Chapter 25(moments)

2.1K 66 1
                                        

Shaira Jane's POV

"Paano bayan Shai? I really need to go. Walang magbabantay ng company mo,so..kailangan ko na talagang bumalik."saad nitong tila nalulungkot.

Pilit syang ngumiti. Mamimiss nya ang kaibigan."Mamimiss kita Era. Ingat ka sa byahe."aniyang yinakap ito.

"Che! If I know,mas gugustohin mong wala ako dito para masulo mo si Drew mo."saad nitong kunway nagtatampo.

Natawa sya ng pagak."Baliw ka talaga."aniya ditong kinurot ito sa tagiliran.

Natawa na lamang ito."But bestfriend! I'm happy for you. Very much! Ngayon lang kitang nakitang ganyan kasaya. Ganyan ngumiti. Parang laging may spark sa mga mata mo."nakangiting saad nito. Ramdam na ramdam nya ang saya ng kaibigan nya para sa kanya.

Yinakap nya ito ulit."I'm very happy. Hindi ko nga maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko eh. Lalo na kung kasama ko si Drew. Feeling ko hindi na ako mamamatay."nakangiting saad nya.

"Baliw! Baka atakihin ka sa sobrang kilig ha. Dahan dahan lang. at kung gumawa kayo----"

"Era! Stop thinking nonsense!"putol nya sa iba pang sasabihin nito.

Buti nalang wala ngayon si Drew. nagpaalam itong may bibilhin lang kaya umalis saglit.

Napahalakhak ito."Why? wala naman akong sinasabi ah. Anyway,my dearest bestfriend. Ang wish ko lang ay ang happiness mo,nyo ni Drew. At sana din makahanap na si Doc ng donor mo. Promise pagbalik ko ng Manila. Yan agad ang aasikasohin ko."saad nito.

Nasa labas na sila ng bahay. Uuwi na kasi ito ng Manila.

"Salamat ha. Sana nga makahanap na kayo."aniya dito.

"May tanong ako Shai?"

"What is it?"tanong nya.

"Wala ka bang balak sabihin kay Drew ang tungkol sa kalagayan mo?"tanong nito.

Napabuntong hininga sya at umiling."Hindi muna. Natatakot akong isipin nabaka ginagawa nya lang ang lahat ng ito kasi naaawa lang sya sa akin. Saka na Era. Gusto ko munang sulitin ang mga araw na kasama ko sya. Gusto ko maging masaya kami pareho. Yong tipong walang iniisip na iba. Kami lang."aniya.

Natatakot syang malaman ni Drew ang tungkol sa kalagayan nya. Ayaw nyang mag alala ito.

"Ikaw ang bahala Shai. But if I were you ,sasabihin ko na sa kanya. halata namang inlove sayo ang isang yon. At isa pa,paniguradong hindi ka pababayaan ni Drew. Siguradong aalagaan ka nun."saad naman nito.

"Hindi ako sigurado Era. Nararamdaman ko namang mahal nya ako. Maalaga si Drew. pero ayuko munang sabihin sa kanya."siguradong saad nya.

"Ikaw ang bahala. So...I'll go ahead na. Mahabang byahe to."paalam nito.

Tumango sya dito."Sige na! mag iingat ka ha. Thank you sa pag alaga sa akin. At ikaw na ang bahala sa company."aniya dito.

"Don't mention it. Sige na.bye."saad nitong kumaway pa bago pinaandar ang sasakyan.

Pagkaalis nito ay pumasok na sya ng bahay. Doon nya nalang aantayin si Drew.

Two days na rin since naging sila ni Drew. Masaya itong kasama. Ang kulit pala nito, ang hilig nitong pisilin ang ilong nya. Naging hobby na nito iyon. Hobby din nitong titigan sya. Nakakaloka nga eh. Araw araw sya nitong pinapakilig. Kahit nandyan si Era. Ang sweet sweet nito. Walang oras na hindi sya nito pinapasaya. Minsan nga nasasabi ni Era na baka langgamin na kami sa sobrang sweet namin.

Pero napansin nyang mahilig pala ito sa fruits and vegetable. Sa chicken ayaw nito ng balat. Gusto marahil nitong ma maintain ang katawan nito. Yon din naman ang gusto nya. maganda kasi ang fruits and vegetable sa heart. Kunting kanin lang din kinakain nila pareho. Di nagtagal ay narinig na nya ang tunog ng sasakyan nya. si Drew na siguro yon. Wala itong sariling sasakyan kaya kotse nya ang gamit nito.

My Three Month's Slave(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon