Chapter 1-[Present]

3K 46 1
                                    

August 3, 2016

Thomas' POV

“Wooh, pare! Shabu pa! Isa pa, dali dali!” Sigaw ng tropa kong si Kim.

“Ayoko na. Kailangan ko nang umuwi. Kasal ko pa bukas, ano ba naman kayo.” Sabi ko sabay baba ng shot glass na hawak ko kanina pa.

“KJ! Ito na nga lang ang huling araw na binata ka eh! Dali na oh,” Satsat naman ng isa ko pang tropa na si Avo habang naglalagay nanaman ng alak sa shot glass ko.

Tsk. Mga lasenggo.

Pero sige na nga. Last na naman daw eh. :D

“Osige! Pero last na ha!” Sabi ko.

“Woooh!!” Sigaw nilang lahat.

Hi. Ako nga pala si Thomas Christopher Torres. Thomas nalang ang itawag niyo sa ‘kin kasi yun nickname ko eh. Ehehehe.

Andito kami ng mga tropa ko sa bar. Paano, last day ko na daw ng pagiging binata, kasi bukas, nakatali na’ko. Ikakasal na kasi ako sa babaeng pinaka-mamahal ko—si Ara.

Anyway, makikilala niyo siya mamaya.

At tulad ng inaasahan, ako nanaman ang naghatid sa mga ugok na’to.

Lasing lahat? Nice!

“Sige, Mela. Paki-alalayan nalang sa loob si Kim ha. Mauna na ‘ko.” Paalam ko kay Mela—ang girlfriend ni Kim.

“Sige. Salamat talaga, Thomas, ha. Nakakahiya naman sa’yo. Laging ikaw naghahatid dito sa lalaking to. Pasensya na. Oh pa’no, see you nalang bukas sa kasal ha!”

“Ano ka ba, parang others naman kayo sa’kin” Sabi ko sabay tawa ng mahina, “Sige. See you.”

"Ingat ha!"

Narinig ko pang sigaw ni Mela bago ako makapasok ng elevator pababa sa parking lot.

.

.

.

.

.

.

.

Nang makarating ako sa kotse, humikab ako. Inaantok na ko pero may isa pa akong ihahatid. Si Avo—eto kasi ang pinaka-lasenggo eh. Tsk.

“Hoy, pare. Andito na tayo sa bahay mo.” Niyugyog ko siya tapos bigla naman siyang tumawa. Yung tawang kinikilig, alam nyo ‘yon?

“Ahihihi. Oo na nga sabi, Cienne. Ahihi—“

JUSME. ANLAKI-LAKING TAO NITO EH. -_-

Tinigil ko ang pagpapanta—este, ang pananaginip ni Avo, nang buhatin ko siya papasok sa Condo niya.

Tinawagan ko si Cienne—ang fiancé nya. “Cienne, oo andito ako sa condo ni Avo. Puntahan mo nalang ah. Lasing. Inaantok na’ko eh. Osige.. Babay.”

Iniwan ko nalang na nakasalampak dun si Avo. Bahala sya diyan. Malaki na sya. Kaya na nya yan.  -___-

.

.

.

.

.

.

.

Pagkauwi ko sa bahay. Ang una ko agad hinanap ay ang babaeng mapapangasawa ko bukas. Siya nga pala si Ara. Victonara Galang—ang babaeng mahal ko, ang pinaka-magandang babae sa mundo. Ang babaeng pinagmamalaki kong pagmamay-ari ko.

“Ano ba ‘yan. Naglasing ka nanaman, Baby?” Tanong niya sabay kiss sa’kin.

“Sorry po. Nayaya ng barkada eh." Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya.

Oo. Alam naming bawal ‘to. Ikakasal na kami bukas pero magkasama kami the night before?

Sabi nga sa kasabihan, masama daw ‘yon. Malas, ika nga ng mga matatanda. Pero, basta alam namin sa isa’t isa na nagmamahalan kami, wapakels nalang sa mga kasabihan na ’yan.

Diba?

“Tulog na tayo. Pagod ka na,” Akay sa’kin ni Ara.

Kaya mahal ko yan eh. Imbis na bungangaan ako, inintindi pa 'ko. :">

I kissed her, “Sige. I love you, tandaan mo ‘yan ha.”

“I love you too, Thomas Christopher Torres."

Second Chances? (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon