Pitfall

19.3K 476 14
                                    

[Pit-fall~noun. A danger or a problem that is hidden or not obvious at first.]

A/N: sinadya ko pong maglagay ng footnote dahil baka isipin niyo anong connect ng word na yan sa chapter. Salamuch! Happy reading!

-----

Pitfall

"Sigurado ka?"

Ruth swiveled his chair while still on the phone. Hawak niya ang folder na binigay ng imbestigador nila. Kausap niya ang isa sa speaker ng telecommunications company na tinawagan niya.

"I am, Mr Rosales. Inapt ang number na binigay
Niyo."

Naikuyom niya ang kamao. Kailangan magawa niya ang lahat ng paraan para malaman ang lahat. Hindi siya matatahimik hangga't nakakaramdam siya ng ganitong takot.

He caressed her cheek. Mahimbing na natutulog sa tabi niya si Sheila. Nakasiksik ito sa dibdib niya at nakayakap ang mga braso. Hindi siya makapaniwala na kasama na niya ito. Na kapiling na niya.

Tumitig siya sa daliri nito. Wala na roon ang hinubad niyang wedding ring nito. Pagkatapos niya kasing magprpose ay ipinadama nito muli sa kanya kung gaano kainit ang pagmamahalan nila.

Hindi man nito sinuot ang engagement ring ay alam niyang kanya na ito. Hindi man sa legal na paraan. Pero alam niyang hawak na niya ang puso nito. Ngumiti siya. Ito naman ang pangarap niya. Ang makapiling ang babaing mahal niya. At bumuo ng kompletong pamilya. Hinapit pa niya ito. Hindi man lamang ito nagising. Alam niya rin kasi na pagod ito. He's been rough last night until dawn. They even learned and experiment the other positions na hindi niya alam na pareho pala nilang maeenjoy. Kung paano nito isigaw ang pangalan niya at kung gaano kahigpit ang mga yakap nito.

"I love you..." Bulong niya.

Kinintalan niya ito ng halik sa labi nang magbeep ang Cellphone nito. Hindi na sana niya papansinin ng tumunog naman ito. Hindi sana niya sasagutin iyon dahil hindi naman niya kilala ang numero. Pero nag aalala naman siya na baka emergency iyon.

"Tik tak tik tok." Iyon ang bungad sa ka NH ya matapos niyang iswipe pakanan ang screen. "Pwede na ba akong maningil? I know where you were, Sheila. And oh! Your daughter! Nahsuswimming siya ngayon."

Naikuyom niya ang kamao. It's a threat. Another threat. Sa madalas na pagsasama nila ni Sheila. Hindi nito napapansin ang maraming beses na nadadampot niya sa harapan ng suite nito ang maliit na piraso ng papel. Someone's tried to scared her.

Hindi siya nagsalita. Kung uunahin niya ang bugso ng nararamdaman niya. Maaring malaman ng nasa kabilang linya na alam niyanang pananakot nito. Whoever behind these ay hindi makakatakas sa kanya.

"I can't wait to see how sorry you are kapag inuna kong patayin ang anak mo bago ikaw."

Hindi niya makuha kung babae o lalaki ba ang kausap niya. Konting imbestigasyon nalang. Naalala niya ang lalaking humabol kay Sheila sa airport noon. CCTV camera caught him. Malayo man ang kuha pero malinaw na maiidentify ang hitsura nito. Tumugma iyon sa kuha sa mall parking kung saan nabaril ang anak niya.

Ang kailangan lang nilang gawin ngayon ay kompirmahin ang lahat. Kumakalat na ang tao niya para hanapin ang lalaking iyon. Siya lamang ang makakapagsabi kung kagagawan nga ba ni Trey ang lahat ng ito. Napatay na nito ang kapatid niya. Hindi malayong gawin din niya ito sa mag ina niya.

Kusang nawala ang nasa kabilang linya. Dahan dahan siyang bumangon at lumayo kay Sheila. Kinumutan niya ito at idinantay ang unan upang di ito magising. He took his phone inside his pants na nagkalat sa sahig.

Mabilis niyang kinopya ang call data at ikinonekta ang telepono nito sa kanya. Carpio taught him kung paano kumuha ng data mula sa ibang network gamit lang ang parehong magkaibang cellular phone na magkakonekta. He's brilliant. Marami siyang natutunan dito. Thank him for being an IT greek.

Agad niyang tinawagan si Carpio. Kailangan niyang makabalik ng Manila ngayon. Kakauspain niya ang imbestigador. Kailangan masiguro niya na ligtas ang mag ina niya. Pababalikin din niya agad si Carpio dahil hindi niya gustong mag hinala si Trey. Hangga't hindi natatapos ang imbestigasyon ni Carpio kay Trey ay hindi niya hahayaang maghinala ang Congressman dito. Ngayon pa na may nakuhang report si Carpio tungkol sa mga illegal na pasugalan at jueteng ni Zaragoza sa buong San Simon.

Ibinaba niya ang telepono at hinarap ang hawak na folder. Mamayang alas diyes ang balik niya ng Quezon. Hihintayin lang niya ang tawag ng tauhan ni Greg para sa pinapaprocess niyang papel. Nakabalik na kaninang Umaga sa Quezon si Carpio. Nakahanda na ang pag alis nila patungong San Juan. Nakausap na niya si Jerri. Payag ito na okupahin nila ang beach house nito doon.

Sumandal siya at napatingin sa litrato ng mag ina niya. Si Carpio ang kumuha niyon sa isang inauguration na dinaluhan ng Mag ina. Karga pa ni Sheila si Sienna. Matagal na ang litratong iyon doon at sa tuwing nagagalit at nakakaramdam siya ng di maganda ay tinitignan lamang niya iyon. Konting tiis nalang at magiging malaya na silang tatlo. Malayang mamuhay na magkakasama.

Idadayal sana niya ang numero ni Sheila para sabihing maghanda na sila. Nang pumasok ang tawag mula kay Carpio.

"Mr Rosales."

Tumayo siya at inayos ang ilang gamit sa mesa. "How's everything there? Kamusta sila?"

"Not a good news, Sir." Doon kumunot ang noo niya.

"What is it? May nangyari ba?" Sunod sunod na tanong niya.

"Wala po dito si Ma'am Sheila at Ma'am Sienna. Sinusubukan ko pong tawagan pero hindi sinasagot. Nakausap ko po ang receptionist kanina ang sabi may dumating na lalaking nagsama kay Mrs. Zaragoza. Malakas ang hinala ko an si Congressman 'yon."

Naikuyom niya ang kamao. Fuck!

"Ang anak ko?"

"Naunang umalis si Ma'am Sienna kasama ang dalawang bodyguard. Pauwi na po ako ng San Simon para sundan sila."

Huminga siya ng malalim. "Alamin mo kung bakit agad agad na dumating dyan si Zaragoza at bakit niya tinangay ang mag ina ko ng ganoong kabilis lang. He must have a reason." mariing utos niya.

Natatakot siya oara sa dalawa. Paano kung alam na ni Trey ang plano nila ni Sheila? He won't risk their lives. Mabilis siya lumabas ng opisina. Hindi na niya mahihintay ang taong kakausapin niya. Kailangan makabalik siya ng Quezon.





To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon