Chapter 13(Strawberry)

2.3K 75 0
                                        

A/N:Photo credit to the owner..

Shaira Jane's POV

"Hey Jane! Come here!"tawag sa kanya ni Drew. Nasa kabilang dako kasi sya at namimitas ng strawberry. Nandito sila ngayon sa isa sa mga pinakasikat na strawberry farm dito sa baguio.

Medyo mainit ang panahon kaya may dala dala silang payong na hawak ngayon ni Drew.

Tinawanan nya ito. Ang cute kasi nitong tingnan sa itsura nito ngayon. May dala dala kasi itong payong ngayon.

Naka shade and cap ito. Para daw hindi sya makilala ng mga fans nya kung sakali mang makita sya ng mga ito. Medyo maraming tao kasi sa lugar na ito. Nakasuot lamang ito pink plain tshirt na vneck at cargo short na umabot hanggang tuhod nito,tapos naka rubber shoes.

Ang gwapo talaga nito. No wonder na maraming babae ang tumitili dito. Nakangiting lumapit sya dito.

"What's the meaning of that smile?"nagtatakang tanong nito ng makalapit sya.

"Nothing! I like your umbrella."nakangiting saad nya dito.

"What? Stop that!"saway nito sa kanya.

"Stop what?"natatawa nyang tanong. "Anyway it suits you will."pang aasar nya dito.

Tiningnan sya nito."You're crazy!"saad na lamang nito.

Ang pikunin talaga nito. Kumuha sya ng strawberry at isusubo na nya sana ng pigilan nya ito.

"What?"inis na tanong nya dito.

"It's dirty. Hindi mo pa nga yan nahuhugasan kakainin mo na."saway nito sa kanya na kinuha ang strawberry sa kamay nya.

Napapout na lamang sya."I'm craving."aniya dito na nakapout parin.

"Stop that!"asik nito sa kanya.

"Stop what?"takang tanong nya dito. Pinapastop sya nitong magcrave, eh naglalaway na nga sya sa strawberry."Grabe ka naman! Ayaw mo akung pakainin ng strawberry. Nagkicrave na nga yong tao." Aniya na nakapout padin.

Hindi nya alam pero feeling nya para syang bata na nagtatampo dahil sa ayaw masunod ang gusto.

"That's not what I mean. What I mean is stop pouting! Hindi bagay sayo."inis na asik nito sa kanya.

Napaawang ang mga labi nya. Nagulat pa sya ng biglang kunin nito ang basket ng strawberry nya at ibigay sa kanya ang payong na hawak nito."Hold this! And stay at that bench. Huhugasan ko lang to."saad nito na tinuro sa kanya ang isang bench sa may likuran nya bago sya iniwan.

Napatanga na lamang sya. Sinundan nya ito ng tingin bago pumunta sa isang bench na tinuro nito kanina.

In fairness, gentleman pala si kuya. Kahit may pagkamasungit. Sana Drew wag mo muna akung iiwan. Gusto kung maranasang sumaya na kasama ka. Hindi ko pa naranasang magmahal at mahalin. Dahil sa sobrang busy ko sa trabaho at sa negosyo.

Sa totoo lang gusto na ng mga magulang nya na mag asawa na sya. Pero hindi na pwede kasi iiwan lang din naman nya ang magiging asawa nya. pero sa tatlong buwan na natitira sa buhay nya ay gusto nyang maranasang sumaya.

Every time na tinitingnan nya si Drew may iba syang nararamdaman. Ang bilis ng tibok ng puso nya, lalo na kapag lumalapit ito sa kanya. Hindi nya pa naramdaman yon sa tanang buhay nya. But every time na naiisip nya na konting panahon na lang ang natitira sa buhay nya ay bigla na lamang syang nalulungkot.

Paano kasing nagyari na nagkaroon ako ng sakit ng puso. Ang hirap,kung makakita lang sana sila Era ng donor nya, sana may pag asa pang tumagal ang buhay ko. Napabuntong hininga na lamang sya. At mas lalo syang nalulungkot sa isiping iiwan din sya ni Drew. Dahil alam nya namang ginagawa lang nito ang lahat ng ito ng dahil sa contract.

My Three Month's Slave(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon