Horn-Mad

22.4K 513 34
                                    

A/N: Naiinip na po ba kayo sa sobrang haba? Konting tiis nalang. Magpapaalam na sila. Hihihi

----

Horn-mad

"Papa!"

Agad na kinarga ni Ruth si Sienna. Nasa likuran nito so Carpio na nakamasid lang sa paligid. Tama ang hinala nila na nasa mansion lang si Sienna.

Nagsimula nang umiyak si Sienna. "Papa bakit hindi pa umuuwi si Mommy? Nagsleep ako kagabi na hindi ko siya katabi." Yumakap muli siya dito.

"Uuwi na siya anak. Pangako ko yan sayo." He promised while caressing her back.

Tumingin siya kay Carpio. "Wala si Congressman sa bahay, Sir."

Tumimgin siya dito habang nakasubsob sa balikat niya si Sienna. "Alam mo ba kung saan siya nagpunta?"

Umiling ito. "Pero may tao na kong nakasunod sa kanya."

Tumango lang siya. Nagpapasalamat siya na hindi naghihinala si Zaragoza kay Carpio. Kaya madali nilang nakuha si Sienna. Kinukutuban siya ng masama na may nangyayari nang di maganda kaya ginagawa nila ang lahat ng paraan kung saan dinala ni Trey si Sheila.

Dinala niya sa sasakyan si Sienna. Iuuwi na muna niya ito. Mas safe ito sa bahay niya. Hindi niya hahayaang makuha muli ni Trey ang anak niya. Magkakamatayan sila bago mangyari iyon.

Nang maipasok sa Land Rover si Sienna ay patakbong lumapit muli si Carpio sa kanya. "Sir, positive!"

"Papatayin kita!"

Mahigpit na hinila ni Ruth si Trey at pinaulanan ito ng sunod sunod na suntok. Kulay pula ang nakikita niya dala ng matinding galit na nararamdaman niya.

Kanina ng tumawag ang tao ni Carpio na nakasunod sa sasakyan ni Trey. Doon sila gumawa ng aksyon. Tumawag na rin siya sa NBI. Sapat na ang mga ebidensya para makulong ito.

Pero nang makita niya ang ginawa nito kay Sheila. Agad na sinakluban siya ng matinding poot at nagliyab ang galit niya. Sinubukan niyong lumaban pero hindi niya hinayaan.

"Hayop ka! Pinatay mo ang kapatid ko!" Muling inundayan niya ito ng suntok. Nakatuon ang papa niya sa tiyan nito. Sumusuka na rin ito ng dugo. "Papatayin kita dahil sa Ginawa mo kay Sheila!"

"Aaahh!" Sinipa niya ito dahilan para sumadsad ito sa pader. Nanlalambot na ito at basag na ang mukha.

Akma niya itong lalapitang muli ng may dumantay sa balikat niya. "Let us handle him, atty." Nang tumingin siya sa likurab ay si Police officer Kennedy iyon.

"Siguraduhin niyo na hindi makakatakas ang hayop na 'yan." Sabay duro niya. "Dahil kapag nakatakas 'yan. Hindi ko maiipangakong di ko mapapatay yan pag nagkita kami."

Tumango ang pulis. "We will make sure of that attorney. Sa ngayon kailangan isurrender muna siya sa pulisya. Hahatulan at malalaman natin kung ano ang ihahatol ng korte sa kanya."

Nag ngangalit ang ngipin niya. Saka lamang siya natauhan sa matinding galit ng marinig ang tinig ni Samuel. "Kailangan natin siyang madala sa ospital."

Nilingon niya ito. Agad na nanlambot siya ng makita si Sheila. Wala itong malay. Bugbog sarado at nababalot ng jacket ang katawan. At naniniwala siya na sa ilalim niyon ay wala itong saplot. Lupaypay ang katawan nito.

Nalulumong di siya makagalaw. "Ruth!"

Binulyawan na siya ni Samuel. Agad na kinarga niya si Sheila at tinakbo ito palabas ng silid. "Hold on sweetheart..."

Awang awa siya dito. Puno ng pasa ang mukha nito. Gusto niyang patayin ngayon din sk Trey sa pananakit na ginawa nito sa babaing mahal niya. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng luba niya. Kung nahuli pa pala sila ng dating baka...baka... Baka hindi lang ito ang ianbot ni Sheila. Baka mas malala pa ang nangyari dito. At hindi niya mapapatawad ang sarili niya.







To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon