Shaira Jane's POV
"Bakit ba ayaw mo pa akong patulogin eh inaantok na ako."reklamo nya sa kaibigan. Kanina nya pa kasing gustong matulog. Pero hindi sya nito pinapayagan.
"Ano kaba naman Shai. 6 p.m palang oh. At isa pa may pinadeliver ako. Sayang naman pag ako lang ang kumain. Ikaw din."saad nitong hindi sya tiningnan at sa t.v lamang nakatutok.
Padabog na tumabi sya dito. "Ano ba kasi yon? Diba kailangan kong magpahinga para bumalik ang dating sigla ko."aniya dito.
"Yong inorder ko pangpasigla mo yon. Hintayin mo nalang kasi. Wag mo akong estorbuhin. Manuod ka nalang para hindi ka mainip."sagot nitong hindi man lang sya tinapunan ng tingin.
Napabuntong hininga na lamang sya."Ano ba yang pinapanuod mo?"tanong nya dito na tumingin sa t.v.
Wait! Tama ba ang nakikita nya? si Drew ba yong nasa screen?"Si Drew ba yan?"tanong nya kay Era na tinuro ang tinutukoy nya.
"Oo kaya,pwede ba tumahimik kana dyan. Ito yong last na movie nya bago sya nagbakasyon. Grabe ang gwapo nya talaga. Napakaswabe makipaglaban."sagot sa kanya ni Era.
Hindi na sya sumagot pa. Nakinuod nadin nya. isang pulis ang gingampanan ni Drew. Ang galing nya, napakahusay nitong makipaglaban. Ang gwapo nito lalo na ng ngitian nito ang babaimg kasama nito.
Namimiss nya tuloy lalo ito. "Era patayin mo nayan?"saad nya dito.
Sa pagkakataong yon,tumingin na ito sa kanya. "Bakit?"tanong nitong ngumiti ng nakakaluko.
"Basta patayin mo nayan! Sayang kuryente."aniya dito at bumaling sa ibang direksyon.
"Hindi porket broken hearted ka kay Drew,gaganyanin mo na ako. Nag momove on kana ba? Hala! Girl...naging kayo ba."saad nitong humalakhak pa.
Sa inis nya binato nya ito ng throw pillow.
Mabilis naman nito nasalo yon. Inismiran nya lamang ito. Alam kasi nitong nagkagusto na sya kay Drew. Kaya ang lakas nitong mang asar.
"But seriously Shai,anong feeling na makasama ang isang Drew Danielle?"seryosong tanong nito.
Hindi nya napigilang mapangiti dahil sa tanong nito. Hindi nya mapigilan sa tuwing naalala nya ang mga panahon at oras na kasama nya si Drew sa maikling panahon.
"Hmm. Hindi mo na kailangan sumagot. Sa ngiti mo palang nasagot mo na yung tanong ko."panunukso ng kaibigan nya."Pero, di nga pwede mo bang ishare sa akin?"
"Sweet si Drew. Maaalahanin, masarap magluto. Masarap kasama."nakangiting pahayag nya rito.
"Tsk.tsk..kaya naman pala eh. Magaling ba sya?"nakangising tanong nito.
Naibigla sya sa tanong nito. Hindi nya kasi alam kung ano ang pinupunto nito."What? anong magaling?"kunot noong tanong nya dito.
Humalakhak ito."Tinatanong kita kung magaling ba syang magluto. Ang slow mo."saad nito sabay tawa.
Kinurot nya ito sa tagiliran."Tigilan mo nga yang kakatawa mo. You look insane."aniya dito.
"Ouch! Grabe ka naman. Ikaw kasi ang tanda mo na hindi ka parin nakakasabay sa mga green joke ko."saad nitong tumigil na sa pagtawa.
Green joke? It means!"You!"aniya ng magets ang ibig sabihin nito. Hinampas nya ito ng throw pillow."Ang bastos mo talaga!"aniya dito. Alam nyang pulang pula na ang pisnge nya sa mga oras na yon.
Tumawa na naman ito."Wala akong sinabing bastos ah. Ikaw lang tong nag iisip ng kung ano ano."saad nito na tumigil sa pagtawa."Pero yong totoo Shai..wala pa talagang nangyari sa inyo?"tila nanantyang tanong nito.
BINABASA MO ANG
My Three Month's Slave(completed)
Roman d'amour"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi mahal kita"-Drew Sa loob ng tatlong buwan gustong maging masaya ni Jane. Kaya gumawa sya ng tatlong wish...