E P 34: TEN OF TEN

146 2 0
                                    

            Alas kwatro na ng hapon ng makauwi si yumi sa bahay nila. Maghahanda pa siya para sa party na pupuntahan niya. As expected ay nakita na ni Yumi ang damit niya sa higaan niya na nakahanda na. Naligo na siya at kinulayan ng temporary hair color ang buhok niya na black. tiningnan niya ang sarili niya. Sa unang tingin ay hindi  niya mamukaan ang sarili niya, parang naging iba siya simula noong nalaman niya kung sino talaga siya.

        Isinuot niya ang itim na gown niya at hinayaang niya na ibagsak niya ang buhok niya sa likod niya. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin sa pinakahuling beses.

"I can do this" saad niya sa sarili niya. Napasinghap siya ng malalim bago tuluyang bumaba sa kwarto niya. 

    Napatigil si Yumi sa paglalakad ng makita niya si Eisuke na palabas ng bahay habang inaayos ang suit nito. Napatigil si Eisuke ng dumaan ito sa may hagdaan kung saan Napatigil si Yumi. Nanlaki ang mata ni Eisuke ng makita niya si Yumi na gulat na nakatayo sa itaas ng hagdanan. 

     Pareho silang nawalan ng boses ng makita nila ang isat isa.

"Uh.."  hindi alam ni Eisuke kung ano ang dapat niyang sabihin.

"Uh.." ganoon din si Yumi. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ng makita niya si Eisuke sa suot nito at ang reaksiyon nito ng makita siya. Pinamulahan siya ng mukha ng makita ang titig ni Eisuke sa kanya.

"Uhmm, may pupuntahan ka?" sa huli ay si Yumi pa din ang naunang makapagsalita.

"Uh- uhmm y-yeah, i was invited to a party"  nauutal na saad ni Eisuke habang nabaling ang tingin sa ibang direksyon pa maitago kung gaano namumula ang pisngi niya ngayun. 

"uh. t-thats great"  saad ni Yumi at bumabaa ng  hagdan, Napalunok siya ng malapit na siya sa may kinatatayuan ni Eisuke. Hindi niya alam kung bakit tumigil ang mundo niya dumaan siya sa kinatatayuan ni Eisuke. Parang may kung anong dumaloy sa laman niya ng maramdaman niya ang init ng katawan nito sa balat niya.

      Nagpatuloy si Yumi sa paglalakad upang maiwasan ang sarili na tuluyang matumba dahil sa nanlalambot niyang tuhod. 

"Y-Yumi"  napatigil si Yumi sa paglalakad ng tawagin ni Eisuke ang pangalan niya. Napatingin siya kay Eisuke na nahihiyang nakahawak sa batok niya.

"Yo-you look beautiful"  hindi alam ni Yumi kung ano ang nararamdaman niya. Para siyang nasa langit na lumulipad habang paulit ulit na umaalingawngaw ang mga salita na sinabi ni Eisuke sa kanya.

" Uh!"  hindi alam ni Yumi kung ano ba ang sasabihin niya dito.

"Id better go" biglang saad ni Eisuke at mabilis na lumabas ng bahay.

"E-Eisuke!"   tawag bigla ni Yumi kay Eisuke bago pa ito tuluyang makalabas ng pinto.

" Yes!" mabilis na tumingin si Eisuke kay Yumi na para bang hinihintay niya ang tawag nito.

"Saan ka pupunta?" nahihiyang tanong ni Yumi habang nakatingin sa ibang direksyon.

" To a party, the company just send me an invitation a while ago, so..."

"y-yeah.. Take care" saad ni Yumi na hindi pa din nakatingin kay Eisuke.

     Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Eisuke.

" You too" nakangiting saad nito bago tuluyang umalis ng bahay.

---------------------------------------------------------

       Lumabas na si Yumi ng bahay at sakto naman na dumating ang kotse ni Soryu.

"Lets go" saad ni Soryu ng lumabas ng kotse. Napakumot ang ulo ni Yumi.

" Sasama ka?" tanong niya ng makita ang suot nitong suit.

" I cant protect you if your far, so im coming with you" napalapit si Yumi kay Soryu.

"Are you insane, paano kung madakip tayo"

" Dont worry, i have an invitation,"  napatingin si Yumi sa hawak na invitation ni Soryu.

" So lets go" wala na rin  na nagawa si Yumi dahil makulit si Soryu kaya sa huli ay sumama na lang siya.

"I'll go in first, hindi dapat tayo makitang sabay"  saad ni Yumi ng makapark na sila sa parking lot.

"Sure"   naglakad na si Yumi papasok sa lugar kung saan magaganap ang event.

      naglalakad pa lang siya sa may entrance ng  venue ay sinaalubong na agad siya ng secretary ni Mr. Haruno.

"Good evening ma'am"  bati nito sa kanya. Nginitian niya ito.

"Mr. Haruno want me to escort you to the V.I.P langue, please follow me ma'am" tumango lang si Yumi at sumunod sa babae.  

"Everyone is inside, have fun"   saad ng babae bago umalis

"Thank you"  pasalamat ni Yumi bago umalis. Nakatayo siya habang nakaharap sa isang  malaking pintuan. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago tuluyang bumukas ang pinto.

      Humakbang si Yumi papasok sa venue. Napatigil lahat ng tao sa loob nang marinig nila ang tunog ng takong ni Yumi habang naglalakad na para bang nasa kanya ang spotlight.  Lahat ng mata ay nakapako sa kanya na para bang siya lang ang tao na dapat tingnan sa loob. 

      Nailapag ni Eisue ang hawak niyang wine glass ng makita ang babaeng tinitingnan ng halos lahat ng tao sa loob. Nanlaki ang mata  niya.

"Y-yumi?!" 


KISSED BY THE BADDEST BIDDER (fanfic) SEASON 2 - THE UNEXPECTED TWIST OF FATEWhere stories live. Discover now