"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi mahal kita"-Drew
Sa loob ng tatlong buwan gustong maging masaya ni Jane. Kaya gumawa sya ng tatlong wish...
Labag man sa loob ang pagsunod sa babae ay sinundan pa rin ito ni Drew. Kung ganito katigas ang ulo ng babae, wala syang magagawa kundi sundin ito. May isang salita sya at marunong tumupad sa usapan. Pero ang magiging slave nito? No way! That's unfair. Pero gagawa sya ng paraan para makatakas dito. Pero bakit sa tuwing titingnan ko sya, ang maladyosang mukha nito feeling nya tumitigil ang mundo nya. Nawawala ang inis na nararamdan para dito. Lalo ngayon nakangiting hinihintay sya nito. Shit! Ang ganda nya talaga. Lalo na kapag nakangiti sya. Her smile was so sexy. Nakakaaliw titigan ang magandang mukha nito. Sino ka ba talaga? Bakit mo ginagawa sa kin to? Nakakaakit ang mga ngiti nya. Shit! No Drew, hindi mo dapat maramdaman yan! May Roxanne kana. Dapat magalit ka sa kanya dahil sa ginagawa nya sayo. Huminto sya saglit para tingnan ang kanyang cell phone. Shit! Lowbat. Pano nya makocontact si Grace?
"Oh ano? Bilisan mo namang maglakad. Nandito na tayo sa bahay ko. "Untag nito sa kanya. Tumingin sya sa sinasabi nitong bahay.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wow... Lihim syang namangha sa desinyo ng bahay ang ganda. Lalo na ng pagpasok nila. As in wow... Napakaaliwalas sa loob. Nakita nya itong umupo sa sofa. Tila pagod na pagod ito. Napabuga sya sa hangin. Wala syang magagawa kundi sumunod dito. Habang hindi pa sila maayos na nag uusap. Mahirap na baka siraan pa sya nito. Madali lang nito magawa yon sa pamamagitan ng social media. Napabuntong hininga na lamang sya.
"Uy ikaw! "Tawag nito sa kanya.
"Ako? "Turo nya sa sarili.
"Hindi ah. Yong piano sa likod mo ang tinatawag ko. "Sarkastikong saad nito. "Syempre ikaw, tayong dalawa lang naman ang nandito. "Dagdag pa nito.
Naikuyom nya ang kamao nya. Inuobus talaga nito ang pasinsya nya. Kung hindi lang ito babae. Naku... Baka kung ano na ang nagawa nya dito. Buti nalang maganda ito.
"Ipagtimpla mo nga ako ng gatas. Para makatulog ako ng maayos. "Utos nito sa kanya.
Nagpantig ang tenga nya sa narinig. "What? Inuutusan mo ba ako? "Mariin na tanong nya dito.
"Yes! You are my slave right? So do what i say. "Nakataas ang isang kilay na saad nito. "Anyway wag masyadong matamis. "Pahabol na saad nito.
"You are impossible! "Aniya na pigil na pigil ang sarili na sigawan ito.
"Paano kung ayaw kung sundin ang iniutos mo. "Aniya na nakipagsukatan dito ng tingin. Tumayo ito at naglakad palapit sa kanya. Marahan naman syang napaatras. Damn! Anong balak nyang gawin. Titig na titig ito sa kanya na para bang aliw na aliw. Napatitig sya sa mukha nito. Ang ganda nya talaga. Maliit lamang ang ilong nito na may maliit na nunal. Bumaba ang tingin nya sa mapupulang labi nito. No man can resist to kiss those red lips. Kinalma nya ang sarili. At sa kakaatras nya napasandal sya sa piano na nasa likod nya kanina.
"Wait, dont! I mean okay na suko na ako. Asan yong kusina."Aniya para makaiwas dito. Baka hindi nya mapigilan ang sarili.
"Hanapin mo. "Maikli na sagot nito na bumalik sa sofang kinauupuan nito kanina.