Thomas’ POV
"Thomas..."
T-teka, sino yun?
"Thomas!"
"Sino ka?!"
Sigaw ko pabalik dun sa boses na naririnig ko. Lalaki. Alam kong lalaki yun pero nasaan siya? Bakit di ko makita?
"Lumingon ka sa likod mo,"
Ginawa ko ang sinabi nung boses. Nagulat ako sa nakita ko.
"Lord?!"
Ano ba 'to? Patay na rin ba ako? Bakit nakikita ko si Lord? Joke ba 'to?!
"Hindi ka pa patay, Thomas." Sabi Niya, nabasa Niya siguro yung nasa isip ko. "Nasa panaginip mo ikaw... at ako."
"Panaginip?" Naguguluhan kong tanong.
"Tulog ka pa. Nananaginip ka." Paliwanag naman Niya.
Hindi ako nakapagsalita. Masyado akong nahihiwagaan kung panaginip man 'to. Infairness, medyo creepy.
"Thomas anak... Si Ara, kilala mo ba siya?" Tanong Niya sa akin.
Sumakit ang puso ko sa pangalan palang ni Ara. Sobrang namimiss ko na kasi siya. Kahit pa nakabalik ako sa nakaraan at nakakasama ko siya, iba parin yung andun kami sa kasalukuyan at nayayakap ko siya. "Opo, kilalang-kilala ko po siya." Sagot ko.
"Mahal mo ba si Ara, Thomas?"
"Mahal na mahal ko po siya." Nagsimula na akong maiyak. Ang sensitive ko, sobra, pagtungkol kay Ara ang usapan.
"Wala na siya diba?" Tanong Niya ulit. "Patay na siya."
"O-opo..."
"Kinuha ko na siya, Thomas anak." Lumapit sa akin si Lord at inalalayan ako papunta sa isang upuan. "Kinuha ko na siya kasi yun ang nakatakda. Sa araw ng kasal niyo, dun talaga ang nakatakdang araw ng pagkamatay niya. Yun ang nakatakdang araw para bumalik siya sa akin."
Lalo pa akong naiyak, naguguluhan kasi ako. Andami kong gustong itanong pero ito lang ang lumabas sa bibig ko. "B-bakit po? Bakit..."
"Thomas anak, may mga bagay na dapat mo nang bitawan kasi yun ang nararapat." Sabi Niya. "Tulad ni Ara. Si Ara, alam ko, saksi ako kung gaano niyo kamahal ang isa't isa.
Pero ang nakatakda ay nakatakda. Lahat tayo may hangganan, lahat ng bagay may hangganan. Yung kay Ara, napa-aga nga lang."
Medyo nahimasmasan na ako, "Sabi Niyo po nakatakda si Ara na mawala... Pero bakit hinayaan Niyo akong bumalik sa nakaraan para maibalik ang oras at makasama ko siya?"
Humawak naman Siya sa balikat ko. "Hindi kita pinayagan. Nagpumilit ka, anak. Nagdesisyon ka mag-isa. Hindi mo ako kinausap patungkol doon. Kaya tignan mo, nasasaktan ka ngayon."
Napatungo ako. Oo nga. Naging selfish ako, nagdesisyon ako mag-isa. Kaya ngayon sobrang nahihirapan ako. Sobra.
BINABASA MO ANG
Second Chances? (ThomAra)
RomansaSinong maysabing hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan? (A fanfiction of Ara Galang & Thomas Torres with JeMik, CieVan and FaTunay)