Chapter 8 First case 2

597 11 1
                                    


ERZA'S POV...

Palaisipan parin sa amin ang nakasulat o yung dying message ni ms. Cath. Inakala nya na patay na si ms. Cath kaya iniwan nya na ito. Hindi nya sinigurado na humihinga pa ba yung biktima dahil hindi nya ito gustong patayin pero dahil nakita sya ng biktima, minabuti nyang patayin na rin ito dahil nakita ni Akiro ang isa pang saksak sa likod. It means na dalawang beses sya sinaksak.

Sa sobrang dami ng tao kanina, hindi ko na naramdaman yung motions nila sa loob tsaka medyo malayo din ang location ng dressing room sa dinning room ng bahay na ito.

Sinusuri namin ngayon ang mga pictures na nakuhanan namin kanina.

"Tingin ko si Ardelle talaga ang pumatay kasi maaaring ingit ang naging motibo sa pagpatay!"- wika ni Zendo.

" Sang-ayon ako kay Zendo!"- dugtong naman ni Sakura.

"Palagi ka namang sumasang-ayon kay Zendo!"- pang-aasar ni Naraku.

" Pwede ring hindi si Ardelle!"- wika ko.

"Paano mo naman nasabi na hindi si Ardelle ang gumawa eh! kitang kita na sa dying message na pangalan nya na hindi natuloy dahil hindi na kinaya ng biktima!"- wika ni Miyaka.

" Dahil pwedeng ang mismong ang killer ang nagsulat nun gamit ang daliri ng biktima!"- wika ko.

"May punto si Erza, pwedeng isinulat yun ng totoong killer para hindi sya paghinalaan!"- dugtong naman ni Ranjickou sa sinabi ko.

" Pero kanina, pinagmasdan ko ang make-up artist ng biktima na si Rich at parang balisa sya bago mangyari ang krimen!"- wika naman ni Akiro.

"Narinig ko kanina na nag-aaway si ate Cath tsaka yung maneger nyang si ms. Marjorie. Marahil iyon ang dahilan ng pagpatay!"- wika naman ni Kendra.

" Pero mas may oras para patayin ni Ariella ang biktima dahil malapit sya dito!"- wika naman ni Almira.

"Tama si Almira, Ginamit nya ang pagkakataon na mabait sa kanya si ms. Cath!"- pagsang-ayon naman ni Renji sa sinabi ni Almira.

" Pero ano naman ang motibo nya para patayin nya si ms. Cath!?"- wika ni Shinichi. Tama sya, ano naman ang dahilan para patayin nya ang taong nagmamalasakit sa kanya?

Pero nakakamangha ang mga ito sa pag-iisip kong sino ang killer. Biglang tumunog ang cellphone ni Miyaka.

"Itinext sa akin ni sir Hayate ang iba pang informasyon na nakuha nila!"- wika nya at isinulat nya ang itinext sa kanya.

Victim: Catherine B. Alejandro, 25 y/o,

Time of Death: 9:17 am

SUSPECTS:

Marjorie A. Conception

Maneger of Victim

Alliby: 9:00- Nasa likod ng camera man kausap yung may ari ng bahay hanggang 9:23.

Witness: May-ari ng bahay.

Richard M. Mercedes

Make-up artist of Victim

Alliby: 9:00-9:23, nasa make-up section kausap yung isa pang make-up artist at si ms. Ardelle De leon.

Witness: Ms. Ardelle De leon.

Ardelle A. De leon

Co-model of Victim

Alliby: 9:00-9:23, Kausap si Richard at yung make-up artist nya sa make-up section.

Witness: Make-up artist and Richard Mercedes.

Ariella R. Devera

Personal Assistant of Victim

Alliby: 9:00- pinatawag sa kanya sila Almira at Erza ng biktima at 9:17- nasa bakery bumili ng tinapay para sa mga bata.

Witness: Almira and Erza, Tindera ng bakery.

Maslalong naging complicated ang situation pero sigurado ako na may makukuha akong clues sa pagpatay sa crime scene kaya tumayo na ako.

" Saan ka pupunta?"- tanong ni Akiro.

"Maghahanap lang ako ng clues sa crime scene"- sagot ko.

" Sasama ako"- akma na syang tatayo pero pinigilan ko na sya.

"Hindi na, mas magandang dito muna kayo para mag-usap tungkol dito!"- wika ko at tumango na lang sya.

Lumabas na ako ng room at tinungo ang dressing room. Pagdating ko doon, wala na yung bangkay pero bakas parin ang mga dugo pati narin ang dying message na iniwan ng biktima pero sya nga ba talaga ang nagsulat nyan?

Iniscan ko ang paligid ng dressing room. Naalala ko ang huli naming pag-uusap kanina. Hindi ko alam na iyon na pala ang huling pag-uusap namin, iyun na pala ang huling beses na makikita ko syang humihinga. Naaalala ko sa kanya si tita Ashley at ang iba pa.

Sana magkita kaming muli. Nakapa ko sa bulsa ng jacket ko yung bracelet na pinabibigay ni Ate Cath kay Ariella. Lalabas na sana ako ng mabunggo ako sa kurtina at para tumama ako sa matigas na bagay na naka-usli.

Hinawi ko ang kurtina at nakita ko ang isang doorknob kung saan ako tumama. Sinamaan ako agad ng kutob sa nakita ko. Pinihit ko yung doorknob at tumambad sa akin ang isang hallway, nilakad ko ito at laking gulat ko na ang labas ng hallway ay ang labas ng bahay at sa gilid ay isang bakery.

Hindi kaya tama ang iniisip ko pero bakit sya pa? bakit sa dami dami ng tao? bakit sya pa?

Tinakbo ko ang hallway pabalik at siguro pinagawa ito para kung sakaling may mangyaring trahedya ay ito ang lalabasan nila. Lalo na pag sunog dahil yung bato na ginamit dito ay hindi basta basta nasusunog.

Paglabas ko sa dressing room ay agad akong nagtungo sa kinaroroonan nila sir Hayate at kausap nya si sir Ichiro.

"Sir! tawagin nyo na po ang iba, alam ko na kung sina ang killer!"- wika ko ng nakangisi at agad na umakyat yung isa sa mga tantei police para tawagin sila Almira at ang iba pa.

Maya-maya pa ay bumaba na sila at nangunguna yung apat na babae.

" Na-solve mo na, Erza?"- bungad na tanong ni Kendra at tumango na lang ako.

"Mas maganda kung doon tayo sa crime scene!"- wika ko at nagpunta na kami sa crime scene. Ramdam ko ang kaba sa kanyang dibdib. Bakit mo ito nagawa?

Nakatayo ako ngayon sa harap nilang lahat na naghihimtay sila sa mga sasabihin ko. Sigurado akong magugulat sila sa isasambulat ko.

$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$############################¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢¢&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&££££££££££££££££££££££££££££

May pagmamahal na ipinapakita ang tunay na kahulugan at meron din naman na hindi nakikita pero nararamdaman

Nabitin ba kayo? sorry hah! pero don't worry dahil malalaman nyo na sa susunod na kabanata ang paraan ng pagpatay at kung sino ang pumatay.

~Kash-mirLoveIchiro

TANTEI HIGH  (War of Erityians)  FanFictionWhere stories live. Discover now