Nanlaki ang mata ni Yumi sa tanong ni Eisuke, alam niyang inaasahan niya iyon pero hindi pa din niya mapigilan ang sarili na kiligin dahil sa sinabi nito.
"Uh---" napaiwas siya ng tingin. Alam niyang oo ang sagot niya pero hindi niya lang alam kung paano. Nakita niya napabuntong hininga na lang si Eisuke.
"Its okay i understand" saad nito na paranag nakuha niya ang sagot nito. Tumayo na ito.
"Come on lets go back" halata ang pagkakadismaya sa boses nito pero pinilit nitong ngumit.
Napatayo bigla si Yumi ng maisip na baka hindi ang sagot nito kaya nalungkot ito bigla. Nagulat siya sa naisip niya.
"Wait.." pagpipigil niya dito. Hindi na siya magpapatagal pa kailangan niyan sabihin ang totoo sa kanya.
"Lets-lets just go" malungkot pa din na saad ni Eisuke at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman si Yumi sa likod nito habang nagiisip kung paano niya sasabihin. Mali ang iniisip nito, at oo ang sagot niya pero hindi niya masabi sabi. Napatingin na lang siya kay Eisuke mula sa likod nito. Kahit anong gusto niyang isigaw na oo pero parang walang lumalabas na boses sa bibig niya.
Alas syete nang makarating sila sa resort at hanggang doon ay wala pa din silang imikan. Hanggang sa makasakay sila sa elevator ay tahimik pa rin sila. Hanggang ang tunog ng papaakyat na elevator ang sumira ng katahimikan nila. Nagsimula na ring magsalita si Yumi.
"Uhmm Eisuke.." panimula niya. Pero sinundan na agad iyon ni Eisuke.
"Its okay Yumi, i know its been so sudden, you dont have to answer me, i know" saad nito at ngumiti pero halatang pilit.
"H-hindi naman yun ang gusto kong sabihin..I -I -I just w...." hindi na naituloy ni Yumi ang sasabihin niya ng bumukas ang pinto ng elevator.
"Its okay..Yumi dont force yourself" pagkasabi niya noon ay lumabas na siya nang elevator at dumiretso sa kwarto nila habang si Yumi ay nakabusangot na sinusundan lang ito. Naiinis siya dahil hindi siya nito pinapatapos,
Pagkapasok nila sa loob ay pasigaw na pinigilan niya si Eisuke,
"Sandali!!" napatingin sa kanya si Eisuke.
"Pakinggan mo muna ako pls, lagi mo akong sinisingitan eh, sasagutin na nga kita eh" naiinis niyang saad habang nagkasalubong ang kila ni Eisuke.
"OO ng sagot ko Eisuke, i want to stay with you.."
.
.
. biglang natahimik si Eisuke sa sinabi ni Yumi. At ilang segundo pa ay bigla na lang siyang napatawa ng mapakla. Sa mga oras na iyon ay si Yumi naman ang nagtaka. May nakakatawa ba sa sinabi niya.
"I told you Yumi, i understand you dont have to lie.." doon lang nakuha ni Yumi kung bakit ito tumawa, dahil akala nito na nagsisinungaling lang siya o napipilitan lang na sabihin na gusto niyang makasama ito. Napakuyom si Yumi sa inis dahil hindi siya nito pinapaniwalaan.
"Its okay, you dont have to say yes just to make me not feel worse" mas lalong nagalit si Yumi at lumapit sa kanya sabay bigay nang isang malakas ng sampal para naman sakaling matauhan ito.
Sobrang nagulat si Eisuke sa ginawa nito, hindi niya alam kung bakit niya ito ginawa, napatingin siya kay Yumi para tanungin pero mas lalo siyang nagulat ng makita niya na umiiyak ito.
"Yumi?" tanong niya at akmang hahawakan ito pero napaatras lang si Yumi.
"Alam mo ba kung anong naramdaman ko nung nalaman kong magpapakasal ka... hindi ko nga alam kung bakit ako nakakaramdam noon eh, ang sakit Eisuke, ang sakit sakit dahil sa ideyang may mahal ka nang iba, halos gabi gabi akong umiiyak para lang makatulog dahil sa sobrang lungkot, but when i found out na hindi totoo na ikakasal ka, kahit naiinis ako kay Luke at iba pa din ang saya ng nararamdaman ko dahil hindi ka pa ikakasal" napatingin si Yumi kay Eisuke habang pinupunasan ang mata niya
"Bakit Eisuke? sa tingin mo ba hindi totoo ang sinabi ko" saad niya ng nakatingin sa kanya.
"...Mahal kita Eisuke at gusto kong makasama ka, pero kung sa tingin mong hindi ako nagsasabi ng totoo, siguro hindi nga dapat tayo magsama.. maybe this is the chance to clarify things, na pinagtagpo tayo pero hindi tayo itinadhana."
"Yumi I.." napailing si Yumi tumalikod at nagsimulang maglakad paalis, eto siguro ang katapusan nila, at kailangan na nilang tanggapin iyon. Kung closure naman talaga ang dahilan kaya siya pumunta doon siguro dapat ay totohanin niya na....
pero bago pa siya tuluyang makalabas ng kwarto ay hinugot na ni Eisuke ang braso niya at isinadal sa pader ang likod nito habang hawak hawak nito ang kamay niya na parang bang bumagal ang takbo ng oras nila.
Nanlaki na lang ang mata ni Yumi ng maramdaman niya ang labi ni Eisuke sa labi niya. Nabingi bigla siya ng bilis ng tibo ng puso niya, lalo na nang maramdaman niya na gumagalaw ang labi nito sa labi niya. Hindi niya na alam kung anong nangyayari sa kanya lalo na nang maramdaman niya ang mainit na kamay ni Eisuke sa bewang niya.
'Eisuke' saad niya sa isip niya at napapiki na lang at unti unti humahalik pabalik sa kanya. Akala niya ay titigil na ito pero mas lalong tumagal at dumiin ang halik nila sa isat isa. Masaya siya, sobrang saya niya. Pareho silang humahabol ng hininga ng humiwalay ang labi nila.
Nakadikit ang noo nito sa noo ni Yumi. Sabay bulong.
"Marry me Yumi," hindi iyon tanong at kailan man hindi iyon magiging tanong. Napangiti si Yumi.
"When" ang tanging sagot niya. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Eisuke.. Alam niya ang sagot nito. At iyon ang basehan niya para pakasalan ang babaeng hinintay kaya kahit isang taon pa ang lumipas.
YOU ARE READING
KISSED BY THE BADDEST BIDDER (fanfic) SEASON 2 - THE UNEXPECTED TWIST OF FATE
Random" Whats youre punishment" ngumisi si Eisuke "Be my girlfriend for real, and i'll make you feel of wanting not to leave me"