A/N:hi guys... Gusto ko ng matapos ang MTMS. Siguro mga 5 chapters to go nalang. Hehe, keep reading guys. Thank you po sa mga nagbasa at sumubaybay ng MTMS. 😍😘😘
Drew Danielle's POV
"Drew! Drew! "Tawag sa kanya ng isang babae.
Nilingon nya kung sino ang babaing yon. Si Roxanne.
"Roxanne! "Tawag nya dito.
Nakangiti ito sa kanya.
"Maraming salamat Drew. Alam kong minahal mo ako at minahal din kita. Pero masaya ako't nakilala mo na sya. Masaya ako para sa inyo. Salamat at pinakawalan mo na ako at tinanggal mo na ang guilt dyan sa puso mo. "Nakangiting turan nito.
Lumapit ito at yinakap sya. "Salamat Drew. "Saad nito.
Mapait na ngumiti sya dito. "I'm sorry..hindi ko napigilang magmahal ng iba. I'm such a jerk. "Aniya dito.
Masuyong hinawakan nito ang kamay nya. "Hindi mo kailangang magsorry Drew. In fact, ako dapat ang magsorry. I'm sorry for leaving you too early at hindi man lang nagpaalam. But you don't need to worry. I'm okay and happy now. Seeing you with someone who make's you happy. So.. Drew just promise me one thing... Wag mo syang sasaktan. Mahalin mo sya higit pa sa pagmamahal mo sa akin. You two deserves to be happy. Pasayahin mo sya at alagaan. "Saad nitong tumingin sa direksyon sa may likod nya. Nakangiti ito.
Tiningnan nya kung saan ito nakatingin. May isang babae na nakatayo sa may likuran nya.
"Sino ka? "Tanong nya dito.
Unti unti itong humarap sa kanya. "Honey... "Nakangiting saad nito.
"J-Jane? "Gulat na bulalas nya.
Sa tagpong yon sya nagising. Ano ang ibig sabihin ng panaginip nya? Ipinaubaya na ba sya ni Roxanne kay Jane? Napaupo sya. Nakita nya kung gaano kasaya si Roxanne para sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Three Month's Slave(completed)
Romance"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi mahal kita"-Drew Sa loob ng tatlong buwan gustong maging masaya ni Jane. Kaya gumawa sya ng tatlong wish...