"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi mahal kita"-Drew
Sa loob ng tatlong buwan gustong maging masaya ni Jane. Kaya gumawa sya ng tatlong wish...
This chapter is dedicated to @celrom.. Sabinya sana dawmataposnato.
Shaira Jane's POV
Maaga syang nagising para sa surprise nya kay Jane. It seems so cheesy and corny. Maaga palang naghanda na sya para sa weeksary surprise nya kay Jane.
Lumabas sya ng maaga para bumili ng strawberry. Cake and aster flower. Gusto nya kasi ang meaning ng aster. Its mean that Patience,Love,Afterthought (or the wish things happened differently). Wish nyang gumaling na si Jane. Patience? Mag aantay sya hanggat handa ng magtapat si Jane sa kanya ang tungkol sa kalagayan nito.
Inilagay nya sa labas ng pintuan ng kwarto ni Jane ang mga binili nya para dito. Sana magustohan nito.
Shaira Jane's POV
Humikab na lumabas na sya ng kwarto nya. Medyo nagtaka pa sya kasi hindi sya ginising ngayon ni Drew para magjogging.
Baka maaga na itong nagising. Anong oras na kasi silang natulog kagabi. Nagkwentohan sila ng kung ano ano lang. Nalaman nyang katulad nya nasa ibang bansa narin ang mga magulang nito.
Pagbukas nya ng pinto nanlaki ang mga mata nya sa nabungaran. Isang box, flower na aster her favorite flower at isang basket ng strawberry. Ano to? Kinuha nya ang flower at ang strawberry. Kanino naman to galing?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wait? May card!
Hi honey, Happy weeksary. Ilove you my beautiful girlfriend.
Simpleng minsahe na nagpangiti sa kanya. Hinanap nya si Drew nakita nyang nakasandal ito sa may gilid ng pinto ng kwarto nya.
"Do you like it? "Nakangiting tanong nito.
Teary eyed sya. "No! "Sagot nya.
Nakita nyang bahagya itong nagulat sa sinabi nya. Tila nalungkot ito bigla.
"I don't like it coz i loved it! "Nakangiting saad nya na lumapit dito at binigyan ito ng isang mabilis na halik sa lips.
Nagulat pa ito pero agad namang nakabawi. Ngumiti ito ng kay tamis. "I'm glad that you love it. "Saad nitong yinakap sya.
Bahagya nyang itinulak ito. "Yong flowers ko. "Aniya.
He pouted and said. "Hmmm. Mas mahal mo pa ata sila kesa sakin. "Tila nagtatampong saad nito.
Natawa sya. "Silly, syempre iniingatan ko lang tong binigay mo. "Aniya.
Kinuha nito ang mga bit bit nya. "Tara kainin na natin yang cake. Nakapagtimpla na ako ng milk mo,let's go to the dining. "Yaya nitong nagpatiuna na.
Sumunod naman sya dito. Inilapag nito sa may lamesa ang mga dala. Bago paman ito makaharap sa kanya. Yinakap nya ito mula sa likod.
"Thank you honey. Happy weeksary. Alam mo bang favorite ko ang aster na flower? "Aniya dito.
Humarap ito sa kanya.
"Really? That's good. Ang galing ko pala. "Nakangiting saad nito.
Nginitian nya ito ng kay tamis. Kumain na sila. After nilang kumain pumasok muna sya sa kwarto nya at inayos ang mga bulaklak sa may lamesita malapit sa kama nya.
"It's beautiful! "Bulalas nya.
Araw araw nalang syang pinapakilig ni Drew.
Tatayo na sana sya ng biglang nagring ang cellphone nya.
Si Era.
"Hello! "Bati nya rito.
"Hi Shai. How are you? Kamusta lovelife natin? "Bungad agad natanong nito.
"Ano to? Yan lang ba ang itinawag mo? "Asik nya dito.
Narinig nyang natawa ito sa sinabi nya. "Chilaks Shai. Anyway pupunta ako dyan. "Saad nito.
Napastraight sya ng upo sa sinabi nito. "What? Are you serious? "Tanong nya dito.
"Dadalaw ako dyan. Namimis na kasi kita may bestfriend. And one thing, ichecheck kita. Dadaan lang ako ng company tapos dederitso nako dyan. I mean kami ni Dr. Wong. He wanted to check kung okey kana ba talaga. "Mahabang saad nito.
Napamaang sya. "What? Era naman! Alam mo namang wala pang alam si Drew about my condition. So please Era, not now. "Aniya dito.
Hindi pa sya handa para sabihin kay Drew.
"But Shai! "
"Please Era! "Pakiusap nya dito.
"Fine! Basta ako pupunta ako dyan. Alam mo naman kung gaano ako nag aalala sayo noong inatake ka. So please Shai, let me. I wanted to make sure na okay kana talaga."Pakiusap nitong may bahid na pag aalala ang boses.
Napabuntong hininga sya. "Fine. Sige na. Mag iingat ka sa byahe ha. "Saad nyana lamang.
"Okay sige, bye. "Saad nito at nawala na sa kabilang linya.
Napalatak sya. Natatakot syang malaman ni Drew. Mahal nya ito. At gusto nyang makasama itong hindi iniisip ang tungkol sa sakit nya. Ayaw nya munang sabihin kay Drew. Baka mag isip at mamroblema si Drew ng dahil sa kanya.
"Honey! "Tawag ni Drew mula sa labas ng Kwarto nya.
Humugot sya ng malalim na hininga saka tumayo. Inayos nya muna ang sarili.
Nakangiting binuksan nya ang pinto. "Yes honey! "Bungad nya dito.
Ngumiti ito. "Nahugasan ko na ang mga strawberry. Tara let's eat. Manunuod tayo habang kumakain ng strawberry. Diba gusto mo ang sensoury couple? "Tanong nito.
Tumango naman sya.
"Tara. "Saad nitong hinawakan ang kamay nya at iginiya sya patungong sala.
Napatitig sya kay Drew. Si Drew lang ang nagbibigay lakas sa kanya.