A/N:hindi ko kasi alam kung ano ang itatittle ko sa chapter na to kaya ♥♥♥ nalang.
Shaira Jane's POV
Naalimpungatan sya dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto nya. Nakapikit na bumangon na sya.
"Hmmm..anong oras naba? Napasarap yata ang tulog ko."aniya habang nag uunat. Tiningnan nya ang wallclock sa taas ng head borad ng kama nya.
"Oh..my...10 a.m na!"maang na bulalas nya.
Shitty! Nakakahiya! Ngayon lang ako nagising ng ganito kalate. Hindi man lang sya ginising ni Era. Nakakahiya kay Drew.
"Oo nga pala nandito na si Drew. At may sinabi sya sa akin kahapon na hindi ko talaga makakalimutan."aniya na napaupo sa kama nya. Hindi nya napigilang kiligin at mapangiti.
Sa ganoong ayos sya naabutan ni Era."Oh gising na pala si sleeping beauty."sarkastikong saad nito saka ngumiti ng nakakaloko."Mag ayos kana dyan at naghihintay na ang prince charming mo sa may dining area."dugtong pa nito.
"Naghihintay na si Drew? Sa akin?"tila excited na saad nya.
"Naku! Kanina pagpasok ko parang nanaginip kapa. Tapos noong binanggit ko yon prince charming mo si Drew agad. Assuming girl."pang aasar nito.
Napaismid sya sa sinabi nito."Tss.iwan ko sayo."aniyang tumungo ng banyo.
"Bilisan mo kanina pa yon naghihintay. Sabi ko nga gisingin na kita eh. Pero pinigilan nya ako. Baka masarap pa daw ang tulog mo." Saad nitong inayos ang higaan nila.
Napangiti sya sa sinabi nito. "Ang sweet talaga ni Drew."aniya sa sarili. Napangiti na lamang sya.
Naghilamos lang sya at nagsuklay bago tinali ang buhok nya. Hindi na sya nagbihis pa,okay lang sigurong nakapantalog pa sya. Pajama naman at tshirt suot nya eh. Bago lumabas yinaya nya muna si Era.
Pagtingin nya dito nakahiga ito at hawak hawak ang cellphone nito."Uy ano pang hinihiga higa mo dyan? Tara na kain na tayo."aniya dito.
Nakataas ang isang kilay na tiningnan sya nito."Kanina pa ako kumain. Nauna na ako para naman magkaroon kayo ng time ni Drew."nakangiting saad nito."Anyway,masarap ngang magluto si Drew. Kasing sarap nya."nakangising dag dag pa nito.
Nanlaki ang mga matang tiningnan nya ito."What did you just say?"
Humalakhak ito."Nothing! I said, go!"pagtataboy nito sa kanya.
Inismiran nya lamang ito bago lumabas ng pinto ng kwarto nya.
Pagkalabas nya ng kwarto nya natanaw nya si Drew na nakahiga sa may sofa. Nakatulog sya kakaantay sa akin? Dahan dahan syang lumapit dito. Natutulog nga ito. Napangiti sya habang pinagmamasdan ito. Nakapatong ang ulo nito sa may throw pillow."Ang gwapo mo talaga Drew."bulong nya dito. Di nya napigilang haplusin ang mukha nito. Grabe ang kinis! Ang tangos ng ilong nito. At ang lips nito...hindi nya mapgilang mapangiti ng maalala ang paghalik nito sa kanya. kahit tingnan nya lang ang lips nito alam nyang malambot iyon.
"Hmmm,bakit kaya sya nakatulog? Nainip kaya sya,kakahintay sa akin?"tinitigan nya ng mabuti ang mukha nito. Gusto nyang mamemorize ang bawat parte ng mukha nito.
Nagulat pa sya ng bigla na lamang itong gumalaw at nagsalita.
"Baka matunaw nako nyan."saad nito na nakangiti.
Nagulat sya. Tatayo na sana sya ng biglang hilahin sya nito. Nanlaki ang mga mata nya ng mapagtantong sobrang lapit napala ng mukha nila.
Nakangiting tinitigan sya nito."Good morning sleepy head!"nakangiting bati nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Three Month's Slave(completed)
Romance"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi mahal kita"-Drew Sa loob ng tatlong buwan gustong maging masaya ni Jane. Kaya gumawa sya ng tatlong wish...
