Chapter 3(they meet)

3.5K 103 0
                                        

_Shaira Jane_

Laking gulat ni Shaira Jane ng may biglang bumukas ang pinto ng kotse nya at dali-daling may pumasok doon na para bang hinahabol. Pati ba naman dito mapapatrouble ako. God gusto nyo na po ba akung kunin ngayon? Di po may three months' pa ako. Mariin syang napapikit.Humanda kang lalaki ka kung sino kaman! Bulong nya sa sarili. Nilingon nya ito.

"Who are you? "Mataray na tanong nya dito.
Remehestro sa mukha nito ang pagkagulat ngunit mukhang mabilis din itong nakabawi.

"Miss pwede bang paandarin mona tong kotse mo. Maaabutan na nila tayo. "Bossy na saad nito.

Tumingin sya sa harapan medyo kunti nalang ang sasakyan. Hindi nya pinansin ang lalaki. Anong akala nito sa kanya utusan nya. Don't me Mister! Aniya na sya lamang ang nakarinig. Tiningnan nya ito sa may front mirror ng kotse nya. Mukha naman itong disente. Pero ayaw nya paring magtiwala dito.

"Get out of my car now!"pasigaw na saad nya na hindi man lang ito liningon.

"Miss please, kailangan ko na talagang makaalis dito. Kaya please paandarin mo na tong kotse mo. "Tila nagmamakaawang sagot nito.

"And who are you para utusan ako. Just get out."mariin nyang saad. Hindi nya kilala ito. Ayaw nyang magtiwala, baka mamaya kriminal pala ito. Paano kung may baril ito. Paano nya maipagtatanggol ang sarili? God... Gusto na nyang magpanic pero kailangan nyang erelax ang sarili. Kaya nya to.

_Drew Danielle_

Nakikita na ni Drew ang mga fans nya na papalait sa sasakyan. Kinakabahan na sya. Hindi nya alam kung ano ang magiging etsura nya if ever man maabutan sya ng mga ito. Sa dami ng mga ito, hindi nya alam kung ano ang mangyayari.

"Miss ano ba? Hindi mo ba talaga ako tutulungan!" Di nya napigilang sigawan ito dahil sa sobrang tense. At iyon pa ata ang magiging dahilan para hindi talaga sya nito tulungan. Galit na nilingon sya nito. Ang mala dyosang mukha nito ay pulang pula na naaninag nya iyon mula sa mga ilaw na nasa labas. May kakaiba syang naramdaman sa kanyang dibdib. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib na hindi nya maipaliwanag.

"For your information Mister.. Kung pwede lang lumabas kana ng kotse ko para makaalis na ako. I dont even know you. Kaya get out! Now!"mariin na usal nito na tinaasan sya ng kilay.

Tinitigan nya ito bago muling magsalita.

"Miss please.. Nakikiusap ako sa'yo. Paandarin muna tong kotse mo please. Kahit anung kapalit, basta tulungan mo lanh akung makaalis dito. Babayaran kita o kayay kahit anung gusto mo susundin ko lahat.Basta tulungan mo lang ako. "Pakiusap nya dito na pinagdikit ang dalawang palad para maplease ito. Hindi ito tumingin sa kanya. Tumingin ito sa labas ng kotse nito na tila nag iisip. Tumingin sya sa labas kung saan papalapit na ang fans na humahabol sa kanya. Hindi na sya makali. Kung pwede lang sanang lumabas na ng kotseng to. But its too late, malapit na sila. Shit! What i am going to do now. Mukhang walang balak tumulong ang babaing to. Napabuntong hininga na lamang sya.

_Shaira Jane_

Naaawa na sya sa lalaki, mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. Ang gwapo naman nito masyado para manloko lang. Tumingin sya sa side mirror ng kanyang sasakyan. May mga taong papalapit, yong iba may dalang mga poster. Nilingon nya ang lalaki. Hindi ito mapakali.

"Hoy lalaki! "Tawag nya dito. Tumingin ito sa kanya. "Totoo bang susundin mo lahat ng hihilingin ko sayo? Basta tutulungan kitang makaalis dito? "Tanong nya dito. May naisip na sya kung ano ang hihilingin nya. Well, part yon ng kanyang wish list. Dito nya hihilingin ang tatlo nyang wish.

"Oo kahit ano. "Agad naman na sagot nito.

Ngumiti sya ng nakakaloko. "Okay. Ibigay mo sakin ang katawan mo. "Aniya na seryoso ang mukha.

My Three Month's Slave(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon