Chapter Six

32.3K 667 18
                                    

Ruth went back to his office. Pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Sheila. And how she was frightening while telling her dreams. Kinabahan siya. The PI that he was hired before was on the vacation. Pagkatapos ng aksidente ay binigay niya ang huling bayad kay Private Investigator Raul Manansala at nagdesisyon ang lalaki na magbakasyon muna with his family. And now, na-triggered na naman ang curiosity niya pagkatapos ng lahat.

There's a part of him, telling that he should believe in what Sheila's dream. Posibleng parte 'yon ng nabura niyang alaala. That could help him to resolve this matter.

Minutes later, Sam finally called after his two same messages. "If you're going to ask me why I am still awake at this hour. Spare me, bro. I'm loaded with works." Samuel said.

"She remembers something." He was pertaining to Sheila's dream.

He heard Sam gasped. "Have you talk to Dr. Del Carmen? What was he said?"

Tumango siya kahit alam niyang hindi naman siya nito nakikita. "I did a phone call minutes before you called back. He said, posibleng senyales daw 'yon na unti unti nang bumabalik ang memorya niya."

He heard his sharp breath. "I told. We told you! Tigilan mo na 'yan. We can trap Trey in our own plan. Hindi kasama na gamitin ang babaing 'yan. Have you watch the news? Nasa balita na siya and probably, Trey was searching her now. Magpasalamat nalang tayo at nakahold ang medical records niya sa ospital.  Thanks to Del Carmen."

Ipinagkibit balikat niya ang sinabi nito. He's still believe na maglilink talaga ang balitang nangyari sa babae. Maliit lang ang pilipinas. Uso ang android, uso ang internet. News can be blast in just a minutes after. Hindi pa man na tetelecast sa TV ay kakalat naman agad sa Social media. "Kaya nga tulungan mo ako." he said.

"At anong klaseng tulong? Hihingi ka na ba ng tulong kung paano aaminin sa kanya ang totoo? Gawin mo na ng mas maaga habang kaya pa niyang intindihin ka."

He sighed. "Sheila had a dream. And It's haunting me. I don't know why? Hindi ko alam kung bakit natatakot ako---para sa kanya." Aniya sa mababang tinig.

"Ano bang napanaginipan niya?"

"Tingin ko may kinalaman 'yon sa aksidente niya. Could you please track down the security cameras sa loob ng Airport. Sabi niya kasi, may mga lalaki daw na humahabol sa kanya that's why she ran." He heard his frustrated sigh.

"Gusto mo ba talagang hindi na ako makalayas dito sa MMDA? Ipinatapon ako dito dahil sa inyo ni Greg ng ipakalkal niyo sakin ang NBI files tungkol sa hinahanap niyong tao noon. At dahil mabuting kaibigan ako, nagprisenta akong tulungan kayo." May sarkasmo sa tinig nito. Umiling iling nalang siya. Kahit naman magreklamo ito alam niyang tutulungan pa rin siya nito.

Para saan pa at naging secret agent siya ng agency nila? "Fine. I'll do what I can. I'll call you back para sa update."

Huminga siya ng malalim. Maybe he could sleep now hanggang sa muling tumawag si Samuel para sa update. "Thank you."

"Don't thank me yet. Wala pa kong ginagawa."

And he ended the call. Sumandal siya at itinaas ang paa sa lamesa. Muli niyang inalala ang araw na naaksidente si Shiela. Wala naman siyang napansin kakaiba ng araw na 'yon. Or his eyes just focus only with Shiela? Damn! Leave my mind! Hindi niya dapat iniisip ng iniisip 'yon. After he done with his plan. Lalayo siya at kakalimutan ang lahat ng ito.

Ibinaba niya ang paa at binuksan ang drawer. Kinuha niya ang cellphone ni Shiela na nasa isang Ziplock bag. He took the cellphone at itinago. This is the only way para hindi makaiisip ang babae na tumawag kung kaninong natatandaan nito.

He turned it on. Walang password ang cellphone. Mukha nito ang nakawall screen doon. Her beautiful smile. Agad siyang napailing. Mabilis niyang pinindot ang home button at tinignan iyon.

Pearl.

Iyon ang pangalan na pumuno sa Inbox nito. Kilala niya ang babae. Iyon ang matalik nitong kaibigan na naiwan sa California. Isa isa niyang binasa ang mga palitan nila ng text messages. Those are sent during the time na hindi pa nakakaalis ang eroplano sa California.

Sunod niyang binuksan ang ay ang gallery kung saan mga sceneries ang bumulaga sa kanya. Mahilig siya sa mga magagandang tanawin.

Naagaw ang pansin niya sa kuha nitong pagkain na nakapatong sa airline tray. Mga airline foods. Sa kaliwang banda ng litrato ay kamay ng isang lalaki na may hawak na itim na sombrero. Nahagip iyon ng camera. Malayo na ang kuha kaya hindi makikita sa litrato ang hitsura ng lalaki. Pero ang pangalang nakatatak sa sombrero nito ay pamilyar sa kanya.








To be continued...








-------

Waahh.. Don't tempt me na guys. Last na UD ko muna ito for now. Balik pag eedit na ulit ako kay Cain. (Para sa self-pub)

Enjoy reading.
Ai:)

P. S
May PSICOM account na po ako. I'm planning to write dun sa site nila. Maybe kapag nakatapos ako dito. Kung suswertehin baka magsulat ako ng ibang series doon.

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon