(Ara’s POV)
“Ehh!” Naiinis na ginulo ko ang buhok ko. Kasi naman! 2 AM na at hindi parin ako nakaka-tulog. Huhu. Bakit ba kasi binigay ko yung letter na yun?
Actually, matagal ko na tinatago yun sa bulsa ng palda ko. Naghihintay lang ako ng right time para ibigay yun sa kanya. Bakit? Ewan. Basta nagising nalang ako isang araw na ayoko na kay Ken—hindi sya ang mahal ko kundi si Thomas.
Si Thomas. Si Thomas na nagsasabing galing sa future at nagpakilalang fiancé ko.
“Oo na, Victonara, makaka-tulog ka kasi nyan. May field trip pa mamaya.” Bulong ko sa sarili ko. Nababaliw nanaman ako, kausapin ba naman ang sarili.
Teka, field trip? Edi magkikita kami ni Thomas mamaya?! WAAH. Edi mas lalo na akong hindi makatulog kasi ngayon lang nag-sink-in sakin yun! Huhu.
Ugh! Bahala na nga!!
.
.
.
.
.
.
.
*riiing! Riing!*
Dinilat ko yung mata ko. 5:45 ako nag-alarm kasi 7 daw dapat nasa school na for assembly. Takte. Hindi rin ako nakatulog ng ayos. Inaantok pa ako.
“Ma, good morning.” Bati ko kay Mommy pagbaba ko. Balak ko muna kumain bago maligo.
Natawa naman siya. Problema nito?
“Ara, hindi ka nakatulog no? Excited ka ba, anak? Hahaha.”
“Huh, bakit po?”
“Tumingin ka sa salamin.” Sabi nya at agad naman akong nagpunta don.
Huhuhu. Ampanget ko! Spell eyebags diba?
“Tsk,” lumabas na ako sa CR. “Ma naman.”
“Wag ka mag-alala, anak. I understand you.” Kinuha naman ni Mommy yung pagkain ko at hinain na, “Oh, kain na.”
Haynako, Ma! Buti sana kung excitement talaga ang dahilan nito eh! Kung alam mo lang!
.
.
.
.
.
.
FF, School.
“Ara!!” Bati naman sakin ni Jeron. Andito na silang lahat maliban kay.. err.. Thomas.
“Hello, guys. Aga nyo ah.” Sabi ko at umupo na sa upuan ko.
“Nako, eto kasing si Jeron, ang aga-aga nambubulabog! Excited masyado eh,” Sabi naman ni Kim na ikinatawa naman naming lahat.
“Syempre!” Tumayo pa si Jeron. “Para makasama ko agad si Mika mylabs!”
“Ew,” Umirap naman si Mika. “Makasama your face.”
“Pag kayo talaga nagka-developan dyan! Haha!” Tinukso naman sila ni Cienne.
Naputol ang kasiyahan namin nang dumating si Thomas.
BINABASA MO ANG
Second Chances? (ThomAra)
RomanceSinong maysabing hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan? (A fanfiction of Ara Galang & Thomas Torres with JeMik, CieVan and FaTunay)