Chapter 15 Michi

617 9 0
                                    

Erza's  Pov...

Dalawang taon na ang nakakalipas mula ng makapag-usap kami ni Mr. President. Hindi ko inaasahan na magkikita at magkaka-usap kami.

"Nag-usap kayo ni lolo?"- tanong ni Almira pero sinong lolo nya?"Si President Hideo?"- nabasa nya na naman yung iniisip ko.

"Oo! pero paano mo sya naging lolo?"- Ako.

" Naalala mo ba si Rainie?"- tanong nya.

"Yah! siya yung ikinuwento ni Ms. Kiera na anak ni Hideo at Akemi!"- i said." Bakit mo naitanong?"- tanong ko.

"Because she is my mother and Nathat the son of Naomi is my father!"- she said.

" Wait! you mean, si sir Hiro ay si Nathan at yung lola mo na sinasabi mong may hawig sa Sixth Sense mo ay si Nathalie o Naomi!?"- sa haba ng sinabi ko, ang tanging sagot nya ay tango.

"Pero bakit ka kinausap ni sir Hideo samantalang, madalang syang magpakita?"- wika ni Kendra pagkalabas ng banyo.

" Kahit ako hindi ko alam pero tingin meron syang alam tungkol sa akin na kahit ako na sarili ay walang alam!"- wika ko.

"Bakit? ano bang meron sayo?"- tanong ni Kendra.

" Gusto ko mang sabihin pero pinagbabawalan nila ako na sabihin sa inyo dahil ayoko na may itinatago ako sa inyo!"- wika ko.

"Sinong nila?"- this time si Almira naman ang nagtanong.

" Si ms. Riye,ms. Yuuki, sir Hayate, at sir Hideo!"- pagkasabi ko nun agad nila akong niyakap ng makita nila na umiiyak na ako.

Ang sakit...sakit sa pakiramdam na hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang tungkol sa pagkatao ko. Hindi ko kayang maglihim pero ito ang nararapat, ito ang mas nakakabuti sa lahat ng mga nagmamalasakit sa akin na itago ang tunay kong pagkatao.

Matapos ang dramang iyon ay pumunta na kami sa PE subject namin at pagkakataong ito ay magkakasama na kami pero hindi parin umaalis sa isip ko ang mga thoughts na matagal nang nananahan sa isip ko.

Una,yung mga panaginip ko na hindi maganda at parang totoo.Pangalawa, si Kiya ba talaga yung laging nakikipag-usap sa akin sa isip ko.Pangatlo, yung Prophecy na sinasabi ni mr. President kagabi. Ang sakit sa ulo kung iisipin mo ng sabay sabay kaya tinggal ko muna sila sa isip ko para makapagsanay ako ng maayos.

Pagdating namin sa PE ay agad kaming nagpartner partner at ang partner ko ay si Almira tapos si Sakura at Miyaka, Ranjickou at Akiro, Shinichi at Zendo, Naraku at Renji tapos si Kendra at si ms. Akane.

May hawak si ms. Akane na isang fishbowl na kung saan nakalagay ang mga pangalan namin at sa oras daw na tawagin nya ang pangalan namin ay hudyat na kakalabanin nila ang isa't isa at ang purpose daw ng partnership namin ay magsasanay muna kami bago nya gawin ang sinasabi nyang Activity.

Naglalaban si Ranjickou at Akiro pero nakakamangha pa ay nagagawang salagin ni Akiro gamit ang bow nya yung Double sided axe ni Ranjickou. Napatingin naman ako kila Renji at Naraku na nagsasanay gamit ang Double metal Arnis ni Naraku at Double Sword ni Renji. Nakatakip ng tenga si ms. Akane at Kendra dahil sa tunog na nagagawa ng sandata nilang dalawa.

Napatingin naman ako sa kabila at nakita ko si Shinichi at Zendo na nagsasanay at napanganga ako sa ginagawa nila. Sinasalag ni Zendo gamit ang Double mini Sword nya ang mga bala ng twin guns ni Shinichi. Hindi nakakaligtas lahat ng bala ni Shinichi dahil lahat iyun ay sinasalag lang ni Zendo.

Si Miyaka at Sakura naman ay nagsasanay gamit ang Kunai at Needle nila.Si ms. Akane naman at si Kendra ay lumayo at nagsanay gamit ang chako ni Kendra ay sinasalag nya yung mga blows ni ms. Akane. Nagulat ako ng muli nyang sinugatan yung daliri nya at nawala yung Chako nya at naging tali. Agad nyang pinulupot sa braso ni ms. Akane yung tali at inihagis nya si ms. Akane pero nakatayo parin si ms. Akane.

TANTEI HIGH  (War of Erityians)  FanFictionWhere stories live. Discover now