E P 1 6 :EXORCISM

169 6 1
                                    


Alas syete na nung nagtipon tipon silang lahat sa theater room, nagpagkasunduan kase nilang manood ng movie.

"Ano bang papanoorin natin?" tanong ni Yumi habang pumili ng papanoorin.

"Romance!" suhestyon ni Ota. Nagsitinginan lang silang lahat kay Ota na poker face.

"How about documentaries" suhestiyon naman ni Eisuke.

"Seriously dude, that is so lame" pakontra ni Luke. Tiningnan lang ng masama ni Eisuke si Luke pero ngumisi lang si Luke na para bang iniinsulto si Eisuke.

"Lets watch, Cinderella and the four knights! I love watching Hye ji she is so goddamn gorgeous" biglang nagsalit si Soryu out of nowhere.

Napakamot lang si Yumi dahil sa mga suhestiyon nila.

"What is that movie? Disney film?" tanong ni Eisuke. Umiling si Soryu.

"Its Kdrama dude" nagkaroon ng katahimikan ang buong paligid pagkasabi niya nun. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam noon.

"Seriously guys, youre not a fan of Kdrama?" walang reaction ang kasama niya.

"Kpop?" tanong niya ulit, pero wala paring ngbago.

"Seriously dude, Blackpink, EXO, BTS, Apink, Gfriend, GOT7..."

"Haiisst, shut up Soryu!" pagpigil ni Ota sa kapatid niya.

"Lets just watch porn" biglang saad ni Baba. Napapgil ng tawa si YUmi dahil sa sinabi ni Baba.

"Haiistt" react ng apat na lalaki sabay batok ng tigiisa sa kapatid.

"Ouch, that actually hurts" nagloloko pang saad ni Baba.

"Wait! alam ko na kung anong papanoorin" biglang saad ni Yumi at inilagay sa player ang cd. Pinatay niya ang ilaw at pinalakas pa lalo ang aircon.

"Its too cold" reklamo ni Amina, napairap lang si Yumi nang bigyan ng kumot ni Eisuke ito. LAhat naman sila may kumot, ang arte lang talaga nito..

"No, you dont have to" pagtanggi niya naman kuno

"No its fine.." sa loob loob ni Yumi ay ibat ibang mura na ang nasambit niya.

"Lets just share" sabi ni Eisuke. Halos maalis na sa mata niya ang mata niya sa sobrang pagirap niya dahil sa inis.

"Well, if you insist" pabebe nitong saad....

Umupo na si Yumi sa upuan niya. (Amina, Eisuke, Yumi, Luke, Soryu, Ota, Baba)

Nagsimula na ang pelikula. Lahat naman sila ay nakapokus doon pwera na lang si Yumi dahil mula sa upuan niya ay rinig na rinig niya ang nakakairitang reklamo ni Amina about sa movie, na pangit daw ang movie, sino daw ang pumili kase hindi maganda. Halatang halata na pinariringgan siya nito. At saka kakasimmula pa lang ng pelikula.

"Tingnan na lang natin kung magrereklamo ka pa" sabi ni Yumi sa utak niya.

Malapit na sila sa kalagitnaan ng pelikula. Dahil sobrang lakas din ng tunog ay ramdam na ramdam nila ang takot. Oo horror ang pinili ni Yumi. Exorcism of emily rose.

"Y-Yumi, you didnt tell us this is a horror film" nauutal na saad ni Ota. Hindi na din siya makapagsalita dahil sobrang natatakot na din siya. Hindi niya inakala na ganoon pala iyon na nakakatakot.

Nasa kalagitnaan na sila ng pelikula at kita kita na ang reaksiyon nila.

"Ahh!" "Shiit shit shit shit" " Fuck fuck" biglang sigaw ng mga lalaki sa katabi ni Yumi ng makarating sila sa nakakatakot na part. Si Eisuke ay nakaupo pa din na para bang walang nangyayari. Si Amina naman ay hindi na maipinta ang mukha. Si Yumi naman ay wala nang hinga dahil sa sobrang nakakatakot, si Ota naman ay nakataas na ang paa sa upuan, si Baba naman ay nakayakap sa tuhod niya na nakataas sa upuan, si Soryu naman ay nakayakap sa braso si Luke na ngayun ay hindi na makapagsalita.

KISSED BY THE BADDEST BIDDER (fanfic) SEASON 2 - THE UNEXPECTED TWIST OF FATEWhere stories live. Discover now