E P 1 8 : INTRUDER

163 4 1
                                    

 

                  Nagpagulong gulong lang si Yumi buong gabi, hindi kase siya makatulog dahil sa dami niyang iniisip. Isa na doon yung pinanood nila kanina, idagdag mo pa yung sagutan nila ni Eisuke. Hindi alam ni Yumi kung bakit sa tuwing nagkakausap silang dalawa ay nagaayaw sila. Naiinis siya sa mga pinagsasabi ni Eisuke pero sa kabilang banda ay hindi niya maiwasan ang mapangiti dahil kahit sa paraang iyon ay nakakausap niya si Eisuke. 

"Haiissstt"   biglang react ni Yumi habang napaupo bigla sa kama, nababaliw na ba siya, bakit siya nagiisip nang ganoon. Paano siya magiging masaya eh puro away lang naman sila.

"Ano bang problema mo!?"  sigaw ni Yumi sa sarili niya, pinapagalitan niya ang sarili dahil sa mga  naiisip niya.

                 Napasubsob na lang si Yumi sa mga palad niya.  Bakit ganoon na lang ng nararamdaman niya. Hindi dapat ganoon dapat galit siya hindi yung natutuwa siya. Nababaliw na ba siya. 

"Haiist!!"  napasuntok na lang si Yumi sa unan niya. 

          Blag!!

          Sa kalagitnaan ng panggigigil ni Yumi ay napatigil bigla siya dahil kalabog na narinig niya. Hindi niya alam kung bakit kinilabutan bigla siya. Lahat ng napanood nila kanina ay unti unting bumabalik sa utak niya.

"S-sino yan?"  nauutal na tanong niya.

"Sinong nandiyan?"   napatingin si Yumi sa may bintana niya. 

"K-kung sino ka man, hindi mo ako matatakot"   saad ni Yumi habang dahan dahang ibinaba ang paa niya sa sahig upang maihanda ang sarili sa paglabas ng kwarto. 

         Pero ang hindi niy inaasahan ay  nang paglapag niya ng paa niya ay may kumalabit ng kung ano sa paa niya sa may parteng sugat niya dahil para mapasigaw siya.

"Aaaahhhh!!!!"   malakas na sigaw ni Yumi at buong lakas na napatakbo papunta sa may pinto, pero dahil sa dumagdag yung sugat niya ay hindi nakayanan ng paa niya ang katawan niya dahilan para matumba siya. 

"Ahhh!!"  patuloy na pagsigaw ni Yumi habang tumutulo ang luha niya sa sobrang takot. 

        Biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya.

"Yumi!!!!!"

-----------------------------------------------------------------

               Hindi pa masyadong nakakalayo si  Eisuke ay napatigil bigla siya sa paglalakad nang marinig niya ang sigaw ni Yumi.

"Yumi!"   walang sinayang na kahit segundo si Eisuke at mabilis na tumakbo pabalik sa  kwarto ni Yumi. 

              Nakita agad ni Eisuke na bukas ang kwarto nito kaya mabilis na pumasok ito doon. At naabutan niya si Luke na yakap yakap si Yumi habang umiiyak.

"What happened?"  tanong agad ni Eisuke nang makapasok sa kwarto.

"Its nothing Eisuke, maybe Yumi just imagine things" nang sabihin iyon ni Luke ay napansin niya bigla ang sugat ni Yumi na dumugo. Napalapit siya doon.

"Are you okay?"  tanong ni Eisuke kay Yumi pero wala itong sagot sa kanya.

              Dahil sa inakto ni Yumi ay aalis na sana si Eisuke ng may mapansin siyang kakaiba sa kwarto ni Yumi.  Nagiba bigla ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung nagkamali ba siya ng rinig. 

"Luke, gather everyone and look after Yumi. Take her out of here"  biglang napaseryoso ang boses ni Eisuke na nahalata naman ni Luke. Tumango si Luke at binuhat si Yumi at inilabas ng kwarto. 

              Pagkalabas agad nila ay isinara ni Eisuke ang kwarto at nilock ito.  Habang nakaharap si Eisuke sa pintuan nagkasalubong ang kilay niya dahil sa nakita niyang anino nang isang lalaki na akmang pupukpukin siya ng kung anong bagay kaya napatingin agad siya dito at malakas na sinipa ang lalaking nakaitim at natatakpan ang mukha. Nang matumba ito ay hindi niya binigyan ng pagkakataon na makatayo at sinugod niya agad ito.

"Who are you? What do you want with her?"   tanong niya agad habang binubuhos ang lahat ng galit sa lalaki at patuloy na sinusuntok ito.  Nang hindi siya nito sagutin ay kinuwelyuhan niya iyo. Inalis niya ang takip sa mukha nito at punong puno ng dugo ang mukha niya.

"Answer me!!"  sigaw niya   "... who sent you here"  galit na galit na saad niya. Tumawa lang ito ng nakakaloko ng mas lalong ikinagalit niya.

      Binigyan niya ito ng isang napakalakas na suntok at nasundan pa.

"Do you have any idea how Yumi feels right now!!?  HOW DARE YOU DOING THAT TO HER!!!!....."  patuloy na saad ni Eisuke habang malakas na piangsusuntok ang lalaki. Wala siyang pakialam kung naghihingalo na ang lalaki. 

"How dare you! You dont deserve to live!"   galit na galit na saad ni Eisuke habag naaalala ang mukha ni Yumi na sobrang takot at ang sugat na mas lalong lumala dahil sa ginawa nito. 

"HOW DARE YOU!!!"     habang ginagawa iyon ni Eisuke ay bigla na lang siyang makaramdam ng isang malakas na pukpok sa ulo niya. Bigla siyang napatumba sa sahig habang nilalabanan ang pagpikit ng mata niya. 

           Nakita niya pa ang imahe ng dalawang lalaki, yung isa ay may hawak na kahoy at yung isa ay hawak hawak ang isa nilang kasamahan na sugatan dahil sa suntok niya na papalabas sa bintana ng kwarto ni Yumi.

"Y-you cant get..."   buong lakas na tumayo si Eisuke para pigilan  ang mga ito pero sadyang hindi kaya ng katawan niya.

     Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Yumi at iniluwa nito sina Ota at Soryu.

"Eisuke!"  sigaw bigla ni Soryu sabay takbo palapit kay Eisuke at si Ota naman ay hinabol ang tatlong lalaki na tumatakas pero hindi niya na ito naabutan. Tinawagan agad ni Ota ang mga security guards.

"There are  intruders in the house, dont let them  get away "   mariing utos ni Ota sa ga gwardiya. 

"Anong nangyari?"   tanong ni Yumi ng  biglang magkagulo sa bahay.

"You dont have to worry, its nothing" 

KISSED BY THE BADDEST BIDDER (fanfic) SEASON 2 - THE UNEXPECTED TWIST OF FATEWhere stories live. Discover now