Drew Danielle's POV
Maaga syang nakarating ng maynila. Dumeretso sya ng hospital kung saan nakaconfine si Roxanne. Ang babaing mahal nya. Nagsuot sya ng cap para hindi sya mapansin ng mga fans kung meron man. Masyado pang maaga kaya wala pa namang masyadong tao sa hospital.
Tumungo sya sa VIP area kung saan naroon ang kwarto ni Roxane.
Naabutan nyang umiiyak ang Tita Anne nya ang mama ni Roxane.
"Tita? What happened? "Nag aalalang tanong nya dito.
Lumingon ito sa kanya."Ikaw pala Drew."malungkot na sagot nito at pinunasan ang matang pisngeng may luha.
"What happened Tita? Why are you crying? May problema po ba?"sunod sunod na tanong nya dahil sobrang pag aalala at kabang nararamdaman.
"Nothing Iho. Suddenly nakaramdam lang ako ng matinding takot at lungkot. Iniisip ko kasi kahit malakas ang puso ng aking anak yong katawan nya wala na."malungkot na sad nito saka humagulhol.
Yinakap nya ito."Don't say that tita. Alam kong may pag asa pa si Roxane. Don't lost hope tita. Pwede na po kayong umuwi para makapagpahinga. Ako na po muna ang bahala sa kanya."saad nya dito.
Kumalas ito sa kanya. Tumayo ito at tumungo sa may bintana ng kwarto.
"No Iho! Ilang ulit na syang na cardiac arrest this week. And the doctors said that hindi nila alam kung hanggang kaylan pa magtatagal ang anak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko."saad nitong humagulhol na naman.
Linapitan nya ito para aluin. Nahihirapan syang nakikitang nahihirapan ang Ina ng taong mahal nya.
"I'm sorry Tita. I don't know anything. But we should not lost hope. Please Tita,stop crying. Ayaw ni Roxane na nagkakaganyan ka. Mas mabuti po sigurong umuwi muna kayo para makapagpahinga. Ako nap o ang bahala kay Roxane."pag aalo nya dito.
Hindi nya alam ang gagawin. Pero hindi parin sya nawawalan ng pag asa. Magigsing pa si Roxane.
Pumayag namang magpahinga muna si Tita Anne. Napansin nyang namayat ito. Marahil dahil sa walang tulog at dahil sa kakaisip nito.
He felt guilty. Sinisisi nya parin ang sarili sa nangyaring ito sa kanyang girlfriend. And worst is? Wala man lang syang magawa. Naisubsub nya ang ulo sa hospital bed kung saan nakaratay ang kanyang girlfriend.
Hinawakan nya ang kamay nito.
"Hi mahal ko! Siguro masaya ka ngayon kasi nandito ako. Kamusta kana mahal ko? Ako? Eto namimiss kana. Sana.. magising kana. I'm so sorry for all the trouble I cause to you mahal ko."aniya habang hawak ang isang kamay nito.
"Sana magising kana. I miss you so much. Please wake up. Marami pa tayong gagawin na masasayang memories natin."pagpapatuloy nya. Hindi nya napigilan ang umiyak.
"I love you so much Mahal ko. Kapag nagising ka,I have a surprise for you. Diba sabi mo gusto mo ng magkasama tayo palagi? Promise tutuparin ko yon. I will make time for you. Mahal na mahal kita. Please wake up."aniya sa pagitan ng paghagulhol.
"Malapit na ang anniversary natin mahal ko. Excited na akung makasama ka sa araw na yon. A-at alam kung i-ikaw din. I-I h-have a surprise for you. Please w-wake up."dahil sa kakaiyak nya hindi na nya namalayang nakatulog na pala sya.
Shaira Jane's POV
Tinatamad na bumangon sya ng araw na yon. Wala si Drew at sya lamang mag isa sa bahay. Tumungo sya ng kusina para magtimpla ng gatas. Naalala nya tuloy ang nangyari kahapon. Yong naabutan nyang nagluluto si Drew at apron lamang ang suot pang itaas. He looks hot.
Napailing na lamang sya sa isiping iyon. At imbes na gatas ang inumin, malamig na tubig ang kinuha nya. pakiramdam nya kasi biglang uminit ang paligid.
Lumabas muna sya para lumanghap ng sariwang hangin. Mabuti nalang at napakarefreshing ng paligid dito.
Hindi sya nagkamali sa pagbili ng bahay at lupa dito. Naglakad lakad muna sya. Umupo sya sa tabi ng maliit na ilog. Kumuha sya ng bato at ibinato doon.
Medyo mataas narin ang araw kaya nagpasya syang pumasok na ng bahay. Nakakalungkot talaga kapag nag iisa. Dumeritso na lamang sya sa kanyang kwarto.
Maliligo na sana sya ng biglang tumunog ang kanyang cell phone. Si Era ang tumawag.
"Hello Era? Bakit ka napatawag? "Bungad nya dito.
"Wow! Ganda ng bati ah. Parang ayaw mo akong kausap. Sige babye. "Tila nagtatampong saad nito sa kabilang linya.
"Eh di wow! Tigilan mo nga ako
sa kaartihan mo. "Inis na saad nya dito.
"Oo na! Papunta ako dyan ngayon. Tutal day off ko naman so i want to explore and enjoy. "Excited na saad nito.
"Ano? Pupunta ka dito? "Di makapaniwalang tanong nya dito.
"Yap. I'm on my way. I'm excited to see you and of course your hot slave. Baboo! "Excited na saad nito sa kabilang linya na agad din namang nawala sa kabilang linya.
Napabuntong hininga na lamang sya. Inilapag nya ang cellphone sa kama at naligo na.
Wala kang maabutan na Drew dito Era...Malungkot na bulong nya.
To be continued...
Vote!
Then comment...
Thank you!
BINABASA MO ANG
My Three Month's Slave(completed)
Romantik"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi mahal kita"-Drew Sa loob ng tatlong buwan gustong maging masaya ni Jane. Kaya gumawa sya ng tatlong wish...
