Chapter 18 - [Field Trip Confession 2]

1.1K 50 13
                                    

 Ken’s POV

Marami sa inyo siguro galit sa akin. Erase. Hindi marami, lahat pala kayo. Kasi feeling niyo kontrabida ako sa storyang ‘to nila Ara at Thomas.

Oo, alam kong may gusto si Thomas sa girlfriend ko. Sino bang manhid ang hindi makaka-pansin?

Sa lahat ng babaeng nakilala ko, si Ara lang ang nakapag-patibok ng puso ko. Hindi man siya ang first girlfriend ko, maituturing ko siyang First Love ko.

*flashback nung birthday ni Kim*

“Tange ka talaga, Jeron! Anong klaseng word yang tira mo? Kelan pa may tumira ng word na ‘didn’t’ sa scrabble?” Umirap si Mika pagkasabi niya nun kay Jeron. Naglalaro kami ng Scrabble habang nagfo-41 sila Mela.

“Wala na akong tira eh,” Ngumuso naman si Jeron. Haha. Natatawa din ako sa dalawang ‘to eh. Bagay sila, sa totoo lang.

Hindi nga lang nila ma-realize.

“Pass ka na kasi!” Hinampas niya ng mahina sa balikat si Jeron sabay ayos ng upo niya. “Ken, ikaw na nga, walang kwenta ‘to si Jeron eh.”

“Aray naman, Mylabs!”

“Manahimik ka nga!”

Umiling nalang ako habang natatawa tsaka itinira ang word na ‘Voting’ na tumama sa triple word score. Ayos, Malaki-laking score ‘to.

“Taray, 31 points!” Si Mika kasi taga-score. Ayaw niya si Jeron baka raw madoktor. Haha.

Tumingin ako sa orasan. 10:28 na pala. Teka, si Ara?

“Ye, puntahan ko lang si Ara, uwi na kami. Gabi na rin eh.” Paalam ko. “Enjoy kayo dyang dalawa. Hahaha.”

“Ugh, Ken naman!”

Tumawa ako tsaka nagpaalam kela Kim.  Lumabas na ako ng kwarto ni Kim at nagsimulang hanapin si Ara. Ang laki ng bahay na ‘to, mahirap hanapin ang hinahanap.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makarinig ako ng nagtatawanan sa may bandang likod ng bahay. Na-curious ako kaya nagpunta ako.

Doon, nakita ko si Ara na tuwang-tuwa habang kausap si Thomas. Hindi ko pa nakitang naging ganyan kasaya si Ara tuwing magkasama kami, ngayon lang.

Napatungo naman ako. Ang sakit nitong nakikita ko. Yung mahal ko, sa iba masaya. Yung mahal ko hindi ko mapasaya.

“H-huy, baliw!” Sabi ni Ara habang hinahampas ng mahina sa braso si Thomas.

“Hahaha. Joke lang, Ara. Hahahaha.” Tawang tawa naman si Thomas sa sinabi niya.

Naiinggit ako sa kanya. Napapasaya niya ng ganyan si Ara, alam kong hindi ko kasi magawa yun.

Nakita ko yung papel na inipit ni Ara sa kamay ni Thomas nung nag-shake-hands sila. Alam ko yun, pamilyar. Yun yung pahina sa notebook ni Ara na hiniram ko nung isang araw para sa notes. Alam ko ring masakit para sa akin ang nakasulat dun.

Second Chances? (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon