Chapter 6-[Living Again]

2.1K 43 16
                                    

Thomas' POV

Umuwi ako. Naalala ko ‘to. Eto ang ayos ng bahay namin dati. At ang masaya pa, buhay pa ang aso ko dito—si Clloydie.

“Clloydie!” Sigaw ko. Niyakap ko siya. Sobrang namiss ko kaya ‘tong asong ‘to!

“Arf arf!” Sagot nya sakin, nakalabas pa ang dila. Haha.

“Oh, Thomas, andyan ka na pala. Pakidala nga ito, anak, sa Tita Susan mo.” Si mama.  Ang bata pa niya dito ah. :D

“Okay, Ma.”

Si Tita Susan pala yung mama ni Jeron. Speaking of Jeron, ayun, umuwi din sa kanila. Bukas daw eh mag-aaral na kami sa school. Hay. 1st year High School nga pala kami ulit. At least, kaklase ko si Ara dito.

“Tita Susan! Tao po!” Tawag ko sa mama ni Je.

“Ay, Thom, hijo… Ayan na ba yung pinapabigay ni Juliet?”

“Yes po.”

Binigay ko sa kanya yung tinahi ni mama na kurtina. Mananahi kasi ang mama ko.

“Eto bayad, pakisabi sa mama mo, salamat ha.” Ngumiti si tita.

“Makakarating po.”

Umalis na ako.

Dumaan muna ako sa madalas naming tambayan noon ni Ara. Sa harap ng school. Sa tindahan ng kwek-kwek. Naalala ko, madalas ko siyang ilibre dito lalo na nung nanliligaw palang ako sa kanya.

2nd year high school naging kami ni Ara. Ibabalik ko lahat uli sa dati. Liligawan ko ulit siya. Kailangan, siya talaga ang makatuluyan ko, gaya ng kapalaran namin sa future.

Ang bading na ba kung sasabihin kong naiiyak nanaman ako?

“Aray!”

Nilingon ko yung nagsalita. Salamat sa kanya kung hindi, umiiyak nanaman ako.

Teka si Avo ‘to ah! Aba, pogi parin ang pare ko!

Pero syempre mas pogi ako.

HEHEHE.

“Avo, pare!!” Lumapit ako sa kanya.

“Huh? Who are you?”

Ay. Oo nga pala. ‘Di pa kami magkakilala dito. At inglesero nga pala ‘to noon. Rich-kid eh.

“Oh. Sorry, pare. Hello. Ako nga pala si Thomas. Pwede bang makipag-kaibigan?” Inextend ko ang hands ko for a handshake na agad naman niyang tinanggap.

“Avo. Arnold Van Opstal.”

The next day

August 13, 2008

“Thom! Bangon!” Sabi ng mama.

Ayos. First day nga pala ngayon. Makikita ko si Ara.

Naglakad na ko papuntang school pagkatapos kong maligo at kumain.

Balik nanaman sa dati. Hay. Imbes na graduating na’ko.

Pero para kay Ara naman lahat ‘to. :(

“Pare!!”

Nilingon ko si Jeron.

Oo. Alam kong siya yun. Aba, simula elementary kaya, bespren ko ‘yan. Yung iba sa tropa, nitong high school ko nalang nakilala. Magkaka-klase kasi kami.

“Balik nanaman tayo sa high school, pre.” Sabi nya sabay tawa, “Tignan mo naman ang ginawa ko para sayo. Mahal kasi kita, pare.”

Second Chances? (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon