Chapter 17(confused)

2K 69 0
                                        

----A/N:sorry for the late update. Busy lang po sa work.

Shaira Jane's POV

Naalimpungatan sya dahil sa tunog ng cellphone nya. Tinatamad na kinuha nya ang iyon. Alarm lang pala. Oras na pala ng pag inom nya ng gamot nya.

Natigilan sya ng biglang tomunog ang tyan nya. Gutom na sya. Tumayo sya at inayos ang sarili bago tumungo ng dining area. May naamoy syang mabango at masarap na pagkain.

Pagpasok nua ng dining are nadatnan nyang nagsasaing si Drew.

"Mabuti naman at nagising kana. Halika na maupo kana dyan. Para makakain na tayo. "Nakangiting saad nito.

Napansin agad nito ang presinsya nya.

"Ano bang niluluto mo? Bakit ang bango? "Tanong nya dito ng makaupo.

"Guess what? "Saad nitong naghain na ng mabangong niluluto nito.

Inilapag na nito ang inihaun na sinigang na bangus pala. Kaya pala medyp maasim asim yong naamoy nya.

Mukhang ang sarap. Kahanga hanga talaga si Drew. Gwapo, mabait kahit medyo masungit minsan. Masarap magluto. At sya? Masarap din. Ano daw? Ipinilig na lamang nya ang ulo sa naisip.

God! Ano ba ang iniisip ko.

Tumigil ka nga Jane! Saway nya sa sarili.

"Hey! Let's eat na. "Saad ni Drew na syang pumukaw sa kanya sa pag iisip.

" Sige. "Saad nyang tipid na ngumiti dito.

May girlfriend na kaya si Drew. Tumingin sya dito,napalunok pa sya ng mapagtantong nakatingin din pala ito sa kanya.

"May girlfriend kana? "Wala sa sariling naitanong nya.

Nakita nyang natigilan ito. Nasapo nya ang mga labi ng mapagtanto ang nasabi.
"Hehe. Wag mong pansinin ang sinabi ko. Kumain kanalang. "Nahihiya nyang saad.

Natawa ito. "Yeah! Let's just eat. "Saad nito.

Ayaw din marahil nitong pag usapan ang tungkol sa personal na buhay nito.

Pero curious talaga sya kung may girlfriend na ba talaga ito.

Panigurado namang mayron. Pero bakit sya nito hinalikan? Para saan naman yon?

Napabuntong hininga sya. At napansin yon ni Drew.

"Are you okay? "Tanong nito sa pagitan ng pag nguya.

Tumango sya. "Yeah. Sorry. "Aniyang tinuon ang pansin sa pagkain.

"You really wanted to know, if i have a girlfriend? "Tanong ulit nito.

Umiling sya. "No.. Hehe. Naisipan ko lang itanong kasi you know baka magselos yon pagnalaman nyang nandito ka."awkward na saad nya.

Tumawa ito ng pagak. "Hindi sya selosa. "Tipid na sagot nito saka sumubo.

So... Meron nga. May naramdaman syang kunting kirot sa puso nya. Hindi na sya nagtanong pa. Feeling nya kasi masasaktan lang sya.

After nilang kumain ay pumasok na sya ng kwarto nya. Sakto namang tunawag si Era ang kaibigan nya.

"Hello!"matamlay na sagot nya.

"Hi Shai! Kamusta kana? Nakainom kana ba ng gamot mo? "Bunhad agad na tanong nito.

Tsk.. Muntikan nya ng nakalimutan ang gamot nya.

Uminom muna sya bago ito sinagot.

"Yeah! Tapos na. "Saad nya sa malungkot na boses.

My Three Month's Slave(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon