Erza's Pov...
Kring!!!
Kring!!!
Kring!!!Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock sa tabi ng bed ko. Hindi ako agad makabangon dahil inaantok pa ako. Gustuhin ko mang wag bumangon pero kailangan kasi may pasok pa kami.
Bumangon ako at doon ko lang napansin na ako na lang pala ang nakahiga dito. Hindi naman sila masyadong Excited!
Bumaba na ako at naabutan ko silang nagkakatuwaan sa baba. Hindi ko sila pinansin at dumertso na lang ako sa banyo. Naghilamos ako at nagtoothbrush gamit yung toothbrush na dala ko kahapon.
Lumabas na ako ng banyo at dumeretso sa kinaroroonan nila Miyaka. Naupo ako sa tabi ni Almira pero hindi parin nila ako pinansin.
"Ok! kain na tayo!"- sigaw ni tita Misaki. Tinungo na namin ang Dinning room at naupo. Ganon parin naman ang pwesto namin tulad ng dati pero bakit parang hindi nila ako nakikita o talagang pinagplanuhan nila na wag akong pansinin.
Ok! kung iyan ang gusto nila, edi! go! Akala siguro nila ay maloloko nila ako sa paganyan-ganyan nila.hinde no!
Kumain na kami ng tinolang manok na niluto ni Tita Misaki. Pagkatapls naming kumain ay dumeretso na ako sa banyo para maligo. Ano kayang binabalak ng mga ito at pinaglololoko pa nila ako.
Matapos kong maligo nagbihis na ako ng bagong uniform. Pero nasaan na kaya sila Miyaka at hanggang ngayon ay wala pa sila. Hindi ba sila papasok ngayon.
Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba ng kwarto pero nagulat ako sa nadatnan ko.
Unti-unting naglalaho na parang hangin yung katawan nilang lahat. Nakita ko na nakatingin silang lahat sa akin habang umiiyak.
" Almira! Miyaka! Kendra! Sakura! Michi! Ate Hilari! Tita Misaki! anong nangyayari? bakit po kayo nawawala?"- nagpalanic kong sabi. Napalingon naman ako sa bandang pinto at nakita ko na ganon din ang nangyayari sa kanila."Akiro! Ranjickou! Daiki! anong nangyayari? Naraku! Zendo! Shinichi! tito Takeshi! ano po ba kasing nangyayari at nagkakaganyan po kayo?"- lalong akong humagugol ng tuluyan na silang nawala. Ano po ba ang nagawa ko kasalanan? bakit nyo po ako pinaparusahan ng ganito?
Mas lalong lumakas ng hagulgol ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hindi ko rin magawa yung palaging sinasabi ni mama. Hanggang kailan ako magpapakatapang! hanggang kailan ako iiyak! wala na ang mga taong pinangangalagaan ko! wala na yung mga taong nagbibigay ng lakas ng loob sa akin.
"They realy gone if you not make an action to prevent a war because the war is comming soon!"- wika ng boses ng babae sa likod ko kaya nilingon ko yun at nagulat ako sa nakita ko. Anim na tao ang nakatayo ngayon sa likod ko. Pero bakit parang pamilyar yung mukha nila? wait! sila yung nasa projection ni ms. Kiera nung naglelesson sya about History of Erityians.
" Ikaw ang itinakda na tatapos sa alitan sa pagitan ng apat na tribes!"- wika nung isang lalaki na,sa pagkakaalala ko ay sya si Ryu.
"If you want to know more about this, read the Prophecy of eye at the library of Tantei High!"- wika pa nung isang lalaki na sa pagkakaalam ko ay sya si Shinji.
" I hope you do well your mission!"- wika ni Yllka. Naglaho na silang anim at bigla na lang may sumabog na naging dahilan ng pagtalsik ko.
***
"Erza! Erza! gising!"- napabalikwas ako ng bangon at hingal na hingal." Ayos ka lang ba?"- nag-aalalang tanong ni Almira. Hindi ko sya sinagot bagkus ay niyakap ko sya ng mahigpit.
"Bakit, Erza? may problema ba?"- wika naman ni Miyaka. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Almira.
" Nanaginip ako ng masama! lahat kayo ay mawawala!"- wika ko.
YOU ARE READING
TANTEI HIGH (War of Erityians) FanFiction
FanfictionThis is like a tantei high of Purpley Han or easy to say, my own continuation.