Naglakad ako palabas ng Mini Stop EGI. I can’t process everything na narinig ko. Parang kahit ganun lang ang sinabi ni Mika, eh information overload na sa utak ko.
Hindi naman na ako sinundan ni Jeron o ng kahit na sino sa Octagon. Alam na agad nila yun—I need some time to think. Kaya hinayaan nila akong mag-isa umalis.
I walked and walked. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Na-miss ko rin ‘tong future. Etong future na maituturing kong realidad. Kasi andito ang totoo sa buhay ko. Ang realidad ng buhay ko… ang realidad na wala na si Ara—ang babaeng pinaka-mamahal ko.
Naglakad pa ako, sige lang. Naguguluhan talaga ako. Paano kaya magagawa ni Ken ‘yon? Akala ko ay umalis na siya para magparaya? Akala ko hinayaan na niya kami ni Ara na sumaya? Pero yung mga yun ay akala nga lang talaga. At maraming namamatay sa maling akala.
Sumakit ang puso ko pagtingin ko sa gilid—ang lugar kung saan ako dinala ng mga paa ko.
Ang sementeryo.
Nagbuntong-hininga ako at nag-decide na pumasok sa loob.
Mabigat sa loob kong nilakad papunta sa puntod ni Ara. Ilang steps pa at narating ko na yung puntod niya.
Ngumiti ako. Ngiting hindi umabot sa mga mata ko.
“Ara,” I flashed a bitter smile. Oo, bitter. Bitter ako kasi ang daya ni Ara. Ang daya niyang iniwan niya ako agad. Bitter ako kasi pinatunayan niya lang na hindi totoo ang ‘forever’.
Madaya. Ang daya daya niya.
“Kumusta ka na, baby?” Tanong ko sa kanya. Kahit konti, oo, tanga man sa pandinig, pero umaasa akong sasagot siya. Umaasa ako na ngingiti siya at sasabihin niyang joke lang ang lahat. Na trip lang nila akong pagtripan ng tropa.
“Sorry wala akong dalang flowers.” Lumapit ako sa picture niya at hinawakan ‘yun. “S-sorry.”
Yumuko ako. Ang sakit kasi ng pakiramdam ko. Feeling ko nga gusto ko nang sumunod kay Ara.
“Ano ba ‘yan, Ara. Akala ko tanggap ko na ang lahat. Akala ko okay n-na ako,” Nagpunas ako ng pumatak na luha sa mata ko. “Hindi parin pala.”
Totoo nga, mahirap mag-move-on. Mahirap tanggapin na wala na ang taong mahal mo. “Ara, tulungan mo naman ako oh. Tulungan mo akong…”
Humangin ng malakas.
“Matanggap na wala ka na.”
Lalong lumakas ang hangin sa paligid. Mainit ang panahon pero malakas ang hangin.
Niyakap ko ‘yung picture niya na naka-frame. “Tulungan mo ako kasi… kasi hindi ko na yata kaya.”
Umiyak ako. Hinayaan ko ang sarili kong tumulo ang mga luha galling sa mga mata ko. Mahina man ako sa paningin ng iba, wala akong pakialam. Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang maging mahina naman ako.
BINABASA MO ANG
Second Chances? (ThomAra)
RomanceSinong maysabing hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan? (A fanfiction of Ara Galang & Thomas Torres with JeMik, CieVan and FaTunay)