Chapter 20 - [Future Perfect?]

1.1K 49 27
                                    

Thomas' POV

"HA?!" Gulat na gulat na reaksyon ni Jeron nang marinig niya yung sinabi ko. Aray ko, Je. Medyo malakas boses natin.

"Oo,"

"You mean, babalik tayo sa future?!" Tanong niya.

"Oo,"

"Pano natin gagawin 'yon? Eh nung one time na nagpunta ako sa kinalalagyan ng time machine na yun, wala na siya dun!"

Tama ang nabasa niyo. Yes, babalik kami sa future--kung saan naman kami nabibilang talaga. Kaninang umaga kasi, or kagabi, ewan, napanaginipan ko ulit si Lord. Madalas na siyang nagpapakita sa panaginip ko eh. Buti nga sa panaginip lang.

Sabi Niya, bumalik daw kami sa nakaraan at may mahalaga raw kaming matutuklasan. Hindi Niya sinabi kung ano. Nung una, hindi ako pumayag. Kasi babalik nanaman sa akin ang sakit ng pagkawala ni Ara. Ang sakit ng realidad na wala na siya sa'kin. Pero sabi ni Lord, hindi raw statement yung sinabi niya. Utos daw yun kaya kailangan naming sumunod.

May magagawa ka pa ba pag Diyos na ang nagsabi?

"Ako na bahala," Hindi ko na binanggit kay Jeron na nakaka-usap ako ni Lord sa panaginip. Baka mahimatay 'to ng wala sa oras dito. Andito pa naman kami sa coffee shop kung saan ko unang nakita si Ara pagkabalik na pagkabalik ko rito sa past.

"Sa wakas mayayakap ko na ulit si Mika!" Masaya niyang sabi. "Miss na miss ko na si Mylabs!"

"Sulitin mo na, babalik din tayo dito pagkatapos kong gawin yung gagawin ko." Sabi ko, medyo naputol ko yata yung kasiyahan niya kasi sumimangot ang mukha niya.

Sorry, Je.

"Babalik pa tayo dito?" Dismayado niyang sabi. "Akala ko ba pupunta tayo dun?"

"Oo nga. Wala naman akong sinabi na mag-sstay tayo dun." 

Nagbuntong-hininga siya. "Hay nako, Pare. Pasalamat ka at boto talaga ako sa inyo ni Ars."

Bigla naman akong nalungkot. Naalala ko kasi yung sinabi ni Lord na kahit anong gawin ko ay mamamatay parin si Ara. Sinaktan ko lang daw ulit ang sarili ko, or should I say, sasaktan.

Nga pala, may purpose kung bakit andito kami ni Jeron sa coffee shop. Sabi kasi ni Lord sa panaginip ko, sa CR daw ng coffee shop na 'to, andun ang way para makabalik kami sa future. Hay nako. Nagugulantang nalang ako sa mga nalalaman ko eh. Wala rin naman akong magagawa. Mahal ko si Ara. 

Tumingin ako sa orasan dito. 11:56 na. 12 daw kami magpunta don. 

"Tara, pare. CR tayo." Yaya ko kay Jeron.

"Ha? Di ako naiihi." Sabi niya sabay higop sa kape niya. "Ikaw nalang."

Wala naman akong magagawa kundi hilahin siya. "Halika na!"

"Uy!"

Hinila ko siya papasok sa CR. Ano ba yan, medyo gumawa pa kami ng eksena dito.

Pagkapasok namin, sakto namang may liwanag na sobrang liwanag. Unusual, kaya siguro yun na ang sinasabi ni Lord na way.

Second Chances? (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon