Chapter 24(#6,#9&#10 in a contract)

2.3K 79 0
                                        

A/N:kung nabasa nyo po yong chapter 5 nasa contract po yong #6,#9&#10

Shaira Jane's POV

"Ang sabi mo maabutan natin si Drew! bakit wala sya dito? Nasaan na sya Era? Iniwan na naman ba nya ako?"sunod sunod na tanong nya kay Era. Nanggaling na sya sa kwarto ni Drew. Wala ito doon. Gusto na nyang maiyak sa mga oras na iyon. Baka iniwan na naman sya ni Drew.

"Ano kaba! Wag ka ngang mag hysterical dyan. Baka may pinuntahan lang yong tao."saway sa kanya ni Era.

"Nasaan ba kasi sya? Saan naman sya pupunta? Bakit hindi sya nagpaalam?"tanong nya ulit.

"Wow! Bestfriend! Kung makaasta ka naman para kang asawa ni Drew ah."puna nito sa kanya.

Naumid ang dila nya sa sinabi nito. Naging OA na ba sya?

"Bueno Shai, suotin mo pala to."saad nitong inabot sa kanya ang ternong pantulog.

Kunot noong tiningnan nya ito."Hindi pa nga ako nakakakain patutulugin mo na ako. Grabe ang hard mo naman. At isa pa hindi pa yan nalabhan ipapasuot mo na agad sa akin. Nasaan ang hustisya?"reklamo nya dito.

Kakarating lang nila galing mall at sa palengke. Gabi na sila nakauwi. Ang dami kasi nitong pinamili. And take note! Ipapasuot nito sa kanya ang bagong bili nitong pantulog. Grabe talaga,patutulogin na sya nito eh hindi pa nga sya nakakain.

"Hoy! Ang OA mo na. Hindi naman to mabaho ah. Amoyin mo. Walang amoy at isa pa mabango yan. Iba doon sa wash nightwear store. Nilalabhan na nila bago binibinta. Kaya ready to wear na."paliwanang pa nito.

Sino namang taong ang nag imbento ng ganyan? Lugi sila. Aniya sa sarili.

"Suotin mo na ito at kakain na tayo."saad nitong inabot sa kanya ang pantulog.

Padabog na hinablot nya dito ang pantulog at pumasok na sa kwarto nya saka nagbihis. "In fairness ang bango nga."aniya ng maisuot na ang pantulog. Ang cute cute,hindi ka makakaramdam ng lamig. After nya magbihis lumabas na sya ng kwarto nya.

Hinanap nya sa sala si Era. Pero wala na ito doon.

Nagulat na lamang sya ng biglang may nagtakip ng panyo mula sa likod nya. Agad syang kinabahan. My god! Help me! Sigaw ng isip nya. kinakabahan na sya at natatakot. Gusto na nyang magpanic ng biglang nagsalita ang taong nagtakip ng mga mata nya.

"Don't panic Jane."bulong nito sa may tenga nya.

"D-Drew?"kinakabahang tanong nya dito.

"Yes Its's me!"sagot naman nito.

Ang takot na nararamdaman nya kanina ay napalitan ng saya. Hindi sya iniwan ni Drew.

"Anong ginagawa mo?"tanong nya dito.

Nagtataka kasi sya. Bakit nito tinakpan ang mga mata nya.

"I have something to show you. just follow me. Okay?"saad naman nito.

Tumango lamang sya.

Inalalayan sya nitong maglakad. Hindi nya alam kung saan sila pupunta. Nakailang hakbang na sila ng maramdaman nyang lumiko sila.

Hindi nagtagal tinanggal na nito ang panyong nakatakip sa mga mata nya. Sabay sabing.

"Surprise! "Masayang saad nito.

Tumingin sya sa paligid. May nakita syang isang tent ⛺. At sa harap noon isang bonfire. May isang mesa ding nandoon at may mga pagkain. Maliwanag sa lugar na iyon. Dahil sa liwanag mula sa buwan. At namangha sya ng makitang ang daming star.

"Ang ganda! "Bulalas nya.

Tumingin sya sa paligid. Nasa likod sila ng bahay nya. Ganito pala kaganda kapag gabi na. Muli syang tumingin sa kalangitan. Napaawang sya sa ganda ng kalangitan. Mula sa langit nakangiting tumingin sya kay Drew.

My Three Month's Slave(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon