Thomas' POV
After 20 mins ay dumating na si Jeron.
“Oh, pare, problema?”
“Pare.. alam ko na. Alam ko na kung pa’no maibabalik si Ara.” Excited kong sabi.
As expected, tatawa siya.
Tss. -__-
“Pare! Ano ka ba? Nababaliw ka na ba?! Ano ka Diyos?”
“Jeron. Seryoso ako. M-may time machine na inimbento si tatay. Maibabalik ako nun sa panahon. Ibabalik ko ang ang araw sa araw ng kasal namin at sisiguraduhin kong ako ang maghahatid sa kanya sa simbahan. Para siguradong hindi na siya mapapahamak.” Sabi ko.
“Thomas,”
“Pare, sigurado ako. Pwede mo ba akong samahan?”
“P-pare.. Baka tayo naman ang mapahamak niyan.” Sabi nya sabay tawa ng mahina.
Tawang peke.
Bumuntong hininga ako, “Hindi, pare. May tiwala ako sa imbensyon ni tatay. Sige na, please? Ano?”
"Kelan ka pa nagkatiwala sa tatay mo, ha?" balik-tanong naman nya sakin.
Nagbuntong-hininga ako, "Je. Ewan ko. Para kay Ara. P-para maibalik sa'kin si Ara. Mahal na mahal ko sya, pre. Alam mo kung gaano ko k-kamahal si Ara."
I broke down. Hindi ko na kaya. Miss na miss ko na po si Ara. H-hindi ko nga alam kung paano ako naka-survive ng buong isang linggo. :'(
Kinalma naman ako ni Jeron. "Sige, Thom. Gawin natin 'to para kay Ara."
.
.
.
.
.
Kinagabihan.
Tinyempuhan ko munang tulog na si Papa.
Nagpunta na ako sa garahe ng bahay habang hinihintay si Je. Baka nga indyanin na ’ko nun eh. Alas nwebe (9:00) kasi ang usapan. Alas dyes (10:00) na!
Pinagmasdan ko ang time machine. Ayos ah. Color green. Favorite ng tropa.
Sandali nalang, Baby. Maibabalik na kita sa ’kin.
10:15 na nang dumating si Jeron.
“Akala ko, pare, iindiyanin mo na ‘ko eh.” Ngumiti ako.
“Ikaw ba naman eh indiyanin ko? Bespren kita hoy!”
Nag-apir lang kami at pumasok na sa loob ng time machine.
“Wow, iba talaga si tito.” Manghang sabi ni Jeron.
OKAY.
Namamangyan kami sa mga buttons dito. Alin ba dito yun?
“Pare, yun ata.”
May pinindot si Jeron na isang malaking violet na button. Nagulat nalang kami ng may nagsalitang boses.
“Welcome to Haumea1027. Please tell me the exact time that you want to go to.”
“Ayan, pare! Ang galing ko talaga! Bwahaha!” -Je
Nagsalita ako, “8 days. 8 days ago, please.”
8 days ago—exact na panahon ng kasal namin. Aayusin ko ang lahat. Sisiguraduhin kong mula umaga hanggang matapos ang araw ay kasama ko siya. Ako na din magdadrive nung bridal car nya.
It maybe odd but it's the only way to save my girl. To save her from death.
Maya maya lang, tumunog ang time machine ng para bang nasisira.
Hala? Nagsalita lang ako, nasira na?
-_-
“8 years. 8 years ago, are you ready to go back 8 years ago?” Sabi nung machine.
SHT!! Sabi ko 8 days lang!
“8 days! Sabi ko, 8 days!”
“Error. 8 years, accepted. Please wait.”
Nakita ko namang nababahala na rin si Jeron. Halos masira na nga ang machine kakapukpok namin, umaasang maaayos.
Lumabas ang malaking error sa screen ng time machine. Tapos pati ang salitang 8 years, lumalabas din.
Hindi pwede! Babalik kami sa 1st year high school? Eh hindi pa kami magkakilala ni Ara nun!!
Maya maya pa.
BLANK
---Comments & votes are appreciated po. Di po ako nangangagat. Hihi
BINABASA MO ANG
Second Chances? (ThomAra)
RomanceSinong maysabing hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan? (A fanfiction of Ara Galang & Thomas Torres with JeMik, CieVan and FaTunay)