Shaira Jane's POV
Five days din syang namalagi ng hospital. Nahihirapan na sya doon. Kaya pinilit nya si Era na umuwi na lamang. Hanggang ngayon wala parin syang lakas.
Hindi parin umuwi si Drew. Iniwan na nga siguro sya nito. Napabuntong hininga sya.
"Oh ano na naman yan? Ang lalim non ah. Kumain kana nga. "Puna sa kanya ni Era. Nagleave ito sa opisina para samahan sya.
Kaya laking pasasalamat nya dito. Kung hindi dahil dito wala na sya ngayon.
"Wag mo ng isipin si Drew. Ang OA mo naman kasing magreact. Babalik yon. "Saad nito sa kanya.
Paraan siguro nito para hindi na sya mag isip pa. Sinabi nya dito ang nangyari ng araw na yon kaya sya inatake sa puso.
Iniiwasan nya namang mag isip. Pero hindi nya maiwasan. Nahulog na nga yata sya kay Drew. Sa maikling panahon na pinagsamahan nila ay puro masasaya naman ang nangyari sa kanila. Kahit sa maling paraan sila nagkakilala.
Wala syang ganang kumain pero kailangan nyang kumain para makainom sya ng gamot.
"Hihintayin kita Drew. "Aniya sa isipan lang.
"Dito ka lang ah. Kunin ko lang gamot mo sa kwarto mo. Kumain ka dya. "Saad ng kaibigan nyang tumayo para kunin ang gamot nya.
Pilit na nginitian nya ito. "Yes Doc. "Biro nya pa.
Tinaasan lang sya nito ng kilay bago umalis.
Kumain na lamang sya. Magpapagaling sya para kay Drew.
Drew Danielle's POV
Limang araw na syang nandito pero hindi nya parin nakocontact si Jane. Namimiss na nya ito.
Hindi nya alam kung kaylan sya nadevelop kay Jane. Ang alam nya unang kita nya palang dito ay attracted na sya dito.
Susubulan nya ulit tawagan ito. Kinakabahan sya. Baka may nangyari na dito. Pero wala sya sa tabi nito.
Denial nya ang number nito. Nakailang ring na. And thanks god! Sinagot na din nito.
"Hello! "Bungad nito.
"Hello Jane! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? "Bungad nya dito.
"Hindi ito si Jane. Teka nga si Drew ba to? "Saad ng sa kabilang linya.
Hindi sya nakasagot agad. Bakit hindi si Jane ang sumagot ng Cellphone nito?
"Yes it's Drew. Sino ba to? "Tanong nya dito.
"Kaibigan to ni Shai. And hoy lalaki! How dare you na iwan ang kaibigan ko ng walang kasama! Alam mo bang ng dahil sayo muntikan na syang mamatay! "Sigaw ng nasa kabilang linya.
Nanlaki ang mga mata nya. Muntikan ng mamatay?
"Wait... Can you calm down. What do you mean? Ano ba talaga ang sakit ni Jane? "Naguguluhang tanong nya.
"May sakit sya sa puso. At dahil sa kakaiyak nya dahil akala nya iniwan mo na sya muntikan na syang mamatay dahil inatake sya."may bahid na galit na saad nito.
Natigagal sya sa sinabi nito. Ng dahil sa kanya muntikan ng mamatay si Jane.
Nakuyom nya ang kamao nya.
"At kung gusto mong makabawi sa kanya. Bumalik ka na dito. Please Drew... Tulungan mo syang makarecover. She really need someone. And wag mong sabihin sa kanya ang mga sinabi ko. "Saad pa nito at nawala na sa kabilang linya.
Hindi na sya nag aksaya pa ng panahon. Agad na nagpaalam sya sa mama ni Roxane. Kailangan nyang balikan si Jane. Ang taong mahal nya.
Yes... Mahal na nya si Jane. At hindi nya mapapatawad ang sarili nya kung may mangyaring masama dito.
Shaira Jane's POV
"Bakit ba ang tagal mo? "Reklamo nya sa kaibigan.
Kumuha lang ng gamot pero ang tagal nitong bumalik.
"Hinanap ko pa kasi. "Saad nitong ngingiti ngiti.
Kunot noong tiningnan nya ito. "Anong nginingiti ngiti mo dya. "Puna nya dito.
"Wala. Eto gamot mo oh. Inom kana. "Saad nitonh inabot sa kanya ang gamot nya.
Hindi na sya nagtanong pa. Uminom na lamang sya ng gamot nya.
To be continued....
Short update....
Bawi nalang po sa next update.
Vote!
Then comment!
Thank you!
BINABASA MO ANG
My Three Month's Slave(completed)
Romance"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi mahal kita"-Drew Sa loob ng tatlong buwan gustong maging masaya ni Jane. Kaya gumawa sya ng tatlong wish...
