Chapter 16- [Ano Nang Mangyayari?]

1.2K 49 20
                                    

Thomas’ POV

“Just don’t forget the things to bring bukas ha? At please, wag magdala ng maleta. Field Trip yun hindi camp o bakasyon.” Paalala ulit ni Ms. Villagomez sa lahat.

“Nakaka-excite,” bulong naman ni Jeron dito sa tabi ko. “Tabi tayo, pre.”

“Ayoko nga.”

“Pare naman, Ayaw akong katabi ni Mika eh. Inunahan na ako ng bulong dito pagkasabi palang ni Ms. Villagomez na may field trip. Huhu.”

Natawa naman ako. #BadluckJeron Haha!

“Okay, class, you’re dismissed.” Nagliwanag naman ang mukha ng lahat nang marinig namin yun galing kay Ms. Villagomez.

Octaaaa!” Tawag samin ni Kim. “Ano, mamaya ha?”

“Sure,” sabi ko naman. “Kailangan ba ng regalo?”

Natawa naman si Kim, “Presence nyo lang okay na.”

It’s been 2 months since naospital ako. At eto, niyayaya kami ni Kim sa birthday nya mamaya. Regalo? Wag na raw eh. Hahaha. Dejoke. Ewan ko dun sa kumpare kong yun. Sa inilang taon naming magkaibigan, wala syang specific na gusto. Well, maliban kay Mela. :P

[Kim’s House]

Andito na kami sa bahay nila Kim. Grabe, ang yaman din nila eh. Pagpasok ko, hinanap agad ng mata ko si Ara. Ang alam ko kasi, buong section A, invited dito. Kaya siguro, kasama si Ken at kasama nya si Ara.

Tss.

“Cienne!” Tawag ko kay Cienne nung makita ko sya malapit sa buffet table. 6 PM kasi cinelebrate ang birthday. Kaya medyo pagabi na. Ewan ko ba, ganun ata pag mayaman. Haha.

“Uy, Thom.” Nilapag nya ang plato nya sa kalapit na table at nilapitan ako. “Nakakahiya. Ako palang ang Octa dito.”

“Nahiya ka pa nyan ah, sinolo mo na nga ata yang buffet table. Hahaha.”

“Kainis.” Hinampas nya ako ng mahina sa braso. “Halika dali.”

Naglakad kami papunta dun sa table na pinag-lapagan nya ng plato nya. Circular yun na may 8 chairs. Sakto sa aming walo.

“Tagal naman nila,“ kumento ko. “Si Kim?”

“Ewan ko nga eh, kanina ko pa tinetext, walang reply. Nahihiya naman akong pumasok sa loob.”

Maya-maya pa, dumating na si Jeron. Kasabay si Avo.

Pre!” I called on him at tinuro naman kami ni Avo. Lumapit na sila.

“Bespren!” bati ni Avo kay Cienne.

“Uy, bespren!”

Umupo na sila. Ang tagal ni Ara ah.

“Tagal nila Ye.” Sabi ni Jeron. “Mga babae talaga oh.”

Sinamaan naman sya ng tingin ni Cienne. “Ano?!”

“Hahaha! Joke! Eto naman si Ienne, di mabiro.” –Jeron

Maya maya pa, dumating na si Ara. Kasama si Ken. Hay nako. As expected.

“Guys!” Lumapit sya samin.

“Ars!”

“Hi, Ara.” I greeted her. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Ken sa’kin.

Sapakin ko kaya sya. Ako ang fiancé nyan ni Ara eh.

Nagpoker face lang ako sa kanya. Bahala ka dyan, mas gwapo naman ako sayo.

Second Chances? (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon