Drew Danielle's POV
Tatlong araw na ang makalipas mula ng umalis sya ng bahay ni Jane para magbantay sa kasintahan. Tatlong araw narin nyang sinusubukang kuntakin ito. Pero hindi parin ito sumasagot. Kinakabahan na sya. Baka may nangyari ng masama dito.
"Bakit mo kasi sya iniwang mag isa doon? Nag aalala ka tuloy ngayon."saad ng isang parte ng isip nya.
"Damn! Jane please sumagot ka." Kanina nya pa ito tinatawagan. Pero hindi nito sinasagot. Kanina pa sya palakad lakad sa loob ng kwartong inuokupa ni Roxanne.
Nag aalala na sya kay Jane. "Nag aalala kanga lang ba o namimiss mo na sya."saad ng isang parte ng isip nya.
"Shut up!"aniya sa marahang tinig na narinig pala ng kasama nya sa kwartong yon.
"Drew are you okay? Kahapon ko pa napansing balisa ka. Any problem?"si Tita Anne.
"I'm sorry Tita. Just don't mind me. It's nothing."aniyang umiwas ng tingin dito.
Nakita nyang napangiti ito.
"Hindi ako naniniwalang wala lang yon. Kung sino man sya. Halatang nag aalala ka sa taong yan."saad nito. Wala syang narinig na hinanakit sa boses nito.
But still,he felt guilty."I'm sorry tita. It's just someone. I mean it's a friend."aniya. Pero kahit sarili nya ay hindi makumbinsi sa sinabi. Alam nyang hindi lang kaibigan ang tingin nya kay Jane. Napagtanto nya yon mula ng lumuwas sya ng maynila. Ang totoo na miss na nya ito. Miss na miss.
"Drew hindi mo kailangang magsinungaling sa akin. I know that it's not just someone or a friend. I know that,that person is important to you."saad nito.
"I'm sorry Tita. "aniyang napayuko.
"You don't need to say sorry. Hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa anak ko. you need to find your own happiness. Tanggap ko na Drew. Tanggap ko ng hindi na magtatagal ang anak ko."anitong mapait na ngumiti sa kanya."Kaya please..palayain mo na ang anak ko at ang sarili mo Drew. "dugtong pa nito.
Umiling iling sya."I don't know Tita. Hindi ko pa po alam. Parang hindi ko pa kayang pakawalan si Roxane. Ang nangyaring ito sa kanya? It was my fault."nakayukong saad nya.
Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay nya. "Walang may gusto sa nangyari Drew. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Bibigyan kita ng time para mag isip. And please Drew sundin mo ang puso mo. Wag ang isip mo. Para to sa anak ko. Alam kong nahihirapan na ang anak ko. Andaming aparato ang nakakabit sa kanya. And i can't take it anymore. So please... Alam kung magiging masaya ang anak ko kung pipiliin mong maging masaya. Iwaglit mo sa isipan mo ang pagiging guilty mo sa anak ko kasi hindi mo to kasalanan. "Mahabang saad nito at yinakap sya.
"Feeling ko po pinagtaksilan ko sya. At aaminin ko po tita. Nagkakagusto na ako sa iba. "Pag aamin nya dito.
Yes! Aaminin nya nagkakagusto na sya kay Jane. And the worst this is.. Mahal na nga yata nya ito.
Tinapik tapik nito ang likod nya. "It's okay. Hindi ako galit sayo Drew."saad nitong kumalas sa pagkayakap sa kanya at hinawakan sya sa magkabilang balikat.
"I have something to tell you Drew."saad nitong iginiya syang umupo sa sofang naroon.
"Ano po yon tita? "Kunot noong tanong nya dito.
"On that day before the accident. Roxane told me na gusto na nyang makipaghiwalay sayo. "Panimula nito.
Medyo naguluhan sya sa sinabi nito. "What do you mean Tita?"kunot noong tanong nya.
"Hindi ko alam kung bakit basta yon yong sinabi nya. "
Hindi nya maintindihan ang mga sinabi nito. Pero gusto nyang sabihin dito ang mga napapanaginipan nya tungkol kay Roxane.
"May sasabihin din po ako sa inyo Tita. "Saad nya dito.
Nakita nya ang pagtataka sa mata nito. "Tungkol saan Drew? "Tanong nito.
"Palagi ko po syang napapanaginipan. "Panimula nya.
Hindi ito nagsalita. Tanda na kailangan nyang magpatuloy.
"At sa tuwing napapanaginipan ko sya. Lagi nyang hinihiling na pakawalan ko na sya. Palagi nya po akung iniiwan sa panaginip ko."paglalahad nya dito.
Napahagulhol ito. "Gusto na nyang lumaya Drew. Gusto na nyang pakawalan mo na sya. Para makawala kana rin sa guilt na nararamdaman mo. Tama ako. Gusto ka nyang sumaya. "Saad nito sa pagitan ng pag iyak. "Nahihirapan na siguro sya Drew. Pilit nyang lumalaban para sa atin pero hindi na nya kaya. "Saad nitong tumayo at dinaluhan ang anak nito.
Sa tagpong yon, napaiyak na sya. Ibig sabihin gusto ng magpahinga ni Roxane. Pero palagi nya itong pinipigilan?
Selfish ba ako? Humawak ako sa isang bagay na hindi na pala talaga para sa akin. Kaya pala sa tuwing napapanaginipan ko sya lagi nyang sinasabi na kailangan na nyang umalis. At gusto nitong palayain na nya ito. Kaya pala?
He's still confused. Pero gusto nya paring mamalagi sa tabi nito. Kahit sa mga huling sandali.
Lumapit sya sa mga ito. "Tita! "Tawag nya kay tita Anne.
"Yes? "Saad nitong bumaling sa kanya at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa mga mata nito.
"Can i stay here kahit ilang araw lang. Gusto ko pong pag isipan ang mga sinabi nyo at ng Doctor ni Roxane. Sasabihin ko po kung ready na ako. "Saad nya dito.
"Okay hijo. But one thing, my daughter loves you. Kung ano man ang reason nya kung bakit gusto na nyang makipaghiwalay sayo. Alam nyang para yon sa ikabubuti nyong dalawa. So please... Don't hesitate to tell me if you're ready for letting her go. "Saad nito sa malungkot na boses.
Tumango lamang sya dito. Kailangan nyang pag isipang mabuti ang kanyang magiging desisyon. But for now... Dito lang muna sya sa tabi ni Roxane.
To be continued....
Vote!
Then comment!
BINABASA MO ANG
My Three Month's Slave(completed)
Romance"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi mahal kita"-Drew Sa loob ng tatlong buwan gustong maging masaya ni Jane. Kaya gumawa sya ng tatlong wish...
