[a/n: Medyo JeMik po ang chap na to. Tulad po ng nakalagay sa description, hindi lang po ThomAra itong story. Sana maintindihan nyo. :))]
Thomas' POV
Andito kami ngayon sa tambayan namin sa likod ng school.
“Eh basta baka color blue nalang din katulad nung kay Yeye.”
Di sure na sagot ni Ara.
“Gaya gaya, Ars.” Tumawa lang yung dalawa.
“Buti nalang lalaki kami,” Pagmamayabang ni Jeron. “Hindi mahirap pumili ng damit. Haha!”
Nag-smirk si Mika, “Oy. Sigurado kang lalaki ka?”
“Mika naman eh,” Jeron pouted.
Tumawa kami. Ang cute lang nila. :”>
Okay.
Ano ba kasi yung pinag-uusapan na ‘yan?
<<FLASHBACK
“We’ll be having our annual Acquaintance Party for the freshmen students here.” Announcement ni Ms. Leonardo.
Nagsaya naman ang lahat. Lalo na ang mga babae. Pa’no, gusto daw nila maka-sayaw ang mga crushes nila.
Mga babae talaga -____-
Narinig ko na kinausap ni Avo si Cienne, “Wow, Cienne! Ako partner mo, huh?”
Nakita ko naming namula si Cienne, “O-oo n-naman! Ha-ha!”
“Wear cocktail dresses or even gowns! It’s up to you.” Sabi ni Ms.
“Of course, that’s for girls only. For the boys, tuxedo.” Pahabol pa niya.
“So, you’ll be choosing your own partners. Anyway, goodbye, class. See you tomorrow.”
“Goodbye, Ms. Leonardo.”
END OF FLASHBACK>>
So, ayan. Kaya ayan ang topic namin ngayon dito sa tambayan.
Naalala ko.
Etong Acquaintance Party na’to ang pinaka-nakakainis na event noon sa school namin. Paano ba naman kasi, halos buong gabi non ay sila Ara at Ken lang ang magka-sayaw.
I smirked.
I have my plan.
“Ara, partners tayo!” Sabi ko with matching smile.
“Uh, sige…” Ngumiti din si Ara. Pero may bakas ng pag-aalangan sa mukha niya. Siguro, naisip niya din si Ken. Na si Ken ang inaasahan niyang partner para sa Acquaintance.
Oh, diba?
Pero kaya lang naman hindi ako ang partner nya noon eh kasi naunahan ako ni Ken na kausapin siya.
“Ano ba ‘yan, Thom! Kay Ken na ‘yan eh. Wag ka nga.” Inasar naman ako ni Jeron.
Peste talaga ‘tong si Jeron Teng eh. Bespren ko ba talaga ‘to?! -_-
“Jeron, pakialamero ka talaga. Ay, correction—PAKIALAMERA.” Sabi ni Ye, emphasizing the word PAKIALAMERA. “Mga babae lang ang mahilig mangialam, tamo, sabi na bading ka talaga eh.”
“Tss. Sige na nga! Thomas at Ara na!” Nakasimangot na sabi ni Jeron.
SALAMAT, MIKA! You’re the best! ^___^
“Mela, partner kita, o-okay lang?” Kim stammered.
“S-sure!”
“Ayieeee!” Tukso namin sa kanila. Namula naman pareho. Ayaw naman kasing umamin pa na may something sa kanila eh halata naman na meron. Haha.
BINABASA MO ANG
Second Chances? (ThomAra)
RomanceSinong maysabing hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan? (A fanfiction of Ara Galang & Thomas Torres with JeMik, CieVan and FaTunay)