Chapter 26 The Bracelet and Anklet

534 11 0
                                    

Erza's  Pov...

Matapos ang mahabang lakaran ay narating narin namin ang campo ng Ice Goddess. Agad nila kaming pina-upo sa couch dahil alam daw nilang pagod kami. Buti naman at alam nila.

"Ganito pala ang campo ng isang Gang?"- wika ni Kendra habang inililibot ang mata nya sa paligid ng bahay.

" Hinde! ayaw lang kasi namin ng masyadong magarang campo, ang gusto namin ay yung parang ordinaryong bahay lang!"- wika naman nung babaeng may hawak na dalawang baril.

"Tita miles, nasaan si tita Kelsey?"- tanong ko.

" Nasa kusina, nagluluto ng makakain natin!"- sagot naman nya.

"Eh sila tita Gemma?"

"Nasa taas, nag-aayos ng tutulugan nyo!"

"Pwede po ba naming tignan yung taas?"- tanong ni Miyaka.

" Gusto ko man kayong paakyatin kaso baka hindi nyo kayanin!"- wika ni tita Miles na ikinataas ng kilay nila.

"Bakit po?"- taka nilang tanong.

" Maninigas kayo sa sobrang lamig sa taas!"- wika ko at napatingin naman sila sa akin.

"Paano mo nalaman?"- wika ni Kendra.

" Nakalimutan nyo na bang dito ako nakatira dati!"- wika ko at nagkamutan sila ng batok at sabay-sabay pa.

Maya-maya pa ay bumaba na sila tita Gemma kasama si Tita Ashley at Tita Krystal. Ang Ice Goddess, sila ang nag-iisang gang na puro babae ang myembro. Sila rin yung tipo ng Gang na hindi nag-iiwanan sa laban, team work ang lagi nilang pinapairal sa bawat laban nila.

"Hindi muna namin kayo pahihirapan ngayong araw dahil gabi na pero bukas na magsisimula ang training nyo! ngayon, pahinga muna ang gagawin nyo!"- wika ni tita Gemma.

" Pero kain muna kayo bago kayo matulog!"- wika ni tita Kelsey na nakasilip pa sa pinto ng kusina.

Inaya naman kami ni tita Miles sa kusina para kumain. Si tita Kelsey lang ang marunong magluto sa kanilang lima.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit tsaka natulog. Have a good dreams for me.

*****

Nagising ng maramdaman ko ang lakas ng aircon kaya agad akong bumangon para hinaan kaso bigla kong naalala na hindi pala iyun aircon. Agad ko silang ginising at nagulat silang lahat ng halos magyelo na ang buong kwarto.

Inaasahan ko na ang ganitong pagkakataon sa lugar na ito dahil iyun ang alarm clock ko dati. Bumaba kami ng kwarto at nakita ko sila tita Krystal at ms. Reina na nagtatawanan.

"Kamusta naman ang tulog nyo?"- naka-ngiting tanong ni tita Gemma na kakalabas lang sa kusina.

" Okey na sana kaso ang agang mang gising ng alarm clock eh!"- wika ni Miyaka at nagtawanan kami. Bigla namang lumabas sa kusina si tita Ashley.

"Breakfast is ready!"- wika ni tita Ashley at agad ding bumalik sa loob ng kusina.

Sabay-sabay naman kaming pumasok sa kusina at nakita ko na napakadami ng nakahain sa lamesa na akala mong ibibitay ang kakain.

" Wag mong papakin, Miles!"- wika ni tita Kelsey kay tita Miles ng makita nya na pinapapak nito yung fried chicken.

"Ang sungit mo naman, Dumbsey!"- wika ni tita Miles na ikinatawa nila Miyaka at Kendra ganon din si Michi.

" Tignan mo tuloy! tinawanan tuloy ako nung mga bata!"- wika ni tita Kelsey.

"Hindi na ako bata!"- wika ni Kendra na ikinalaki ng mata ni tita Kelsey at tita Miles.

TANTEI HIGH  (War of Erityians)  FanFictionWhere stories live. Discover now