Shaira Jane's POV
"Shai bakit hindi mo sinabing wala pala si Drew. "Nagmamaktol na saad ni Era.
Kanina pa ito dumating. At kanina pa sya nito kinukulit tungkol kay Drew.
Nakataas ang isang kilay na tiningnan nya ito. "So kaya ka lang pumunta dito to see him? Then go! Leave now! "Mataray na saad nya dito.
"Tss.. Ikaw talagang babae ka. Syempre I'm here to see you too. I'm miss you bestfriend. "Saad nitong lumapit sa kanya at yinakap sya.
Thankful sya kasi nandito ang kaibigan. Sa edad nyang 28 years old puro trabaho ang inisip nya.
At sa mga panahong yon nandyan palagi si Era. Sa mga panahong nalaman nyang may sakit pala sya sa puso nandyan ito palagi para umalalay sa kanya. Mabait si Era kahit nag asawa na ito hindi parin ito nagbago.
"Oo nga pala Shai? Nakita mo na ba? "Tila excited na tanong nito.
Napakunot ang noo nya sa tanong nito. "Ang alin? "Clueless na balik tanong nya dito.
"Oh my! Kunwari ka pa. You know! Yong ano... "Saad nitong hirap sabihin ang gustong sabihin.
"Ano ba?! "Iritadong tanong nya dito.
"Grabe ang init naman ng ulo mo bestfriend. Yong pandesal ni Drew. "Tila kinikilig na saad nito.
Alam nyang dahil sa sinabi nito ay pulang pula na ang mukha nya. Paano ba eh ilang beses na nya nakita yon.
"H-hindi pa. "Deny nya.
Tumawa ito ng nakakaloka. "Weh... Bakit ka namumula."pang aasar nito.
"Iwan ko sayo! Tumigil ka na nga. May asawa kana tapos para kang teenager dyan. "Aniya dito.
"Sus! Eto naman. Wala naman dito si Mark. But anyway, iniinom mo ba sa tamang oras ang gamot mo? "Tanong nito na bakas ang pag aalala sa tinig.
"Oo naman! Anong akala mo sakin? Hindi naman ako excited na matigok no! Matagal pa ang three months. "Sarkastikong saad nya dito.
"Teka nga! Bakit parang ang init ng ulo mo ngayon? Meron kaba? "Tanong nito.
"Wala ah. Ikaw kasi ang kulit mo. "Aniya na lamang.
Ang totoo lang ay parang nangungulila sya kay Drew. Parang hinahanap nya ang presensya nito.
"Okay! So... Tara na! "Yaya nito.
"Ha? Saan naman? "Kunot noong tanong nya.
"Lalabas tayo. Magbihis kana at mamamasyal tayo. Nakakalunod dito. Sobrang tahimik. "Saad nito.
Sinunod na lamang nya ito.
Nagbihis na sya. Gusto din nyang makapamasyal para maiwasan nya ang mag isip.
Drew Danielle's POV
Naalimpungatan sya dahil sa pagbukas ng pinto ng silid. Liningon nya kung sino ang pumasok. Ang nurse pala.
"Good morning sir, ichecheck ko lang po si ma'am. "Saad nito.
Tumango lamang sya. Matapos nitong macheck ang nobya ay lumabas na ito.
Tinitigan nya ang kasinatahan. Nanlumo sya ng mapagtantong hindi pa ito nagigising.
"Good morning mahal ko! "Bati nya dito at hinalikan ito sa noo.
Hindi nya kayang titigan ito dahil sa dami ng aparatong nakasaksak dito.
"Mahal ko? Kamusta kana? "Malambing na tanong nya dito habang hinahaplos ang pisnge nito.
"Ang ganda ganda mo parin kahit nakapikit ka. Para kang anghel mahal ko. "Saad nyang hinalikan ulit ito sa noo.
Umupo sya sa gilid ng kama nito.
"Hinding hindi kita susukuan mahal ko." Aniya habang hawak ang kamay nito.
Nagulat pa sya ng biglang may tumunog. Napatingin sya sa monitor kung saan makikita ang heartbeat ng pasyente. Straight na ang guhit doon.
Abot abot ang kaba nya. "Mahal ko... No! Please hold on! "
Tumakbo sya palabas.
"Nurse! Nurse! "Sigaw nya. Hindi na nya alam kung ano ang gagawin nya.
Mabuti nalang at mabilis ang mga nurse at doctor.
"Dito kalang sir. Kami na ang bahala sa pasyente. "Saad ng Nurse sa kanya.
Napaupo sya sa isa sa mga upuan sa labas ng silid. Naihilamos nya ang mga kamay sa mukha.
"God.. Please.. Wag nyo munang kunin sakin si Roxane. Mahal na mahal ko sya. Please help her. "Dalangin nya.
Hindi nya alam kung ano ang kaya nyang gawin kung mawala nobya. Hindi nya kaya. Hindi nya mapapatawad ang sarili.
Di nagtagal ay lumabas na ang mga nurse at ang doctor.
"You nothing to worry for now Mr. Cruz "
"How is she Doc? "Nag aalalang tanong nya dito.
"Okay na ang vital signs nya. Kinailangan namin syang icardiac arrest. so far okay na sya. But one thing Mr. Cruz i can't promise na magtatagal pa sya. Only her heart ang nagrerespond. Hindi na nagrerespond ang katawan nya. And one of this days kailangan nyo ng permahan ang waver nya. "Mahabang saad nito.
Natigagal sya sa mga sinabi nito. Hindi nya alam kung anong sasabihin nya.
"Mauna na ako at may pasyente pa akung aasikasuhin. Please think about it. "Saad pa nito na tinap ang balikat nya bago umalis.
Bagsak ang balikat na pumasok sya sa silid na iyon..
Hindi nya namalayan ang pagbagsak ng luha sa mga mata nya.
Lumapit sya kay Roxanne at yinakap ito.
"No mahal ko! Hindi ko kaya! Please naman, lumaban ka. Wag mo akong iwan. Hindi ko kakayanin. "Saad nyang humagulhol nya.
Iniisip nya palang na iiwan sya ni Roxane.... Hindi nya kaya..hindi nya makakaya...
To be continued.....
Naiyak ba kayo? Ano nga ba ang nararamdaman mo kung iiwan ka ng taong mahal mo?
Paano na si Jane? Abangan.......
BINABASA MO ANG
My Three Month's Slave(completed)
Dragoste"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi mahal kita"-Drew Sa loob ng tatlong buwan gustong maging masaya ni Jane. Kaya gumawa sya ng tatlong wish...
