Chapter 16(jealous?)

2.4K 73 1
                                        

A/N:sabi nga nila "HONESTY IS THE BEST POLICY" ikaw ba kung mamimili kaba sa isang department store tapos walang magbabantay ,magiging honest kaba? Dapat lang, wala mang makakakita sayong tao, may nakakakita naman sayo sa itaas. Right?Hmm..saan kaya ang may department store na walang nagbabantay sa panahon ngayon?

Enjoy Reading!

Shaira Jane's POV

Matapos magbihis, uminom muna sya ng gamot. Hindi pwedeng atakihin sya sa oras ng pamimili nila ni Drew. Hindi pwedeng malaman nito ang tunay na kalagayan nya. Baka maawa lang ito sa kanya. Excited na syang matupad na naman ang isa sa mga wish nya. But a little bit sad. Malapit na kasing matapos ang mga wish nya. Ibig sabihin malapit na ring umalis si Drew.

Isipin nya palang na iwan sya nito nalulungkot na sya. What if dumating ang araw na kinakatakutan nya.

Napabuntong hininga sya.

"Jane! "Tawag ni Drew sa kanya mula sa labas ng kwarto nya.

"Coming! "Aniya na tumayo na at binuksan ang pinto.

Nagmamadaling tinungo na nua ang pinto.
"I'm ready! "Pahayag nya ng makalabas sya ng kwarto nya.

Nabungaran nya si Drew na nakapamulsa pa habang naghihintay sa kanya.

Excited na sya sa lakad nilang dalawa ngayon. Pero may pangamba sya para kay Drew. Hindi kaya ito pagkaguluhan doon? Paniguradong maraming tao doon.

"Let's go!"nakangiting saad nito sa kanya.

"Wait!"pigil nya dito.

"Why?"kunot noong baling nito sa kanya.

"Is it okay to you?"tanong nya dito.

"Okay with what?"balik tanong nito sa kanya na nakaharap na sa kanya ngayon.

"Maraming tao doon. You know! Your fans?"aniya dito.

Natawa ito."So..you are now concern about my safety?"tanong nito sa nanunudyong ngiti.

Inirapan nya ito."Of course! Alangan namang pabayaan ko ang SLAVE ko."aniya na bahagya pang diniinan ang salitang slave.

Bahagyang dumilim ang expression ng mukha nito na agad din naman nawala."Yeah right!" sarkastikong saad nito. "Don't worry about me. I can protect myself."saad nito sa seryosong tinig at naglakad na palabas ng bahay at iniwan syang nakatunganga.

Hinabol nya ito."Hey Drew! May nasabi ba akong mali?"tanong nya dito ng mahabol nya ito. Siguro nasaktan nya ang ego nito dahil sa sinabi nya kanina."I'm sorry. Yeah! I admit it. Concern ako sayo. Baka kasi dumugin ka doon ng mga fans mo."guilty na saad nya.

Nagulat pa sya ng huminto ito at nakangiting humarap sa kanya."So...magaling pala talaga akung umakting."natatawang saad nito.

"Tss. Nakakainis ka. I thought you're angry."aniya na inirapan ito.

Tumawa ito."Why should i? Eh,halata namang concern ka lang talaga sa akin. But,anyway you don't need to worry. I'm ready as always. Saka nasanay nadin naman akong madumog."natatawang saad nito.

"Okay."tipid na saad nya na pumasok na ng kotse nya.

"Bakit dyan ka umupo?"takang tanong nito na binuksan ang pinto ng kotse.

"Bakit?"balik tanong nya dito.

Napabuntong hininga ito."So.. gusto mo talagang ipamukha sa akin ang pagiging slave ko at dyan ka pa talaga umupo sa likod para magmukhang driver mo?"tila nagtatampong saad nito.

Hindi na sya nagsalita pa. Bumaba na sya ng sasakyan at lumipat sa harapan."Oh..may sasabihin kapa ba?"nakataas ang isang kilay na sikmat nya dito.

My Three Month's Slave(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon