Erza's Pov...Lalong naging kumplikado ang lahat nang malaman namin ang kanilang mga testamento. Wala daw sa bahay na ito si ms. Clarise nung mga panohong ginagawa ang krimen dahil kasalukuyan syang nasa Hospital para magbantay sa kanyang ina na may sakit ng lung cancer.
Si ms. Alice naman daw ay kasalukuyang natutulog noon sa kwarto nila ni mr. Cedrick habang si mr. Nelson naman daw ay nagsasarado sa Oras na 11 o'clock tapos ay Agad din stang natutulog.
Hindi ko na tuloy alam kung sino ang totoong killer dahil sa mga iyon tapos sumisingit pa sa utak ko si Rainu at yung mga kasama nya. Hindi ko alam pero hindi ko magawang magalit sa kanila. Parang magkadugtong ang puso ko sa lahat ng mga nilalang. Humdrums man o Erityians ay nararamdaman ko yung puso nila.
Ano ba talaga ako? bakit ganito yung nararamdaman ko? bakit wala akong alam tungkol sa pagkatao ko? ilan lang yan sa mga katanungan ng puso ko.
Sana pagdating ng panahon ay masagot lahat ng tanong na iyon para hindi na sumakit pa yung ulo ko.
"Erza! may naisip ka na ba!"- wika ni Akiro na nagpabalik sa akin sa realidad. Tinignan ko lang sya tsaka umiling bilang tugon. Lumakad ako papunta sa crime scene at agad kong nakita ang isang bagay na nagpakita sa akin na kaliwanagan. Nakita ko ang nakasabit sa gilid ng Aparador, isang yellow checard apron na ginagamit nila sa paggawa ng mga pot.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at nagbabakasakali na makakuha ako ng iba pang clue sa crime pero bigo ako. Masyadong matalino ang killer dahil ang hirap hulaan ng method na ginamit nya para patayin ang biktima but i'm sure meron syang naiwang bakas sa ginawa nya.
Lumapit ako sa Aparador at binuksan iyon. Ang tanging nakikita ko dito ay isang First Aid kit, Isang uri ng buhangin na ginagamit siguro nila sa paggawa ng pot at isang walis na may tangkay. Napatingin ako sa ibaba ng Aparador at nakita ko ang isang bakas... bakas ng isang madikit na bagay sa ibaba ng pinto kung saan ko nakita yung apron.
Sandali! hindi kaya tama yung naiisip ko pero wala pa akong sapat na ebidensya para dyan kaya kailangan ko pa ng ibang clues para mapagtibay ang lahat ng ito. Isinara ko na yung Aparador at muling inilibot ang pamingin sa buong kwarto at ng mapadako ang tingin ko sa isang sulok ay napalaki yung mata ko. Ngayon, sigurado na ako sa method na ginamit ng killer para patayin ang biktima pero hindi ko parin alam kung sino ang killer. May nara.daman akong pumaskk sa pinto at nakita ko sya na nakatayo sa harapan ko.
" Meron pang ibang sinabi ang mga suspects!"- wika nya.
"Ano?"- wika ko.
" Nang makita daw nila si mr. Cedrick ay agad na tumawag ng police si mr. Nelson tapos si ms. Alice naman daw,ay nanatili sa loob ng crime scene habang si ms. Clarise ay kumuha ng tubig sa kitchen para kay ms. Alice!"- wika nya.
"Kung ganon maaaring iyun ang ginamit nilang pagkakataon para itago ang ebidensya!"- wika ko at tumango lang sya.
" Erza! mag-iingat ka sa lahat ng gagawin mo dahil sa kras na may mangyaring masama sa iyo...!"- putol nyang sabi bago tumalikod."Ako ang mananagot sa papa mo! inutusan nya ako na prktectahan ka, sinabi ko ito kay Akiro para tulungan nya ako at tama ako dahil handa syang prltectahan ka pero hindi ko magawang protectahan ang mahal ko!"- umiiyak nya sabi."Hindi ko magawang protektahan si Miyaka!"
"Ranjickou!"- banggit ko ng pangalan nya bago sya yakapin. Ramdam ko ang nasa pusk nya, nassaktan sya kasi nagagawa nyang protektahan ang iba pero hindi nya maprotectahan ang mahal nya. " I apreciate that you'll protect me even you didn't protect your love ones but Ranjickou, i don't need protection of nobody else because i can protect my self. I'm trained to protect my self not to hide at the back of someone and tell this to my father!"- i said. Humiwalay ako sa pagkakayakap nya at tinignan ko sya sa mata. "Ranjickou, always remember this qoutes for your motivation to fight 'Wife your tears and stand up like a warrior'!"- wika ko at tumango lang sya.
YOU ARE READING
TANTEI HIGH (War of Erityians) FanFiction
FanfictionThis is like a tantei high of Purpley Han or easy to say, my own continuation.