August 12, 2016
It’s been a week.
It’s been a week nang iwan ako ng babaeng mahal ko. Bakit ganun? Bakit ang unfair? Bakit ako pa ang natipuhan ng Diyos na bigyan ng tragic ending?
Just wow. Kung alam lang nya kung gaano ko na ka-miss si Ara. :(
“Pare, lunch oh,” Alok sa’kin ni Jeron.
Andito kami sa canteen ng school. Tama. Graduating na kaming lahat ng BS Psychology sa De La Salle University.
Matatalino din naman at mayayaman kasi kaming magbabarkada eh kaya dito naming napag-pasyahan na magcollege. Since high school, magkakasama na kami.
“Ayoko. Thanks.”-ako
“Tsk. Ayaw nanaman.” –Mika
Kasama ko pala dito ang buong barkada—ako, Jeron, Yeye, Kim, Avo, Mela at Cienne. Simula nung mailibing si Ara, lagi na kaming magkakasama lalo. Sabay-sabay kumain ng lunch.
Siguro nagtataka kayo, ‘no? 4th Year College palang ako eh magpapakasal na’ko? Isa lang naman ang dahilan eh,
MAHAL NA MAHAL KO SI ARA. :(
Pero wala na siya.
Minsan nga iniisip ko nalang na nagbabakasyon lang siya sa malayo—na babalik din siya. Nangako kasi kami sa isa’t isa na hindi kami maghihiwalay.
‘FOREVER’ kumbaga.
Ngayon napatunayan ko nang hindi totoo ang FOREVER. Isang paasang salita na marami namang naniwala.
Pero ganun siguro talaga. May mga bagay na hindi nakalaan para sayo—na kahit anong plano at paghahanda ang gawin mo, hindi talaga aayon sa’yo. Kasi nga hindi para sa’yo.
“Thomas naman. Sa tingin mo ba matutuwa si Ara diyan sa ginagawa mo? Halos isang Linggo na puro alak yang laman ng tiyan mo. Kumain ka naman kahit konti.” Pinagsabihan ako ni Cienne.
“Wala kang pakialam, pwede ba?! Bakit? May saysay pa bang mabuhay kung yung dahilan kung bakit ako nabubuhay eh wala na?! Mabuti nga ‘to para sumunod na’ko sa kanya eh! Pesteng buhay ‘to!” Hinampas ko ng malakas ang table. Halos pinagtitinginan na kami ng lahat.
"Pare," sinubukan naman akong pakalmahin ni Avo.
Nag-sink in naman sa’kin yung ginawa ko, “Sorry, Cienne, I didn't mean to..."
Bumuntong hininga siya, “It’s okay. Naiintindihan naman kita eh.”
Desperado na’ko. Kailangan ko nang mamatay para magkasama na kami ni Ara.
.
.
.
.
.
.
.
Umuwi ako ng bahay at naabutan ko lang ang tatay kong walang kwenta. Kung anu-ano ang iniimbento.
Inventor ang bansag niya sa sarili niya eh.
“Anak. Kuma—“
“Wala akong gana.” Putol ko sa sasabihin niya. Wala akong panahon makinig sa kanya.
Di kami magkasundo nyan. Ewan ko ba. Si Mama, oo pa. Pero si Papa? No way.
Well, that's another story.
Umakyat ako sa kwarto. As usual, nagmukmok at umiyak nanaman. Ang bading ko na. Daig ko pa si Jeron nito eh.
“A-ara... Baby.” Tumulo nanaman ang luha ko. Nakatitig lang ako dito sa picture namin ni Ara. Ang saya saya namin dito. Nakangiti sya, abot tenga.
Bakit ba kasi nangyayari ‘to? Kung pwede lang ibalik ang panahon, ibabalik ko. Makasama ko lang uli siya.
Buntong hininga :(
Bumaba ako para bumili ng isa pang bote ng alak ng makita ko ang ginagawa ng tatay ko. Mukhang sobrang busy eh.
“P-pa? Ano ‘yan?”
“Ah.. Time Machine ‘to, anak. Triny ko lang gumawa. Sana nga gumana eh.”
Ayun. Yun na ang pinaka-matino naming pag-uusap.
Naglakad na ‘ko palabas nang mag-sink-in sa’kin ang sinabi ng Tatay.
Time machine.
TIME MACHINE!
Maibabalik nun ang oras at panahon diba? May chansa na maibabalik ko na si Ara?!
Bumalik ako sa kwarto at tinawagan ko si Jeron. Kailangan ko ng kasama dito sa plano ko. Please, maki-ayon sana ang panahon.
“Oh, pare, nahimasmasan ka na ba?” Sabi niya.
“Pare puntahan mo ’ko dito sa bahay. Urgent. Please.” Binaba ko na ang cellphone.
Ngumiti ako.
Mukhang may solusyon na ang problema ko.
BINABASA MO ANG
Second Chances? (ThomAra)
RomanceSinong maysabing hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan? (A fanfiction of Ara Galang & Thomas Torres with JeMik, CieVan and FaTunay)