari kaya wag na kayong matakot o mahiya dahil hindi nyo naman kasalanan yung nangyari at walang may gusto ng nangyari!"- wika nung mama ni Almira at Akiro.
Napayuko na lang ako sa sinabi nung mama ni Almira at Akiro. Agad din kaming umalis at dumeretso sa dorm. Bumagsak ang katawan ko dahil sa pagod at pagkalumo dahil sa nangyari.
Hindi namin nagawa ng maayos ang mission namin at binigo namin ang Presidente ng aming lahi. Inaasahan ng lahat na magagawa namin pero magkamali sila ng pinagkatiwalaan sa missiong ito. Dapat talaga ay mga guro na lang ang binigyan ng ganitong mission.
Itutulog ko na lang ang lahat ng ito at baka sakaling makalimutan ko ang mga nangyari ngayong araw.
***
Balang araw, magkikita tayong muli pero hindi pa ngayon.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip kong iyun. Bakit nagpakita si mama sa akin sa anaginip ko? bakit nya sinasabing magkikita kaming muli?
Bumangon na ako sa higaan at tinungo ang cr para maghilamos at magmumog pati na rin ang mag-toothbrush. Paglabas ko ng banyo ay tulog pa rin yung dalawa kaya naisipan ko na magluto na lang ng Almusal.
May nakita ako sa refrigerator na isang tray ng itlog tapos dalawang lata ng Argentine meat loaf. Hiniwa-hiwa ko yung meat loaf tsaka ito pinirito tapos yung itlog naman ay sunny-side-up na lang ang gagawin ko para hindi na ako mag scramble. Masakit kasi sa braso kapag binibait ko sya.
Pagkatapos kong maligo ay agad kong ginising yung dalawa pati yung tatlo doon sa kabilang kwarto. Sabay-sabay kaming kumain at ang saya-saya parin namin sa kabila ng mga nangyari kahapon.
YOU ARE READING
TANTEI HIGH (War of Erityians) FanFiction
FanfictionThis is like a tantei high of Purpley Han or easy to say, my own continuation.