Chapter 12(cooking together)

2.4K 86 4
                                    

Drew Danielle's POV

Hindi nya mapigilang matawa sa reaksyon ni Jane ng patakbong iniwan sya nito sa kwarto nito. Alam nyang nahihiya ito. Dahil siguro akala nito ay sya ang nagpalit ng damit nito. Pulang pula ang mukha nito. And he was enjoying seeing her like that. Ang cute cute nito. Pero hindi naman talaga sya ang nagpalit ng damit nito. Si Nanay Lita. Ang caretaker ng bahay ni Jane.

Flashback......

Tapos na nyang punasan ang kamay at braso ni Jane. Nanginginig ang mga kamay na tinanggal nya ang kumot nito. Pupunasan ny muna ang paa nito bago ang katawan nito. Wala syang choice,kailangan nyang gawin to. Chineck nya muna ang towel na nasa noo nito. Okay pa naman sya. Tinitigan nya ang mukha nito.

"Ang ganda mo parin kahit may sakit ka."bulong nya dito. Ipininilig nya na lamang ang kanyang ulo. Sinimulan nya ng punasan ang paa nito. Medyo malamig ang papa nito. Pagkatapos nyang punasan ang mga paa nito. Lumuhod sya sa may tagiliran nito para hubarin ang damit nito. Hawak hawak nya na ang laylayan ng damit nito. Malaking tshirt lamang ang suot nito na umabot hanggang tuhod nito. Bahagya pa syang napalunok ng mapansing nakalitaw na pala ang mahabang legs nito.

"Shit! How can I handle this? Lalaki parin ako."aniya sa sarili.

Napabuntong hininga sya."I can do this!"aniya sa sarili. Sa totoo lang malaki ang epekto nito sa katawan nya. Hindi sya ganito sa ibang babae. Kahit kay Roxane.

Pikit ang matang hinawakan nya ulit ang laylayan ng damit nito. Itataas na nya sana ng may marinig syang may nag doorbell.

Dali dali syang lumabas ng kwarto nito at tinungo ang main door.

Isang may edad na babae ang bumungad sa kanya.

"Magandang umaga po! "bati nito sa kanya.

"Magandang umaga din po sa inyo! Ano pa ang kaingan nila?"magalang na saad nya.

"May kukunin lang po ako. Andyan po ba si Inday Jane?"tanong nito.

"Sino po kayo?"tanong nya dito.

Hindi nya kasi ito kilala.

"Ako po si Nanay Lita. Ako po ang caretaker ng bahay na ito."magalang na sagot nito.

"Ay ganun po ba? Pasok po kayo."aniya dito na linuwagan ang bukas ng pinto para makapasok ito.

Napaisip sya. Kung ito ang care taker ng bahay..ibig sabihin malapit ito kay Jane.

"Hmmm.. bakit hidi!"

"Ahm... Nanay Lita..pwede po bang humingi ng pabor sa inyo?"aniya dito ng makarating sila ng sala.

"Ano po yon sir?"tanong naman nito.

"Pwede nyo po bang bihisan at pakipunasan si Jane. May lagnat po kasi sya."aniya dito.

"Aba'y walang problema."saad nito.

Nakahinga sya ng maluwag.

End of flashback...

That what's really happened. Si Nanay Lita ang nagpalit ng damit ni Jane. Sinundan nya ito papuntang dining area.

"Nakakahiya ka Jane!"dinig nyang saad nito sa sarili.

Napangiti sya." Bakit ka naman mahihiya?"tanong nya mula sa likod nito.

Nakita nyang bahagyang napatalon ito. Nagulat marahil ito sa kanya.

"Don't talk to me!"mataray na saad nito.

"Hey! Don't be like that. I'm sorry. Nagbibiro lang ako. It was Nanay Lita who change your clothes."paliwanag nya dito. Gusto nya pa sanang asarin pa ito. Pero baka mas lalong magalit ito sa kanya.

My Three Month's Slave(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon