Chapter 10(back)

2.1K 66 0
                                        

Shaira Jane's POV

Pangatlong araw na mula ng umalis si Drew. Hindi parin ito nakabalik. Nakauwi na din ang kaibigan nyang si Era.

Nalulungkot sya kasi wala pa rin si Drew.

Namimiss na nya ang presensya nito.

Wala naman syang ganang manuod ng T.V. Wala naman talaga syang hilig sa T. V. Medyo napagod din sya kanina. Namasyal sila ni Era sa Botanical Garden. Maganda ang lugar kasi tahimik at presko ang hangin.

Pero hindi sya nag enjoy. Gusto nya sanang kasama si Drew.

Hindi nya maipaliwanag ang mga nangyayari sa kanya mula ng bumalik sa Maynila si Drew.

Tatayo na sana sya ng biglang sumikip ang dib dib nya. "God! Wag ngayon please... "

Nahihirapan na syang huminga, sobrang sakit ng dibdib nya. Pinilit nyang tumayo para makarating kaagad sa kanyng kwarto.

Sapo sapo ang kanyang dibdib. Ngayon lang uli ito sumakit ng ganito kagrabe.

"Ahhhhhh... "Daing nya.

Sobrang sakit. Feeling nya natatanggal na ang puso nya sa sobrang sakit.

Sa wakas nakarating nadin sya ng kwarto nya. Agad na kinuha nya ang gamot at ininom iyon.

Humiga muna sya. Kailangan nyang makahinga. Bakit ngayon pa? Na wala syang kasama..

Dahil marahil ito sa pagod at stress. Hindi sya pwedeng mapagod.

Ipinikit nya ang nga mata. Medyo nawawala na din ang sakit.

Lalagnatin yata sya. Tumayo sya at tumungo ng dining area para uminom ng tubig.

Papasok na sana sya ng kwarto nya ng may marinig syang pumaradang sasakyan.

Nakaramdam sya ng excitement ng maisip na si Drew na iyon.

Umupo muna sya ng sofa.

Di nagtagal ay bumukas ang pinto. Si Drew nga.

Tumayo sya at sinalubong ito. "Bakit ngayon ka lang? "Malat ang boses na tanong nya dito.

"May inasikaso lang ako. "Tipid na sagot nito na hindi man lang sya tiningnan.

Deri-deritso ito paakyat sa hagdan.
"Sana tumawag ka man lang."malumanay na saad nya.

Huminto ito at liningon sya.

Teka bakit parang ang hagard ng mukha nito.

"Wala akong cell phone number mo. "Tipid parin na sagot nito.

Tatalikod na sana ito ng magsalita ulit sya. "Bakit ngayon ka lang umuwi? Diba dapat isang araw lang. "Aniya dito sa mahinahong boses.

Liningon sya nito. Hindi nya alam kung galit ba ang nakikita nya sa mukha nito.

"Pwede ba tigilan mo muna ako! Wala kang pakialam kong isa o dalawang araw akong nawala! Gagawin ko kung ano ang gusto ko. You can't manipulate me. Yeah! I am your slave! But there's things na hindi kita masusunod. And can you please stop asking! "Singhal nito sa kanya at tinalikuran na sya.

Naiwan syang tigagal. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon.

Bakit sya nagalit? Maayos naman ang pagkakatanong nya dito.

May problema ba sya? Napabuntong hininga na lamang sya.

"Pasalamat nalang siguro ako kasi bumalik na sya. "Aniya sa sarili.

Pumasok na sya ng kanyang kwarto. Parang lalagnatin yata sya.

Kailangan na nyang magpahinga.

Drew Danielle's POV

Napasabunot sya sa sarili ng makapasok sa kanyang kwarto.

Hindi nya sinasadyang masigawan si Jane. Hindi nya lang kasi alam kung paano sasabihin dito ang mga nangyayari sa kanya.

"I'm sorry Jane. "

Binagsak nya ang katawan sa kama.

Sa totoo lang ayaw nya pa sanang umuwi. Ayaw nyang iwanan si Roxane. Pero ayaw nya namang magalit sa kanya si Jane. Alam nya naman ang tungkol sa usapan nila. Kung pwede nya lang sana sabihin ang lahat dito..

To be continued...

Like it?

Vote then comment..

Sorry for the short update...

My Three Month's Slave(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon